Kabanata 16:

44 28 7
                                    

Mag a-alas nuwebe ng umaga nang makarating kami sa beach. Dalawang oras ang layo ng lugar mula sa amin. Pagkatapos bayaran ni Kuya Lito ang entrance fee, lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa tabing dagat. Hindi kasing puti ng mga sikat na beaches sa palawan ang buhangin sa beach na ito, pero malinis at napakapino naman ng buhangin.

"Barry!" tawag ni Kuya sa akin.

Tinitigan ko sandali ang kumikinang na tubig dagat dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kulay asul na tubig nito, bago ako tumakbo palapit kila Kuya. Ibinigay nito sa akin ang backpack ko.

"Mag kasama kayo sa isang cottage ni Sarah, kami namang tatlo ang magkakasama. Magbihis na muna kayo tapos magkita-kita tayo dito," sabi ni Kuya saka nito inabot sa akin ang susi ng sa tingin ko'y cottage na sinabi nito.

"Tara Ate," sabi ko saka iniwan ang tatlo.

Malapit lang sa tabing dagat ang cottage at hindi rin ito kalakihan. Meron itong isang kama na kaysa ang dalawa, sa itaas ng kama ang bintana na tanaw ang dagat. Meron din itong maliit na banyo, isang mesang gawa sa bamboo at dalawang upuan na gawa pa rin sa bamboo. Hindi na rin ako nag aksaya ng oras at nag-madali na akong magbihis.

"Labas na tayo, Ate," aya ko kay Ate Sarah matapos naming makapagpalit.

"E, Nakakahiya yata itong suot ko."

Pinasadahan ko naman ang suot nito. Naka bra lang ito ng black and white tapos short na kulay itim na mas maikli ng dalawang pulgada sa suot kong shorts. Itim na sando at maong na short na hanggang kalahati ng hita ko ang suot ko. Wala pala siyang confident sa sarili niyang magsuot ng sexy, e bakit ganyan i-sinuot niya.

Pilit ang naging ngiti ko. Medjo na talagan ito sa pagbibihis kanina kapag nagpalit pa siya baka abutin na kami ng pananghalian.

Hinawakan ko ang pulsuhan nito saka ito hinila palabas ng cottage.

"Maglalaway na si Rafael sa suot mong 'yan kaya huwag ka nang mag-alala," sabi ko habang hila-hila ko ito.

Pumunta kami sa napagkasunduan naming lugar pero wala pa doon ang tatlo. Akala ko matagal na kaming magbihis mas matagal pa pala ang mga lalaking iyon.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin iyong tatlo. Tinatawag na ako ng dagat.

"Mauna na tayong magtampisaw, Ate," aya kay Ate Sarah.

Hindi ito pala imik. Siguro na hihiya pa ito dahil ngayon lang kami magkakasama.

"Mauna kana. Hihintayin ko na lang sila dito."

"Sigurado ka?" Tumango lang ito at tipid na ngumiti.

Tumakbo ako palapit sa dagat hanggang mabasa ako ng tubig nito. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Tuwang-tuwa ako sa tuwing tatama sa katawan ko ang alon ng dagat. Ilang beses na rin akong sumisid.

"Ari!" pasigaw na tawag ni Atlas kaya dali-dali akong umalis sa tubig at nilapitan sila.

"Hindi kayo maliligo?" tanong ko nang makalapit ako.

"Grabe! Halatang-halatang first time mong magbeach," si Kuya Lito.

"E, Ngayon lang naman talaga ako nakapunta dito," sagot ko bago tinapunan ng tingin si Atlas.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now