Kabanata 12:

69 42 7
                                    


"Mamayang hapon pa naman ang pasok mo. Kay Atlas na lang ako sasakay," yamot na sabi ko kay Rafael.

Biyernes ngayon at tatlong araw na akong sumasabay sa kanya. Kahapon nag-tricycle ako dahil maagang natapos ang klase namin. At tuwing biyernes, ala-una hanggang ala-singko ng hapon ang klase nitong orangutan na ito. Kaya inaasahan kong hindi niya ako maihahatid ngayon. Tuwang-tuwa pa ako kagabi dahil akala ko kay Atlas ako sasakay ngayon.

Pero paglabas ko ng bahay nasa labas ng kawayan naming bakod ang orangutan na ito at pasipol-sipol pa.

"Lalake akong kausap, Barry. Kaya kailangan kong panindigan ang naging pustahan namin ni Atlas," sagot nito.

Pinag-untog ko nga sila dahil pinag pustahan nila ako. Akala ko nag bibiruan lang silang dalawa pero kinabukasan matapos nilang mag pustahan, kay Rafael nga ako umangkas.

"Tama ba kasing pag-pustahan n'yo ako!" inis kong sagot.

Nasa tabing kalsada kami ngayon at hinihintay na lang namin si Atlas. Nagbibihis pa kasi ito kaninang pumunta ako sa bahay nila para ipaalaga si Ice cream.

"Maraming babaeng pumipila para lang magkaroon ng pagkakataon na ma-'yangkas ko dito sa bike ko. Pero ikaw para akong may nakakahawang sakit dahil ayaw mong umangkas sa akin. Kung hindi pa kami nag pustuhan, hindi pa kita maiaangkas dito sa bike ko," mahabang litanya nito.

Humalukipkip naman ako at inangatan ko ito ng kilay. "E, Anong pinaglalaban mo ngayon?" mataray kong tanong.

"Tss. Kung hindi pa ako gagawa ng paraan..." Nakanguso ito at hindi na tinapos ang sasabihin niya dahil dumating na si Atlas.

"Bakit 'di pa kayo na unan?" tanong ni Atlas ng makalapit ito sa amin.

"Hinihintay kita," sagot ko at may matamis na ngiti sa labi.

Tumango lang ito at umangkas na sa bike niya. Na una na itong umalis kaya minadali ko na rin ang pag-upo sa likod ng bike ni Rafael.

"Bilis! Sabayan mo si Atlas," pinalo ko ang balikat nito.

Hinawakan naman nito ang kamay ko bago nito inabot ang isa ko pang kamay, saka niya iyon niyapos sa bewang niya.

"Kumapit kang mabuti," aniya bago pinatakbo ang bike niya.

Napakapit talaga ako ng mabuti sa biglaan nitong mabilis na pagpapatakbo ng bike. Nalampasan din namin si Atlas.

"Sabi ko sabayan mo, hindi lampasan!" sabi ko sabay kurot sa t'yan nito.

Wala naman akong narinig na reklamo. Kalaunan nakonsensya din ako sa pagkurot ko sa kanya kaya marahan kong hinaplos ang t'yan nito.

Pagdating namin sa school nagsisimula ng luminya ang kapwa namin estudyante para sa flag ceremony.

"Pumasok kana," sabi ni Rafael.

Inikutan ko lang ito ng mata saka tinanaw ang daan na pinanggalingan namin. Tiningnan ko kung parating na rin si Atlas.

"Hintayin mo ako dito mamaya," sabi pa nito saka niya hinawakan ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.

Pinalo ko naman ang kamay nito at sinamaan pa ito ng tingin.

"Oo na! Nakakainis ka!"  Ngumisi lang ito pero nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata niya.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now