Kabanata 34

29 23 0
                                    


"Magandang umaga po, Nay Fe," bati ko kay Nanay Fe nang pagbuksan niya ako ng gate nila.

Kita ang gulat sa muka nito na mabilis ding na napalitan ng tuwa at matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Magandang umaga rin. Pasok ka, anak. Sa tagal mong hindi pumunta dito nanibago tuloy ako." natatawa nitong sabi.

Sabay kaming naglakad pa-pasok sa bahay nila. Naabutan kong naghahanda na si Tatay Alfonso sa pag-pasok nito sa trabho.

"May maaga ba kayong lakad ni Atlas?" tanong ni Nanay Fe.

"Magandang umaga po, Tay." Bati ko muna sa Tatay ni Atlas bago ako sumagot kay  Nay Fe. " Wala po, Nay. Balak ko nga po siyang ayain." may ngiting sagot ko.

"Nakuh, naghihilik pa 'yon ngayon," sabi naman ni Tatay Alfonso.

Pinalo ni Nanay Fe ang balikat ng asawa niya. Mabilis namang hinalikan ni Tatay Alfonso ang pisngi ni Nay Fe saka ito nag paalam sa amin.

Pagalis ni Tatay Alfonso sinabihan ako ni Nay Fe na gising ko si Atlas. Magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ko habang patungo ako sa kuwarto nito.

Tulad ng dati nakadapa na naman nitong matulog. Nakaharap sa kabilang bahagi ang muka nito kaya kinailangan ko pang umikot para masilayan ang gwapong muka nito. Napangiti ako ng makitang nakaawang ang labi niya.

"Atlas," tawag ko at umupo ako para mapantayan ko ang kama nito.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa kama. Pagkatapos ipinatong ko naman ang baba ko sa likod ng kamay ko.

"Atlas, gising na." Alam kong hindi ito magigising sa simpleng pagtawag ko lang. Kaya ang ginawa ko pinisil ko ang ilong nito.

Napabalikwas ito ng bangon. Hindi ko naman napigilan ang tawa ko. Nabaling naman sa akin ang tingin nito. Tumayo narin ako at sandali kaming nagkatitigan.

"Magtititigan na lang tayo," nakangising sabi ko.

"Ari?"

"The one and only."

"Ari," ulit niya saka ito mabilis na lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "Ari!"

"Para kang batang nakipag-reunite sa mama niya ah," biro ko. Niyakap ko narin ito.

Humigpit ang yakap namin sa isat-isa nang maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nito kasunod ng pagsinghot niya.

"I'm sorry," aniya sa basag na boses.

"Libre mo ako ng burger," sabi ko na mabilis niya namang tinanguan bago ito kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Picture-an kita send ko kay Katelyn."

"Magseselos 'yon," agap niya habang nag pupunas ng luha.

"Aray naman," pag bibiro ko ulit sabay hawak pa sa puso ko.

"Ari, Hindi ko ginustong sak--"

"Alam ko. Kaya para makabawi ka, ilibre mo ako ng burger." Putol ko sa pagsasalita nito.

"Okey. Mabilis lang ako." aniya kaya lumabas narin ako ng kuwarto nito.

Habang hinihintay ko itong makapag bihis. Pinuntahan ko naman si Nanay Fe sa kusina.

"Nag-almusal kana ba?" tanong agad nito nang makita niya ako.

"Opo, Nay."

"Nasaan na si Atlas?"

"Nagbibihis na po," agap kong sagot.

Lumapit naman ito sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

Four-leaf Clover Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt