Kabanata 29

23 21 0
                                    

Katelyn Suarez Blocked

Bumuntong hininga ako saka nilag-out ang Facebook ko.

"Nasaan na ba ang mukhang alipunga na 'yon," kausap ko sa sarili habang ibinabalik sa secret pocket ng bag ko ang selpon ko.

Unang araw ngayon ng bakasyon namin pagkatapos ng first grading exam. Niyaya ako ni Rafael na gumala ngayong araw. Ang sabi niya sa akin kagabi wala din siyang pasok ngayong araw, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero wala akong pakialam kung nagsisinungaling man siya, hindi naman ako ang babagsak.

Hindi ko na tanong kung saan kami pupunta. May tiwala naman ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako ipapahamak kung saan man kami pupunta. Pangalawang beses na rin naming mamamasyal na kaming dalawa lang.

Bumuntong-hininga na naman ako ng maalala sila Katelyn at Atlas.

Bin-lock ko si Katelyn dahil panay ang tawag nito sa akin sa messenger at pagpapadala ng messages. Tulad ni Atlas, ayoko ring makausap si Katelyn o kahit ang basahin man lang ang mga messages nito. Alam kong laman nito ang mga paliwanag niyang wala naring silbi dahil nasaktan na nila ako. Nangyari na ang nangyari at kahit anong paliwanag nila wala nar ng magbabago.

E, Bakit? si Rafael ang bilis mong pinatawad.

Inihilig ko ng bahagya ang ulo ko dahil sa mahaderang side ng utak ko na siyang laging kontrabida. Ibang kaso naman si Rafael. Kung siya man ang nakita kong kahalikan ni Atlas siguradong magagalit rin ako sa kanya tulad sa kapatid niya.

"Baby ko!"

Naningkit ang mga mata ko, papasok na ito sa kawayang gate namin. Humalukipkip ako at hinintay itong makalapit sa kinatatayuan ko.

"Ang kapal ng mukha mo. Ikaw ang nag aya ako ang pinaghintay mo," yamot kong sabi.

"Babyko, Alas otso ang usapan natin. Alas yete palang, excited ka bang makita ang gwapong mukha ko?" aniya na inangat-angat pa ang kilay habang may ngisi sa kanyang labi.

"Sapatusin ko kaya 'yang mukha mo." Umamba akong huhugutin ang sapatos ko ng hawakan nito ang kamay ko.

"Ang sungit mo talaga sa akin. Pasalamat ka mahal kita, kung hindi kanina ko pa pinadugo labi mo." Tumatawa ito.

"Anong pinadugo?! Baka labi mo paduguin ko!" Natatawang hinihila na ako nito paalis sa harapan ng bahay.

"Ang ibig kong sabihin. Padudugin ko labi mo sa halik ko. Iyong tipong puputok labi mo sa sobrang sarap ng halik ko."

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Tumigil kami sa labas ng kawayang gate namin.

"Ang kapal mo! para namang hahayaan kitang halikan ako. Bad breathe ka kaya" naka-irap kong sabi.

Naglakad na ulit ito. Sumunod naman ako.

"Babyko, araw-araw iba't-iba ang toothbrush ko. Baka ikaw ang bad breath."

"Ano!"

Tumakbo ito kaya mabilis ko siyang hinabol at habang naghahabulan kami malakas ang tawa nito.

....

"Blue water Resort" Basa ko sa karatulang nasa itaas ng gate na pinasukan ng tricycle na inarkila ni Rafael.

"Kelan pa nagkaroon ng resort dito sa San Agustin?" tanong ko nang makababa kami sa tricycle.

"Kabubukas lang nito last week. Hindi mo ba nakita sa group page ng San Agustin Delegation?"

Inikutan ko ito ng mata. "Magtatanong ba ako kung nakita ko," sabi ko.

Nasa reception area na kami ng resort. May dalawang babaeng nakaupo at ngiting-ngiti ang mga ito.

"Paano puro heartbroken na post ang binabasa mo. Tapos i-shared post mo naman na akala mo niloko ka ng jowa mo," natatawang sagot nito.

Four-leaf Clover Donde viven las historias. Descúbrelo ahora