Kabanata 28:

29 23 0
                                    

Exam week, sobrang busy ko sa pag-re-review. Kahit nasa school nag bu-buklat parin ako ng notes ko, paraan ko narin iyon para maiwasan ko ang pag-iisip kay Atlas at Katelyn.

Second day ng exam namin ngayon at tulad kahapon inagahan ko na naman ang pasok. Ayoko kasing magkita na naman kami ni Atlas at magpupumilit na naman itong kausapin ako. Nag po-focus ako sa exam dahil gusto kong magkaroon ng mataas na grades. Isang linggo pa lang ang nakakalipas ng mahuli ko silang nagha-halikan ni Katelyn at sariwa pa ang sugat na ginawa nito sa puso ko.

"Ano 'to? kodigo," salubong ang kilay kong tanong kay Naomi habang binubuklat ko ang kapirasong papel na inabot nito sa akin.

Kararating lang nito at iyon agad ang binigay niya sa akin.

"Galing ulit kay Atlas iyan," nakaismid nitong sagot habang nakahalukipkip.

Wala pa kaming sampo sa loob ng classroom kung saan kami mag e-exam. Magkatabi ang upuan namin ni Naomi, alphabetically arrange kasi ang pagkakaupo namin.

Itinigil ko naman ang pagbubuklat sa papel. Inilagay ko iyon sa bulsa ng palda ko.

"Hindi mo babasahin?" tanong ni Naomi.

Nakasandal kami sa sementong railings ng building at nakaharap sa pinto ng classroom. Tuwing exam tatlong buildings lang ang ginagamit. Kaya buong linggo ang exam mula first year hanggang fourth year. Sa umaga, ang third year at fourth year ang mag e-exam at sa hapon naman ang second year at first year.

"Sorry lang ulit ang laman nun," walang ganang sagot ko.

Noong isang linggo pa nagpa-padala ng papel sa akin si Atlas at panay sorry lang ang laman nito. Porke hindi ko siya pinapansin sa pagsusulat na lang niya idadaan ang pag-so-sorry.

Gago siya!.

"Malay mo sagot sa exam iyong isinulat niya, pampalubag loob sa ginawa niya sayo. Tignan mo na," siniko pa ako nito.

Pinukulan ko ng masamang tingin si Naomi. Kahit pa answer nga sa exam ang laman nun, hindi ko parin siya kakausapin at patatawarin sa ginawa nilang pananakit sa akin. Nagpakatanga man ako sa kanya. Hindi naman ako ganun kababa na basta na lang magpa-patawad.

"Nag-review ako at hindi ako mandadaya sa exam para lang makakuha ng mataas na score." Pumasok ako sa loob ng classroom matapos kong magsalita.

Ngayon at wala na akong Atlas na pagkaka-abalahan. Mag-aaral na akong mabuti na dapat noon ko pa ginawa. Kung  alam ko lang na ganito ang sasapitin ko kay Atlas, sana hindi ko sa kanya inukol ang panahon ko. Ang dami kong ginawang kagagahan para lang makuha ko ang puso niya pero sa huli sakit lang ang isusukli niya sa akin.

Pasado alas yete nang magsimula ang exam, filipino ang first exam namin. Ang masaklap kalahati ng exam fill in the black. Tapos may bonus pang essay tungkol sa isang maikling kwento pero sanay na ako sa ganitong exam. Kadalasan kasi nasa tanong din ang ilan sa mga sagot, kailangan lang talaga ng stock knowledge dito.

...

"Nag-sagot lang naman ginawa ko pero bakit pagod na pagod ako. Nakaka-drain ng energy ang exam," si Naomi na nakahiga ang kalahati ng katawan sa mesa.

Nasa canteen kami para mag meryenda. May isang exam pa kami bago umuwi.

Third at fourth year lang ang nasa school ngayon kaya ka-kaunti lang ang tao. May nakapila pang estudyante kaya hindi muna kami bumili ng meryenda namin ni Naomi.

"Ops, the devil is here," ani Naomi na nakatingin sa likuran ko at kung nasaan ang pila.

Umikot lang ang mata ko at hindi nag abalang lingunin ang sinasabi nito. Siguradong hindi rin naman ako lalapitan ni Atlas, ayaw nitong mapunta sa kanya ang atensyon. Kapag lumapit siya sa akin at hihingi ng tawad, maraming makakakita at makakarinig. Duwag siya kaya nga hindi siya naging honest sa akin.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now