Kabanata 11:

77 46 7
                                    

"Atlas," ngiting-ngiti ako habang palapit sa bahay nila.

Hawak-hawak ko naman sa kanang kamay ko ang notebook ko sa Math at AP.

"Nakapagluto ka na?" tanong nito nang makapasok ako sa balkonahe nila.

Nagkalat sa ibabaw ng lamesang kahoy ang notebook, libro at papel. Dito sa bahay nila ako gumagawa ng assignments ko, kaya naglagay na sila ng lamesa at monoblock chair sa balkonahe.

Umupo ako sa harapan nito bago sumagot. "Oo, baka pauwi na rin si Kuya."

Tumango lang ito saka ipinagpatuloy ang pagtingin sa libro saka ito may isusulat sa notebook niya.

"Assignment mo?" tanong ko habang binu-buksan ko ang notebook ko sa Math.

Dalawa ang assignment ko ngayon, Math at AP. Nagawa ko na kanina iyong AP at I-re-rewrite ko na lang iyon sa papel, samatanlanag wala pa akong na si-simulan sa Math.

"Advance Study," sagot nito.

Pinakain siguro ni Nanay Fe si Atlas ng tae ng kalabaw noong bata siya. Ang talino ng bebe ko e. Nag a-advance study pa ito.

"Sana all mataas ang IQ," nakangiting saad ko.

"Sa dami mong na-iisip na kalokohan, hindi masasabing mababa ang IQ mo. Sadyang tamad ka lang mag-aral," aniya kasabay ng pag-iling nito.

Ngumuso naman ako dahil disappointment naman ang nakikita ko sa mukha nito, kahit pa compliment ang unang sinabi niya.A-amba sana akong magsalita nang makita ko ang pagpasok ni Rafael sa gate nila.

"Hoy! Tropa!" sigaw nito at patakbo itong lumapit sa amin.

Umikot ang mata ko bago kinuha ang papel ko para i-re-rewrite ang assignment ko.

"Ma-over study kayo," natatawang sabi nito saka niya hinila ang bakanteng monoblock chair at tumabi sa akin.

Magsusulat na sana ako nang maalala kong paboritong subject ni Rafael ang Math. Kaya nga Bachelor of Secondary Education major in Mathematics ang kinuha nitong kurso. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit gusto niyang maging guro. Tumikhim ako bago ko kinuha ang notebook ko sa Math saka ito inilapag sa harapan niya.

"Patulong naman ako," sabi ko with puppy eyes.

Tinitigan niya ako sandali. Nang bumaba na ang tingin nito sa notebook ko lumapad ang ngiti ko.

"Ano 'to?" tanong niya habang binu-buklat ang notebook.

"E, May assignment kasi ako. Ta--"

"Hindi 'yan matututo kapag tinulungan mo siya," putol ni Atlas sa pagsasalita ko.

Sabay kaming tumingin sa kanya ni Rafael. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa amin.

"Hindi ko kasi maintindihan kung paano 'yan gawin," nakangusong sabi ko.

Kinagat ko ang dulo ng ballpen ko pero mabilis na hinila ni Rafael ang kamay ko.

"Magkakabulate ka n'yan," aniya saka kinuha ang ballpen sa kamay ko.

Iniwas naman ni Atlas ang tingin sa akin. Muntik pang mapunit ang page ng libro na inilipat nito. Galit ba siya?

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now