Kabanata 21:

40 25 8
                                    

Ang sabi ni Atlas simple'han ko lang daw ang isusuot ko. Kaya nag suot lang ako ng denim fitted jeans na tinernuhan ko ng off shoulder crop top, sneakers at sling bag na kulay beige na terno sa kulay ng crop top ko. Over all nag mukha na naman akong tao. Alas otso ang usapan namin ni Atlas pero alas yete palang naka bihis na ako para kapag tinawag na niya ako naka ready na ako.

Habang naghihintay kay Atlas na isip ko ulit ang pag pigil sa akin ni Rafael na makipag date ngayon kay Atlas. Tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang mag-date kami ni Atlas pero tinitigan niya lang ako ng ilang segundo saka ito walang imik na umalis.

Iniisip ko na baka nag away sila nang hindi ko nalalaman kaya kakausapin ko din si Atlas mamaya. Hindi kasi sasabihin ni Rafael ang ganun sa akin ng walang dahilan. At hindi rin naman masasabing nagseselos ito dahil pinopormahan niya si Ate Sarah at alam niyang matagal ko nang gustong mag-date kami ni Atlas. Medyo late din akong nakatulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ni Rafael.

Nag-message pa nga ako sa kanya pero hanggang ngayon hindi niya pa rin sini-seen iyong message ko. Eksaktong alas otso nang marinig ko ang tawag ni Atlas sa labas ng bahay. Nag madali naman ako sa paglabas at pagka-lock ko ng pinto, ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya. May ngiti rin sa labi nito habang nakatingin ito sa akin.

"Ang Ganda mo," aniya.

Para naman akong nanalo ng binibining pilipinas sa sobrang kasiyahan. Muntik ko pa itong yakapin kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. Ayoko kasing maasiwa ito kahit pa niyayakap ko naman na ito dati pa. Iba kasi itong moment namin ngayon. Kailangan kalmahan ko lang muna.

Sumakay kami ng tricycle papuntang sentro at pagdating namin sa sentro sumakay ulit kami ng tricycle patungo naman sa bahay ng Lola niya.

"Hindi ko ine-expect na ipapakilala mo na ako sa Lola mo," may ngiti at kinikilig na sabi ko kay Atlas habang bumibiyahe kami. Magkatabi kami sa tricycle na inarkila nito.

Akala ko date. Meet the Lola pala.

"Sakitin na kasi ang Lola, kaya kung pwede lang araw-araw namin siyang puntahan. May meeting kasi sa barangay para sa darating na fiesta natin. Kaya ikaw ang na isip kong isama dahil hindi makakapunta si Nanay." aniya na sa daan lang ang tingin.

"Hindi ito date kung ganun?!" Mdeyo tumaas ang boses ko. Napatingin pa ang driver sa amin.

"Hindi ba matatawag na date 'yong magkasama tayo buong maghapon. I'm sure mag e-enjoy din tayo dahil maraming bata doon."

Tumitig lang ako kay Atlas na para itong bagong species ng tao. Ganito ba ang date para sa kanya?

"Na-stress ako sayo." Umiiling na sabi ko at tumingin na lang ako sa labas ng tricycle.

Sobrang excited pa naman ako ngayong araw. Umasa ako ng magandang date tulad sa mga napapanood ko. Masaya naman akong makakasama ko si Atlas buong araw pero gusto ko sana iyong date na parang magkasintahan kami. Kahit ngayon lang sana magkatotoo naman ang isa sa mga pantasya ko. Tahimik ako buong biyahe. Hindi na rin nag abala si Atlas na kausapin pa ako. Tama si Rafael, hindi na lang sana ako pumunta.

Hindi naman sa ayaw kong makita ang Lola ni Atlas. Nakilala ko na rin naman ang Lola niya at gusto ko rin naman itong kamustahin. Kaya lang umasa kasi ako ng date.. iyong romantic na date. Kaya lang hanggang pantasya na nga lang iyon.

Desmayadong-desmayado ang pakiramdam ko nang bumaba na kami sa tapat ng bahay ng Lola ni Atlas. Sinalubong kami ng dalawang batang babae.

"Anak ng katulong ni Lola," sabi ni Atlas nang makita nito ang pagtataka sa mukha ko. Hindi kasi pamilyar sa akin ang dalawang bata.

"Girlfriend mo Kuya?" tanong ng isang bata. Mas matangkad ito kesa sa isa at nakatali na parang sungay ang buhok nito.

"Hindi. Kaibigan ko si Ate Ari," walang pagdadalawang isip na sagot ni Atlas.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now