Kabanata 20:

39 25 10
                                    

"Nag oral recitation kami kanina," sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Atlas. Tumigil ito sa pagkain at tumitig sa akin. "Naka..."

"Hmmm?" aniya saka bahagyang itinagilid ang ulo niya.

"Na ka-dalawang correct answers naman ako, "may ngiti dugtong ko.

"Ilang points each?" nangingiti'ng tanong niya bago sumubo sa fried chicken na ulam niya.

"Five points each. May ten points na dagdag iyong makukuha kong score sa english exam next week."

"Pagpatuloy mo 'yan. Sabi ko naman sayo masarap sa feeling kapag may nakukuha kang achievement kahit maliit lang. Ilan man makuha mo sa exam at least sure nang may ten points ka."

Tumango-tango naman ako sa sinabi nito. Hindi nga lang sana ten points ang makukuha ko, kung hindi nagpatulong si Naomi sa akin.

Iba ang feeling kapag nakapag-review ka tapos halos lahat ng tanong ni Ma'am kanina alam ko. Medyo naging mayabang pa ako kanina dahil panay ang taas ko ng kamay. Sa isip ko pa kanina, dapat noon pa ako nag sipag sa pag-aaral. Na discover ko pa na kaya ko naman palang makipagsabayan sa mga kaklase kong mata-taba ang utak kung gugustuhin ko.

May mabuti rin pa lang na idulot iyong mga sinabi ni Atlas sa akin. Saan noon niya pa sinabi ang mga iyon sa akin, e, 'di sana hindi puro pasang awa ang grades ko. Iyong pag ma-mature ng utak ko na tagalan man, alam kong hindi pa huli para makipagsabayan ako. At sa nakikita kong tuwa sa mga mata ni Atlas ngayon lalo pa akong ginanahang mag-aral ng mabuti.

"Thank you," senserong sabi ko. Napatitig lang ulit ito sa akin at ilang sandali pa ngumiti ito ng pagkatamistamis.

Tuwang-tuwa ang puso ko sa nakikita ko pero na putol ang tuwang iyon nang makarinig kami ng flash ng camera.

"Wahhhh! Ang cute ninyong dalawa. Para kayong mag jowang mahal na mahal ang isa't-isa pagti-titigan ninyo dito," si Naomi na nakatingin sa screen ng selpon niya."Po-post ko 'to," kinikilig niya pang sabi.

Nasa canteen kami at nagla-lunch. Sa unang pagkakataon si Atlas ang nagyayang kumain kami ng sabay. Palabas kami ng room ni Naomi nang makita ko itong nakapamulsa sa gilid ng pinto at nang makita niya ako niyaya niya nga akong mag-lunch. Halos mapunit ang labi ko kanina sa sobrang ngiti ko, na palo ko pa ng tatlong beses si Naomi at nag pakurot pa ako sa pag-aakalang na nanaginip lang ako.

"Baka mag trending kami n'yan," biro ni Atlas.

Kinuha nito ang manok sa plato ko at inalis ang balat nito. Hindi ko kasi kinakain ang balat ng manok. Kaming dalawa lang sana ang magla-lunch pero pa epal itong si Naomi, nag pumilit itong sumama. Pero mukhang may maganda namang resulta ang pag-sama niya.

"Matagal nang nag aabang ang buong school sa progress ng love story ninyo. Bali-balita pa nga na baka masama kayo sa school newspaper natin."

Nagkatinginan kami ni Atlas saka pareho kaming nagkibit balikat at natawa din kaming pareho.

May progress na nga ba kami?

....

"Saan mo ba gustong pumunta bukas?" tanong ni Atlas.

Pauwi na kami ngayon at naka-angkas ako sa likod nito. Mahigpit ang pagkaka-yapos ko sa bewang niya. Tinatangay ng hangin ang lampas balikat kong buhok. Nakadikit rin ang pisngi ko sa likod nito.

"Ikaw, kung saan mo ako dadalhin." Tumawa ito sa sagot ko.

"Matagal mo nang gustong magdate tayo, for sure may naisip ka nang lugar kung saan mo ako i-de-date."

"Sa Mall sa may Arcade. Gusto kong mag enjoy tayo sa paglalaro."

"Hmmm. Pwede pero common na kasi iyong Mall kaya sa iba naman tayo pupunta."

"E, Saan tayo pupunta?"

"Secret. Basta agahan mo na lang bukas."

Ayoko pa sanang bumaba nang makarating kami sa tapat ng bahay dahil na e-enjoy ko pa ang pagkaka-yapos ko sa katawan ni Atlas. Kaya lang ayoko namang mag mukhang tuko.

"Chat-chat tayo mamaya," sabi ko pagkababa sa bike nito.

"Sige."

Mabilis kong tinapos ang mga gawain ko. Eksaktong na kauwi na si Kuya Lito ng matapos akong mag luto ng hapunan.

"Mukang maganda ang araw mo ah, ngiting-ngiti ka." puna ni Kuya sa akin nang pag-buksan ko ito ng pinto.

"May date kami ni Atlas bukas," masayang sabi ko.

Natigil naman sa ambang pag-aalis ng sapatos si Kuya. Tumitig ito sa akin tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Seryoso Kuya, noong isang araw niya pa nga sinabi sa akin," ngiting-ngiti sabi ko.

Itinuloy naman nito ang pag-aalis ng sapatos niya saka ito nag salita."Baka nag sawa na siya sa kakulitan mo kaya pagbibigyan kana niya." Tumawa ito.

"Grabe ka naman Kuya, effective siguro iyong pag lay-low ko sa kanya. Na missed niya siguro ako kaya 'ayon na realize niyang Mahal niya na rin ako, " ngiting-ngiti pa ring sabi ko.

Tuluyang pumasok sa loob ng bahay si Kuya. Inakbayan niya ako.

"Tol, Huwag kang mag-assume agad. Isa sa pinakamasakit na pwedeng mangyari sa buhay mo, e iyong umasa ka pero sa huli hindi pala kayo ang mag-tatagpo sa dulo."

"Saan mo naman na pulot 'yan?" natatawang tanong ko.

Kung makapagsalita naman kasi itong kapatid ko akala mo expert siya, e, hanggang ngayon nga wala pa siyang girlfriend.

"Gusto ko lang na ingatan mo 'yang puso mo. Iba ang pagmamahal na tunay sa pagmamahal na binuo lang sa imahinasyon." Iniwan na niya ako sa sala.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ngayon ko lang na lamang may pagkamakata pala ang Kuya ko.

Pagkatapos naming maghapunan at maka-pagligpit ng kinainan. Dumiretso na ako sa kuwarto ko at hinarap ang selpon ko.

Pagbukas ko ng messenger ko sunod-sunod ang messages ko. Iyong iba galing sa mga kaklase ko at tinatanong kung kami na ni Atlas. Nakita ko pa ang May Day ni Naomi na iyong kinunan niya kanina. Pati ako kinikilig sa titigan namin ni Atlas sa picture.

Mag me-message na sana ako kay Atlas nang makita kong may message si Rafael.

Rafael Suarez:

Labas tayo bukas.

Napakunot ang noo ko sa pagyaya nito. Kahapon lang nilalagnat ito tapos gusto niya na namang gumala.

Ako:

Tumigil ka! Magpahinga ka. May date kami ni Atlas bukas.

Na seen agad nito ang message ko pero hindi na ito nag reply kaya si Atlas naman ang minessage ko.

Ako:

Anong oras tayo bukas, bebeko?

Hindi ito naka online pero sigurado naman akong mag o-online ito mamaya at mababasa nito ang message ko. At habang hinihintay ko ang reply nito tumambay muna ako sa Facebook. Unang-una sa news feed ko ang post ni Naomi na picture namin ni Atlas. Naka sixty reacts na ito at one-hundred comments. Binasa ko naman ang ilan sa mga comments.

Comments:

Oh my god! Sila na?😮

Lovey dovey.😍

Ngiting tagumpay si Barista.🤣🤣🤣

Makuha ka sa tingin, Barista.

It's a prank.🤣

Mag ko-comment din sana ako ng tawagin ako ni Kuya. Nasa sala ito at nanonood ng TV.

"Bakit Ku--Rafael?" Nakatayo sa labas ng pinto namin si Rafael.

"Pina-papasok ko ayaw naman pumasok," si Kuya saka ito bumalik sa panonood ng Tv.

Lumabas naman ako ako para harapin si Rafael.

"Magaling kana?" tanong ko saka sinalat ang leeg nito. Hindi na ito mainit.

Ibababa ko sana ang kamay ko ng hawakan niya iyon. Napatitig naman ako sa kanya at ganun din ito sa akin.

Napakaseryo ng mukha nito ng magsalita siya. "Huwag kang pumunta bukas."

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now