Kabanata 32:

26 25 1
                                    

"Ano? Gugutumin mo ang sarili mo dahil lang sa lalake." si Kuya Lito na naka-tatlong balik na sa kwarto ko.

Nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan ang tenga ko. Hindi ko kailangan ng sermon niya ngayon at ayoko rin ng kausap.

"Barista!" mataas ang boses nito pero hindi pa rin ako gumalaw sa ibabaw ng kama ko.

Pag-uwi ko kanina dumiretso na ako ng kwarto ko. Ibinuhos ko ang natitirang luha ko at pagdating ni Kuya mugto na ang mga mata ko. Nakita niya iyon nang pag-buksan ko siya ng pinto. Napa-titig lang ito sa mukha ko at hindi rin ito nag tanong.

Alam kong kahit hindi ko sabihin alam niya ang dahilan ng pag-iyak ko.

"Mga kabataan talaga," aniya sa palayong boses.

Napabuntong hininga na lang ako bago inalis ang pagkaka-talukbong ng kumot sa katawan ko. Tumihaya ako at tinitigan ang bubong namin.

Nakailang missed call na si Rafael sa akin, nakablock naman ang number ni Atlas. Sigurado akong ipinaalam na nito kay Katelyn ang nangyari at nasabi naman ni Katelyn sa Kuya niya kaya panay ang tawag nito. Naka airplane mood na nga ang selpon ko para wala na akong mareceive na tawag o kahit text. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon.

"Mga traydor!" nagngingitngit na bulong ko. "Ang kapal ng mukha niyang paglaruan ang naramdaman ko. Mabaog sana siya!" Kinuha ko ang hotdog na unan ko at pinagsusuntok iyon.

Hindi naman ako mahirap kausap. Kung saan noon pa niya sinabi na may gusto siya kay Katelyn, sana noon palang tumigil na ako kahit masakit. Kaibigan ko sila at kung anong makakapag-pasaya sa kanila nakasuporta naman ako. Handa naman akong magparaya kung nag sabi lang sila. 

Noong nahuli ko silang naghahalikan. Kahit masakit kakayanin kong tanggapin na may relasyon sila. Kaya nga nagdesisyon na akong kausapin si Atlas dahil gusto kong maging maayos na kami. Hindi naman kasi kasalanan ang magmahal lalong hindi mapipigilan ang puso sa kung sino ang gusto nitong mahalin.

Sana inilihim na lang niyang matagal na siyang may gusto kay Katelyn. Iyon ang nagpapatindi sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Kapag naiisip ko ang mga ginawa ko para mapansin niya at malaman niyang gusto ko siya double ang nararamdaman kong sakit. Nagpakatanga ako sa lalakeng una palang wala naman palang balak na seryosohin ako.

"Ang tanga mo, Barry!" sinampal ko ang sarili ko. Napamura ako nang maramdaman ang hapdi sa pisngi ko.

Ang sakit. Letche!

Gusto kong magwala at magmura-mura. Pero wala na rin magbabago kapag ginawa ko iyon mas lalo lang akong mag-mu-mukhang tanga.

"Aray!" daing ko nang tumama ang remote ng TV sa mukha ko. "Problema mo!" singhal ko kay Kuya nang malingunan ko ito sa pinto.

Tumayo narin ako para ibalik sa kanya iyong remote ng TV.

"Tsss. Nasa labas si Rafael, huwag kanang mag-inarte dyan at harapin mo 'yong tao. Akala mo naman magugunaw na ang mundo sa inaarte mo. Marami pang lalake dyan. Puppy Love palang 'yan pero para kanang namatayan. Paano pa kung 'yong true love muna ang nanakit sayo. Baka mag-bigti kana." litanya niya bago nito kinuha sa akin ang remote at bumalik sa sala.

Ilang minuto pa akong umupo sa kama ko bago magpasya'ng ayusin ang sarili ko at harapin si Rafael.

Tinapunan ko pa ng masamang tingin si Kuya nang madaanan ko ito sa sala. Pero hindi niya iyon nakita dahil nakatutok ito sa selpon niya. Naabutan ko namang nakatayo sa labas ng maliit naming balkonahe si Rafael, nakatingala ito at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng short niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

Mabilis naman ang pagbaling niya sa akin. Nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin ng mahigpit. Sa sobrang higpit ng yakap nito ramdam ko pa ang tibok ng puso niya. Para siyang nanggaling sa marathon sa bilis ng tibok ng puso niya.

Four-leaf Clover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon