Simula

223 84 75
                                    

"Barry!"

Mabilis kong dinampot ang tsinelas ko at kumaripas ako ng takbo nang marinig ko ang sigaw ni Nanay.

Naliligo na ako sa pawis ng marating ko ang isang puno ng santol. Iniwan ko sa ibaba ng puno ang tsinelas ko. Hindi kasi ako makaka-akyat kung nakasuot ito sa paa ko. Nang ma-ka-akyat na ako, itinago ko ang sarili sa malalagong dahon ng santol.

Hindi nagtagal narinig ko ulit ang tawag ni Nanay sa malapit.

"Barry! alam kong nandito kang bata ka. Kung ayaw mong mag-kulay ube iyang puwet mo. Lumabas ka na!"

Humigpit ang kapit ko sa sanga ng santol. Kahit anong mangyari hinding-hindi ako ba-baba dito. Bumababa man ako o hindi alam kong papaluin pa rin ako ni Nanay, kapag nagpakita ako sa kanya dahil may kasalanan ako.

Napalingon ako sa puno ng kaymito na kahilera ng punong pinagtataguan ko. May gumagalaw sa itaas nito at ilang hakbang lang ito mula sa santol na pinagtataguan ko. May ngiting sumilay sa labi ko nang maglakad si Nanay palapit doon. Pero agad rin namang naglaho ang ngiti ko, nang makita ko ang hawak-hawak nitong kawayan na paniguradong ipang-pa-palo niya sa akin.

"Barista! Bumaba ka na d'yan!" may pagtitimpi sa boses na saad ni Nanay.

Natigil sandali ang paghinga ko nang may dahan-dahang bumaba sa puno ng kaymito. May puting supot sa kamay nito na may lamang ilang pirasong hinog ng bunga ng kaymito.

"Atlas?" si Nanay na nilapitan ang ka ba-baba lang na kababata ko.

Kung alam ko lang na nasa puno siya ng kaymito doon na lang sana ako umakyat. Nang makababa si Altas, inalis ni Nanay ang mga tuyong dahon ng kaymito na dumikit sa buhok nito.

"Salamat po." pasalamat nito saka niya inangat ang kamay niya at itinuro ang santol na kinaroroonan ko. "Nandoon po si Ari, Nay Guadah."

Nanlamig ang buong katawan ko ng lumingon si Nanay sa pinagtataguan ko. Sinabihan nito si Atlas na umuwi na bago ito nag-lakad patungo sa punong kinaroroonan ko, hindi naman ako makagalaw dahil sa takot.

"Bumababa ka dito!"utos ni Nanay ng makita na niya ako.

Sunod-sunod na iling ang sinagot ko.

"Huwag mo ng hintayin na akyatin pa kita d'yan!"may diin ang boses ni Nanay kaya lalo lang akong na takot.

"Huwag mo akong paluin ah!"mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Hindi kita pa-paluin. Basta bumaba kana!"may diin pa rin ang boses nito.

"Papaluin mo ako e!"umiiyak na ako.

"Ayaw mo talagang bumaba!" galit na ang tono nito."Uubusin ko itong kawayan sa puwet mo! Bumababa ka na!" nanggagalaiti na sa galit si Nanay.

Takot na takot naman akong dahan-dahang bumaba.

Tatlong hakbang ang layo ni Nanay sa puno kaya nang makababa ako at palapit naman ito;kumaripas na ako nang takbo. Galit na galit nitong tinawag ang pangalan ko pero hindi ako tumigil.

Hindi ako umuwi sa bahay. Dumiresto ako sa bahay nila Atlas.

"Barry, bakit ka umiiyak?" tanong ni Nanay Fe nang pag-buksan niya ako ng pinto nila.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now