Special Chapter

38 20 0
                                    


After I graduated from high school, I thought it would be okay to chill in college, but it wasn't.

In college, it proves me the true meaning of study hard and the struggles that I thought were just Rafael's tricks is truly a nightmare.

College life is no joke but one thing is good being in college is that it is your first stepping stone in achieving your dreams.

Kapag nakapagtapos kana makakaya mo nang harapin ang future mo ng may tapang at buong pagtitiwala sa sarili.

Siyempre hindi parin ganoon kadali...

"Anong sabi?" tanong ni Rafael na nasa harapan ko.

"Uminom ka muna ng tubig,"si Katelyn naman sabay abot sa akin ng mineral water.

Mag-katapat naman silang nakaupo ni Atlas. Nasa cafe kami malapit sa building na pinanggaling ko kung saan ako nag apply ng trabaho at nasa iisang mesa lang kami.

"Tatawagan daw nila ako."

Inunat ko ang mga kamay ko sa lamesa at inilapat ko ang kaliwang pisngi ko sa makinis nitong ibabaw.

"Pangatlo na ngayong linggo 'yan." si Atlas na katatapos sabihin ang order namin.

"Sabi ko sayo mag focus ka nalang muna sa pag re-review habang fresh pa ang utak mo sa mga natutunan mo." si Rafael na pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. Kami naman ang magkaharap.

Nakapagtapos ako ng 4years course sa Nursing at kaka-graduate ko lang two months ago. Well, kami pala nila Katelyn at Atlas kaya lang magkakaiba naman kami ng kursong kinuha. Accountancy ang tinapos ni Atlas samantalang Human Kinetics ang kay Katelyn. Hanggang ngayon nga hindi ko parin inakalang mahilig sa sports si Katelyn kaya HK ang kinuha nitong kurso pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Ang makahanap ako ng trabaho ang mahalaga.

"Ako ng bahala sa pag re-review ko Nay. Paghandaan nyo na lang kasal ni Kuya." panggaya ni Atlas sa sinabi ko kay Nanay noong nakaraang araw.

"Masamang makinig sa usapan ng kapitbahay." inis kong sabi.

Ngumisi lang naman ito.

Ikakasal na kasi si Kuya Lito sa susunod na buwan at dahil lalaki ang partido namin halos lahat ng kailangan sa kasal sa amin mang ga-galing. Mayroon namang ipon si Kuya pero alam kong hindi iyon sasapat dahil gusto ng pamilya ng mapapangasawa niya na bongga ang magiging kasal. Malaki rin ang naipon ni Nanay sa pag a-abroad niya pero mas kailangan ngayon ni Kuya ang tulong niya kaya na-isip kong ako na lang ang ga-gastos sa pag re-review ko para makabawas narin sa gastusin.

"Next year na nga ako mag te-take ng board exam. Kailangan ko munang mag ipon ng ga-gastusin ko." sagot sa sinabi kanina ni Rafael.

"Pwede naman kitang pautangan muna." anito dahilan para mapatingin kaming tatlo sakanya.

Nag simula na kasi itong magturo ngayong school year at mag ta-tatlong buwan na simula nang magsimula ang klase kaya may sinasahod na ito.

"Ipunin mo na lang yan para may ga-gastusin ka kapag maisipan na ninyong magpakasal ni Ate Sarah," yamot kong sagot.

Sa sagot sana ito pero dumating na ang order namin.

Tahimik kaming kumain. Maging sila ay gutom rin tulad ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal sa pagmamadali ko kaninang umaga at malapit ng mag lunch nang matapos ang interview sa inaplayan ko.

"Cr lang ako." paalam ko pagkatapos kong kumaian 'tska ako tumayo kinauupuan ko.

"Sabay na tayo." sunod naman ni Katelyn sa akin.

Four-leaf Clover Onde histórias criam vida. Descubra agora