Kabanata 10:

89 46 7
                                    

Mahigpit ang naging yakap ko kay Kuya Lito habang mangiyak-ngiyak ako sa tuwa.

"Thank you, Kuya! Thank you! Mahal kita!" Paulit-ulit kong sabi habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Lumayo kana, hindi ako makahinga," aniya saka niya inalis ang nakapulupot  kung braso sa leeg niya.

Kumikinang naman sa paningin ko ang  selpon na binili nito. Sikat na brand ng selpon ang binili ni Kuya, pwede ko na ring makausap si Nanay anumang oras. Nakakausap ko lang kasi ito kapag tumatawag siya kay Kuya thru video call. Ngayon kahit na saan ako pwede kaming mag-usap ni Nanay.

"Ingatan mo 'yan. Isang buwang sweldo ko ang ipinangbili ko d'yan." marahan nitong pinisil ang pisngi ko bago niya ako iwan.

Nanginginig naman ang kamay ko habang kinakalikot ang bagong selpon ko. Hindi rin maalis ang ngiti sa labi ko. Nang makita ko ang FB app sa selpon mabilis kong ni-log-in ang account ko na two years ng ginawa ni Katelyn. Nang maka-log-in na ako, sinimulan ko na ang pag a-add sa mga kilala ko at pagtingin na rin sa mga post.

Kinalkal ko lahat ng apps sa selpon. Aba ako sa paglalagay ng email account ko sa google ng marinig ko ang sigaw ni Rafael.

"Barry!" Hindi ko ito sinagot.

Nakabukas naman ang bahay at makapal naman ang mukha nito, kaya siguradong papasok ito

"Wow! bagong selpon," pinaningkitan ko ng mata si Rafael.

May bitbit itong kulay brown na sako at iniwan niya iyon sa tabi ng tsinelas niya bago pumasok ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong nang tabihan niya ako.

"Patingin ako. Anong unit nito?" aniya saka nito kinuha ang selpon.

Ang kapal talaga ng mukha!

Kinalikot nito ang selpon ko, hinayaan ko na lang din dahil may mga itatanong din ako sa kanya tungkol sa ibang apps. Hindi na rin namin pinansin si Kuya ng mag-aya itong mag-merienda. Nag add pa kami ng ilang kakilala at kaklase ko. May mga ipinasa din itong apps sa akin at itinuro niya kung ano at kung para saan ang mga ito.

"Hindi kita binilhan ng bagong selpon para iyon lang ang atupagin mo." sabi ni Kuya Lito ng maabutan ko ito sa kusina na nag lilinis ng isda na ulam namin mamaya.

"Oo Kuya, pupunta pala kami sa bakanteng lote," sabi ko habang nagsasalin ako ng tubig sa baso.

"Anong gagawin n'yo doon?"

"Mangunguha ako ng Tae ng kalabaw. Kailangan ko sa TLE subject namin."

Linggo ngayon at bukas pasukan na naman. Magtatanim kami bukas sa TLE subject namin at sinabi ng teacher namin noong biyernes, na mag dala kami ng Tae ng kalabaw. Gagamitin kasi namin itong fertilizer sa mga pananim. Ayoko ko sanang kumuha, hindi ko kasi iyon pwedeng isakay sa bike ni Atlas.

Kaya lang pinagbantaan naman ako ni Atlas kahapon. Kapag hindi ko sinunod ang pinapagawa ng teacher ko, hindi na niya ako i-a-angkas sa bike niya. Kaya wala akong choice kundi ang kumuha ng Tae ng kalabaw. Sa umaga lang naman ako sasakay ng tricycle kaya mas mabuti pang kumuha na ako kesa hindi na talaga ako i-angkas ni Atlas.

"Nay Fe, si Atlas po?" tanong ko habang palapit kami sa balkonahe nila.

Nang makalapit kami na pansin kong may bilao itong hawak at may lamang bigas iyon. Nakito ko ring kay maliliit na bato iyong bigas.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now