Kabanata 1:

171 82 66
                                    

Ang bayan ng San Agustin ay mayroong apat na pu't walong barangay. Kabilang ang barangay Tablo na siyam na kilometer ang layo sa sentro ng bayan at kung saan ako ipinanganak at lumaki. Pagsasaka at pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bayan namin. Kaya nga hindi paman sumisikat ang araw gising na halos lahat ng tao sa barangay namin. 

Tilaok ng manok ang nagsisilbing alarm clock ko. Pag-gising ko sa umaga naghahanda na agad ako ng almusal namin ni Kuya Lito. Nagtatrabaho sa San Jose—sentro ng bayan ang Kuya Lito ko bilang bagger sa grocery. Alas-yete ang pasok nito at dahil malayo ang sentro sa barangay namin bago pa mag ala-sais umaalis na ito ng bahay.

Isang buwan na ang nakalipas ng mangibang bansa si Nanay. Isang taon pa makaka-pag-tapos na  ako ng Highschool. Kaya nag desisyon si Nanay na magtrabaho sa ibang bansa, para makapag-ipon ito sa pag-aaral ko ng kolehiyo. Pinagkasunduan nila ni Kuya Lito na tulong sila sa pagpapaaral sa akin. 

Hindi nakatapos ang kapatid ko dahil na rin sa kakapusan namin sa pera. Ayaw ni Nanay na magaya ako kay Kuya Lito. Kaya kahit mahirap sa kanyang iwan kaming magkapatid. Nakipagsapalaran siya para masiguro nitong makaka-pag-tapos ako at magkaroon kami ng maayos na buhay. 

"Pagkatapos ng gawain mo dito sa bahay mag-bunot ka ng damo sa garden ni Nanay.l," si Kuya Lito na ipinangliligo na naman ang Juicy Cologne sa katawan niya.

"Okey,"tipid kong sagot.

Pinapanood ko ito sa paghahanda niya sa pagpasok sa trabaho. 

Pagkatapos niya sa cologne pulbo naman ang pinag-diskitahan nito. Nilagyan nito pulbo ang maliit na piraso ng papel, bago niya iyon ibinalik sa wallet niyang na aalis na ang ilang bahagi ng balat.

"Mapagkakamalan kang drug adik d'yan sa pulbong dinadala mo," puna ko sa kanya matapos niyang ibalik sa bulsa ng maong niyang pantalon ang kanyang wallet. 

"Ayokong mangamoy pawis kaya kailangan may dala akong pulbo," sagot nito habang sinusuklay ang itim na itim niyang buhok.

"Bakit sa papel mo pa inilagay? pwede mo namang dalhin na lang 'yang pulbo. Ikaw lang naman ang gumagamit d'yan," nakahalukipkip na sabi ko.

Humarap ito sa akin. 

"Gusto mo bang masabihan na bakla ang gwapo mong Kuya, hmmm?"

Ko-kontra sana ako sa gwapong sinabi niya pero aminado naman akong gwapo ang kapatid ko. Kamukha kasi nito ang artistang si RK Bagatsing, mas makapal nga lang ng kaunti ang kilay ni Kuya. Hindi rin ganun ka-tangos ang ilong niya na tulad kay RK, pero kapag pinag-tabi sila ng artista baka mapag-kamalan silang magkakambal. Pareho din kasi sila nang ayos ng buhok.

Marami-rami na ring pinapaiyak na babae ang Kuya ko. Hindi kasi ito interesado sa pakikipag-relasyon. At may ilang tao na hindi naniniwala na magkapatid kami. Hindi raw kasi kami magkamukha. 

"Ma-le-late kana,"  itinulak ko ito paharap sa pinto ng bahay.

"Iyong bilin ko."

"Oo."

"Unahin mo muna 'yung mga ibinilin ko bago mo ituloy ang pang-aakit  mo kay Atlas," aniya at sinabayan niya pa ng tawa. 

Pinalo ko ang balikat nito.

"Pasalubong ko. Ulam natin mamayang hapon!" pahabol ko habang naglalakad ito palabas ng bakuran namin.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now