Kabanata 31:

30 23 0
                                    

Dahil sa pagod ko kahapon hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya ang resulta tinanghali ako nang gising. Pasado alas nuwebe na nang magising ako. Kaya ang agahan ko naging tanghalian ko na at ang tanghalian ko naging merienda.

Nanonood ako ng tumunog ang selpon ko, hindi ko sana iyon titignan kaso nag patalastas kaya tinignan ko na lang ito. Nag-salubong ang kilay ko ng makitang galing kay Rafael ang text.

Rafael:

Gawa mo, bebeko?

Ako:

Ipinagtitirik ka ng kandila.

Ibinalik ko ang selpon sa ratan na mesa at  itinuon ko ulit ang atensyon ko sa TV. Nang tumunog ulit ang selpon ko hindi ko iyon pinansi. Kaya lang pagkaraan ng ilang minuto may tumatawag na. Busangot ang mukha kong sinagot ang tawag ni Rafael.

"Anong kailangan mo?!" may inis na sabi ko.

"Wala manlang hello, babyko?"

"Istorbo ka!"

"Isang I lab u naman d'yan. May quiz 'ko
mamaya. Pampagana ng utak."

"Ma zero ka sana."

Ibinaba nito ang tawag kaya gulat akong napatitig sa screen ng selpon ko. Ilang sandali nakaramdam ako ng konsensya. Nag-tipa ako ng message pero binura ko lang ulit. Ilang beses kong binura bago ako nag desisyon na i-send na ito.

"Goodluck,Galingan mo❤️"

Pagkatapos ng pinapanood ko nawalan na ako ng ganang manood. Pinatay ko ang Tv, pagkatapos, tinignan ko ang oras sa selpon ko. Alas tres pa lang ng hapon.

"Nakakabagot," bulong ko sa sarili habang nakahiga ako sa ratan na upuan namin. "Magpalibre nga ako mamaya kay Rafael ng Barbecue," kausap ko ulit sa sarili ko.

Pinagdiskitahan ko naman ang selpon ko, naglaro ako ng ilang minuto pero nang magsawa ako. Isinunod ko namang pinagdiskitahan ang mga halaman ni Nanay. Inalis ko ang mga natutuyo nang dahon. Pagkatapos, nag-trim naman ako sa mga gumamela na nasa pagitan ng bahay ng bahay namin at nila Atlas.

"Ari."

Napalingon ako sa kanan ko kung saan ang kawayang gate namin. Nasa labas nito si Atlas.

"Please! mag usap naman tayo."

… .

Ilang minuto na kaming nakaupo sa malaking ugat ng puno ng mangga sa likod ng bahay nila Lola Conching. Dito namin na piling mag usap ni Atlas, tahimik kasi dito at mahangin.

"Naalala mo nung nahulog ka dito," pagsisimula nito ng usapan.

"Oo naman. Tinakbuhan n'yo ako noon. Takot kayong mapagalitan ni Nanay," sagot ko at may maliit na ngiti sa labi ko.

Ang dami naming masasayang ala-ala noong mga bata pa kami. Lahat ng peklat sa katawan namin may kanya-kanyang kwento.

"Pinagalitan si Rafael no'n kasi siya ang pasimuno sa pag-akyat," dagdag pa nito at  may ngiti rin sa labi niya.

"Pinaglihi siguro ni Tita Rina sa unggoy."

Namayani sandali ang katahimikan. Umihip ang pang-hapong hangin, inayos ko ang buhok kong tumabing sa mukha ko pagdaan ng hangin.

"Naalala mo iyong unang araw na nagdesisyon akong ligawan ka?" Humarap ako sa kanya.

Diretso naman ang tingin nito sa harapan namin.

Tumango ito bago sumagot. "Oo naman, First day ng klase natin sa highschool. Introduce your self lang 'yon pero ibang pag i-introduce ang ginawa mo."

"Kaya ko sinabi noon sa harapan na liligawan kita. Kasi gusto kitang bakuran sa mga babae sa klase natin. Sigurista ako, e."

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now