Kabanata 13:

73 40 7
                                    

Kung nasa syuda lang siguro ako. Mapagkakamalan akong magnanakaw at pinag-a-aralan ang lay-out ng bahay na nanakawan ko. Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa gate ng bahay nila Lola Conching. Kapag ka-katok naman ako na titigilan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Pang limang balik ko na ito ngayon. Kumuha ako ng siling pang pakbet sa garden ni Nanay para kunwari ibibigay ko kay Lola Conching.

Ilang segundo ang lumipas ng kumatok ako pinag-buksan na ako ni Aling Perla ng gate. Tinitigan niya lang ako kaya ka-kamot-kamot ako sa batok ko nang magsalita ako.

"Nanjan po si Lola Conching?"

"Bakit?" malalim at tonog robot din nitong tanong.

Kahit may kasungitan si Aling Hilda, mas gusto ko pa itong kausap kesa kay Aling Perla. "E, may ibibigay po ako," sagot ko saka ito tipid na nginitian.

"Bakit?" tanong niya ulit.

Napakamot naman ako sa kilay ko. Dalaga palang ako pero na kukonsumi na ako dito kay Aling Perla. Ang sabi ng ilan may kulang-kulang daw sa utak itong si Aling Perla, kaya minsan mahirap talaga itong kausap dahil pabalik-balik lang ang sinasabi nito. Tulad na lang ngayon.

Inangat ko ang plastic na dala ko. "Ibibigay ko po kay Lola." ginalaw-galaw ko pa ang supot malapit sa mukha nito.

"Nasa sala," sagot nito kaya napabuga na lang ako ng hangin nang papasukin na niya ako.

Naabutan kong na no-nood ng drama si Lola Conching. Agad naman niya akong na pansin.

"Barista, Anong ginagawa mo dito Ija?" tumayo ito sa tumba-tumbang silyon na inuupuan niya at sinalubong niya ako sa gitna ng sala.

Nahihiyang nginitian ko naman ito saka pasimpleng inilibot ang paningin ko sa bahay. Baka sakaling mahagip ng mata ko si Rafael na siyang sadya ko talaga sa pagpunta ko dito.

"Marami po kasing bunga 'yong siling pang-pakbet sa garden ni Nanay,  kaya na isipan ko po kayong dalhan."

"Nakuh! Salamat. Pwede ko itong ipaihaw kay Hilda mamayang tanghali. Masarap 'tong isawsaw sa bagoong na may kalamsin." Kitang-kita ang tuwa sa mata at mukha ni Lola.

Tipid naman akong ngumiti. Mag i-isang minuto na yata ako sa loob ng bahay pero hindi ko pa nakita si Rafael.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako. "Si Rafael po, La?"

Dumating si Aling Perla at kinuha nito iyong mga sili kaya hindi agad ako na sagot ni Lola Conching. Nang makaalis si Aling Perla, hinila naman ako ni Lola para maupo sa mahabang narra na upuan sa sala nila.

"Maagang umalis," may ngiti sa labing sagot nito nang makaupo kami.

"Ah... May pasok po sila?"

Sabado ngayon at sa pagkakaalam ko walang pasok si Rafael.

"Wala pero nagpaalam siyang sasamahan niya raw si Sarah." Napatango na lang ako.

Baka nag date sila ni Ate Sarah.

"May kailangan kaba kay Rafael?" Mabilis akong umiling.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now