Kabanata 35

30 23 2
                                    


"Muka kang constipated. Ilang araw ka na bang hindi dumudumi?" tanong ni Rafael na seryoso ang muka pero makikita naman ang tuwa sa mga mata nito.

Inalis ko ang isang tsinelas ko at malakas na inihampas ito sa binti ni Rafael. Napahiway ito saka niya hinimas-himas ang binti niya. Siguradong babakat ang suwelas ng tsinelas ko sa binti nitong maputi.

"Pasalamat ka at hindi 'yang muka mo ang pinalo ko ng tsinelas."

"Nagtatanong lang naman ako nananakit ka. Para ka naman talagang natatae sa itsura mo."

Inambahan ko na naman ito ng pala pero dumating na si Atlas kaya natigil ako.

"Ba't ang tagal mo?" nakapamewang kong tanong.

"Syempre nag pa-pogi muna siya," sagot ni Rafael.

"Ikaw ba tinanong ko. Ang epal mo talaga," baling ko at inambahan ko ito ng suntok. Mabilis namang pumagitna sa amin si Atlas.

"May tricycle na," sabi nito sabay turo sa likuran ko. Lumingon naman ako kaya hindi  ko na naituloy ang balak kong pambabatok kay Rafael.

Sa likod ng driver sumakay si Atlas, samantalang kami naman ni Rafael sa loob.

Papunta kami ngayon sa terminal ng bus para sunduin si Katelyn. Maagang-maagang pumunta si Rafael sa bahay kanina para ipaalam nitong uuwi ang kapatid niya. Kaya rin siguro nito nasabing muka akong constipated dahil kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam kung paano harapin si Katelyn matapos ng nangyari.

"Let your heart decided kapag nagkita na kayo ni Kate," si Rafael dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Paano kong gusto ng puso kong sipain sa muka kapatid mo. Papayag ka?"

Inikutan niya ako ng mata at ibinalik sa harapan ang tingin niya.

"Pwede naman kitang ligawan sa kulungan kung sakaling kasuhan ka ng physical abuse at attempted murder," sagot niya nang nakangisi.

Kinurot ko ang tagiliran nito. Napahiyaw na naman ito sa sakit. Tumama pa ang siko nito sa stainless na parte ng tricycle na malapit kay Atlas.

"Baka bago pa kita maging asawa nasa hukay na ako dahil sa ginagawa mo sa'kin," aniyang busangot ang muka at hawak-hawak ang tagiliran niyang kinurot ko.

"Di sa langit mo na lang ako asawahin," pamimilosopo ko.

"Makakahanap na ako ng iba doon. Maraming magagadang anghel doon."

Hindi na ako sumagot. Alam kong nagbibiro lang naman ito sa sinabi niya pero iba ang dating nun sa pakiramdam ko. Naiinis ako na hindi..ah ewan.

Kalahating oras pa kaming naghintay sa terminal ng bus bago dumating ang sinakyang bus ni Katelyn. Gabi na kasi itong bumiyahe. Hindi pa nga sana ito papayagan ni Tita Rina pero kinausap ni Rafael ang Mama nila kaya pumayag narin ito.

Ang sabi ni Rafael kaninang umaga sa akin. Nagpasya raw umuwi si Katelyn ng magsend ako sakanya ng picture ni Ice cream kahapon.

Si Atlas ang naghintay sa pinto ng Bus para abangan si Katelyn. Makikita ang tuwa sa muka nito habang hinihintay niyang makababa ang jowa niya.

Nakaupo naman kami sa waiting area ng terminal ni Rafael.

"Gusto mo bang lagyan muna kita ng blindfold?" pabulong na tanong ni Rafael.

Pinukulan ko ito ng masamang tingin. Nag peace sign naman ito. Pagbalik naman ng tingin ko kay Atlas kasama na nito si Katelyn at magkahawak kamay silang naglalakad palapit sa amin. Tumayo na si Rafael kaya sumunod narin ako sa pag tayo.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko habang papalapit ng papalapit ang dalawa sa amin. Hindi ko pa na malayang nakadikit na ako ng sobra kay Rafael at hawak-hawak ko ang laylayan ng damit nito sa likod. Namalayan ko na lang na nakahawak ako sa damit niya nang maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now