Kabanata 17:

37 28 10
                                    


Nakatanaw ako sa labas ng bintana at pinapanood ang malakas na buhos ng ulan. Suspendido ang klase sa elementary at high school dahil sa magdamag na ulan at hanggang ngayon malakas pa rin ang buhos nito. Hindi na rin pumasok si Kuya Lito sa pag-a-alalang baka tumaas ang tubig sa maliit na sapa sa tulay na palabas ng barangay namin. Kapag kasi magtuloy-tuloy pa ang ulan siguradong taas ang tubig sa ibaba ng tuloy at hindi na makaka-tawid ang mga tao, hindi kasi kongkreto ang tulay kaya pinag-iingat kami kapag ganitong tag-ulan.

"Baka suspendihin na rin ang klase sa college mamayang hapon," si Kuya Lito na abala sa pag-seselpon. Tinignan siguro nito ang update ng panahon.

"May bagyo ba, Kuya?" tanong ko.

"Hmmm, sabi naman dito sa weather forecast low pressure lang. Tag-ulan na rin kasi kaya asahan na talaga 'yung ganitong panahon."

Hindi na ako sumagot at ibinalik ko ang tingin sa bintana. Napapangiti naman ako dahil sa mga alaala noong bata pa ako.

Noong nasa elementarya palang kami nila Atlas, kapag ganitong tag-ulan palagi kaming naliligo sa ulan. Madalas nga lang na si Katelyn ang kasama namin dahil hindi nila masyadong pinapaligo sa ulan noon si Rafael. Sakitin kasi sii Rafael noong mga bata pa kami, mas mataba naman noon si Katelyn.

"Magluto tayo ng lugaw." Napalingon ako kay Kuya Lito dahil sa sinabi niya.

"Marunong kaba?" na ta-tawang tanong ko.

Inangat nito ang tingin sa akin mula sa selpon niya. May ngiti sa labi nito.

"Hindi,"  sagot niya.

"Ako rin hindi."

"Tawagan natin si Nanay." Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako kay Kuya.

"Gising na ba siya ngayon? Mag a-alas onse palang ng tanghali dito."

"Naka online oh." Turo niya sa itaas ng messenger nito.

"Sige tawagan mo na."

Tinawagan nga nito si Nanay. Ilang sandali lang sinagot na niya ito.

(Note: Iyong mga naka italic words po dialogue ni Nanay.)

"Abah, maaga pa dito. Wala ka bang pasok?" tanong ni Nanay. Halatang ka gigising lang nito dahil nag aalis pa ito ng muta.

"Kumusta Nay? I missed you." sabi ko na sumilip sa kamera ng selpon ni Kuya.

"Oh, bakit walang pasok 'yan?"

Inilayo ni Kuya ang mukha ko sa selpon niya.

"Wala Nay, malakas ulan dito," sagot ni Kuya.

"Nay, 'Yong pambili ko ng bike. Sabi mo noon sa akin bibigyan mo ako," sabi ko saka pilit inaagaw ang selpon ni Kuya.

"Ano't ang gulo-gulo ng kamera ninyo?"

"Huwag mo nang bilhan, Nay. Dalawa naman nag a-angkas sa kanya."

"Hindi na Nay, sumasakay na ako ng tricycle," agap kong sinabi.

"Nag ta-tricycle kana. Kelan pa?" may pagtatakang tanong ni Kuya.

"Last week pa," nakangusong sabi ko.

Mas maaga kasi itong umaalis sa akin kaya hindi nito nakikitang nag ta-tricycle na ako sa pagpasok.

Pagbalik namin  galing sa beach bigla ko na lang na isip na mag commute na lang sa pagpasok. Ayoko kasing pagselosan ako ni Ate Sarah kapag sumabay pa ako kay Rafael. Si Atlas naman noon paman napipilitan na itong i-angkas ako sa bike niya. Naisip kong kailangan ko na rin sigurong baguhin ang mga nakasanayan ko.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now