Kabanata 27:

25 22 2
                                    

"Ilang bote ng gin ang kaya mo?" seryosong tanong ni Naomi sa akin.

Katatapos naming mag-lunch at naglalakad kami ngayon patungo sa mini park.

"Heartbroken lang ako, hindi lasenggera," naka-irap kong sagot.

Sinabi ko kasi sa kanyang break na kami ni Atlas, kahit hindi naman talaga naging kami. Pero alam kong malinaw kay Naomi ang ibig kong sabihin. Pumunta rin kanina si Atlas sa room namin pero tulad kaninang umaga, hindi ko ito pinansin. Kung pwede lang ayoko munang makita si Atlas.

"Susuko ka na lang? Ilang taon karing nagpakatanga sa kanya," aniya eksaktong nakarating kami sa puwesto namin sa mini park.

"May natitira pa naman akong hiya para sa sarili ko," sagot ko pagka-upo namin.

Ang sakit, pero wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lang. Wala rin naman akong karapatan na umasta na parang girlfriend na niloko ng syota dahil hindi nga kami ni Atlas!. Pero umasa kasi ako at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya, hindi pa rin ako ang gusto niya.

"Oh my god! Don't cry." lumapit sa tabi ko si Naomi. Mabilis ko namang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko. "If someone sees you crying, for sure magiging hot topic ka dito sa school. Sino namang mag-aakala na iyong tigasing babae ay i-iyak dahil lang sa lalake."

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Nasaktan ako at tanging ang pag-iyak lang ang kaya kong gawin para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Ang mas nagpapatindi ng sakit na nararamdaman ko ay iyong panloloko nila sa akin. Kaibigan ko sila, e!

Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Marahan namang hinahaplos ni Naomi ang likod ko.

"Maiintindihan ko naman kung nag-sabi sila sa akin," basag ang boses kong sabi.

Sa lahat ng taong malapit sa akin, hindi ko inaasahang pati sa harapan ni Naomi i-iyak ako. Akala ko na ibuhos ko na lahat ng luha ko ng gabing iyon. Hindi na kasi ako umiyak kinabukasan dahil mugto na ang mga mata ko at ayokong mag-mukhang zombie pagpasok. Pero ngayon nakaipon na naman ng luha ang mga mata ko kaya panay na naman ang labas nila.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ayoko ng umiyak.

"Umiyak ka lang." umiling ako kay Naomi.

"Hindi naman worth it na iyakan ang lalakeng 'yon," sagot ko.

"Tama! Marami pang ibang lalake d'yan. Hindi rin naman siya kagwapuhan. Baka nga ginayuma ka lang niya kaya na baliw ka sa kanya."

Natawa ako sa sinabi ni Naomi. Kahit pa-pano gumaan ng kaunti ang bigat sa dibdib ko.

"Ano nga pala sinabi ng Kuya mo?"

"Wala, hindi pa niya alam. Lasing na kasi siyang umuwi tapos nakipag-inuman pa ulit siya kinabukasan. Ang akala niya na sobrahan lang ako sa tulog kaya mugto ang mga mata ko."

"Sino ba kasi iyong babae?"

Umiling lang ulit ako. Kung maari lang ayoko nang pag-usapan pa namin sila. Bumalik narin sa maynila kahapon si Katelyn ng hindi kami nakakapag-usap. Sinubukan niya naman akong kausapin bago sila umalis pero pinagsarhan ko lang sila ng pinto ni Rafael.

"Huwag na lang natin silang pag-usapan."

"Okey. Maghanap na lang tayo ng pwede mong ipalit kay Atlas, 'yong mas gwapo sa kanya ng isang daang paligo."

....

Natapos ang araw sa school na mga pointers na dapat i-review para sa darating na exam ang ibinigay sa amin ng mga teachers. 

"Huwag kang mag-bigti ah," biro ni Naomi bago kami maghiwalay sa labas ng school.

May kaya sa buhay sila Naomi kaya meron itong sundo. Pero hindi makikita sa itsura ng babaeng iyon na mayaman sila dahil jologs ito at minsan meron pang butas ang uniform niya.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now