Kabanata 22:

45 26 11
                                    

"Tsk, malaki lang boobs n'yan dahil naka push up bra." komento ko saka inalis ang tingin sa screen ng phone ni Naomi.

Nasa mini-park kami ngayon. Katatapos naming mag-lunch kaya selpon na ang inaatupag namin.

"Nahiya naman sila sa boobs mo," aniya na nakatingin sa hinaharap ko.

"Excuse me, 36B po ako at walang foam ang bra ko." Umismid naman ito dahil alam koniyang totoo ang sinabi ko.

"Pero seryoso. Ang yummy nung kasamang lalake ni Katelyn sa may day niya." Nagkibit balikat na lang ako, baka kaibigan niya iyon sa maynila. "Bagay sila," dagdag pa nito.

Ang lalakeng kasama ni Katelyn sa mayday niya ay nakaakbay sa kanya habang ngiting-ngiti ang mga ito. Sa mga hindi na kakakilala kay Katelyn siguradong iisipin nilang boyfriend nito ang kasama niya.

Wala namang na sasabi sa akin si Katelyn na may boyfriend na siya. Sa katunayan matagal-tagal na nga itong hindi nag re-reply sa mga chat ko sa kanya. Baka tulad namin busy lang din ito sa school. Iniiwasan ko na ring mag-isip ng kung anu-ano ngayon lalo na at palapit na ang exam.

"Teka." Iniharap ako ni Naomi sa kanya.
Hawak nito ang balikat ko at na niningkit ang mga mata nito. "Hindi mo pa sina-sabi  sa akin kung anong nangyari sa date ninyo ni Atlas. Kaninang umaga pa kita tinanong. Huwag mo na naman akong de-dedmahin tulad kaninang umaga."

"Wala."

"Anong wala? Hindi na tuloy?"

Inalis ko ang kamay nito sa balikat ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa selpon ko, nag-hanap ako ng group sa Facebook kung saan ako makakapanood ng libreng drama.

"Ano nga?" pag pupumilit pa ni Naomi.

Pasalamat talaga ang babaeng ito at nag babagong buhay na ako. Kanina ko pa ito gustong batukan sa kakulitan niya.

"Wala nga. Pumunta lang kami sa bahay ng Lola niya. Kumain, nag kuwentuhan sandali saka umuwi."

"Sign na 'yan, Girl." Napatingin ako sa kanya.

"Anong sign?" kunot ang noo kong tanong.

"Sign na maghanap kana nang iba." Tinitigan ko ito na para bang nag joke siya pero hindi naman nakakatawa.

"Saksi ako sa mga kagagahan mo kay Atlas. Ikaw lang ang babaeng kakilala ko na mang i-istorbo ng klase para lang mangyaya ng lalake na maging prom date niya. Hindi lang 'yon, ilang beses ka pang muntik makick-out sa school dahil sa pakikipag-away mo sa mga babae o bakla na nagkaka-interes kay Atlas. Girl, ikaw lang ang handang mag pa black-eye para sa lalaki. At ang pinakamalalang ginawa mo...."

"Nag vandalized ako sa gym ng school ng pangalan namin ni Atlas na may heart sa gitna." Pagpapatuloy ko sa paglilitanya ni Naomi.

Hindi ko rin mapigilan ang mangiti habang inaalala ang pangyayaring iyon noong second year kami.

"Pasalamat ka lang talaga at merong tangang nanggaya sayo kaya hindi lang ikaw ang suspended ng isang linggo with community serves." natatawang sabi pa ni Naomi.

Ilan lang ang mga sinabi nito sa mga dahilan ng kabaliwan ko kay Atlas. At habang na iisip ko ngayon ang mga iyon, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung tama ba ang mga ginawa ko.

Tama bang nag pabaya ako sa pag-aaral para lang mabigyan ng oras ang isang tao na mukhang wala namang balak na suklian ang mga ginagawa ko.

"Hindi lang siya ang lalake, girl. At kahit huli na para ma-realize mo iyon at least na gising kana sa kahibangan mo sa kanya."

Ngayon pa ba ako susuko?

Naisip ko rin iyong sinabi ni Kuya sa akin na "Iba ang pagmamahal na binuo lang sa imahinasyon." Habang iniisip ko ng mabuti ang sinabi nito parang naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now