Kabanata 14:

70 33 7
                                    

"I'll call you when I get some time. Take care."

Hindi ko na tinuloy ang pagkatok sa pinto ng kwarto ni Atlas ng marinig kong may kausap ito. Tumalikod na ako at nagpasyang sa kalsada ko na lang siya hihintayin.

May afam nga siyang kausap. Nag i-ingles E.

"Oh, hindi mo na ba hihintayin si Atlas?" tanong ni Nay Fe, nasa labas ito ng gate at nagwawalis.

"Sa daan ko na lang po siya hihintayin," sagot ko saka ako nagpaalam.

Nakakaramdam din ako ng lungkot dahil hindi namin makakasabay sa pagpasok si Rafael. Katatapos ko palang magbihis kaninang dumaan ito.

Mabuti na lang at isinama ako ni Kuya Lito sa birthday ng ka-trabaho niya kahapon. Kaya kahit papano hindi ako na stress sa pag-iisip na naman sa pande-dedma pa rin sa akin ni Rafael. Wala namang kaso sa akin kung sino man ang i-angkas niya dahil pustahan lang naman nila ni Atlas iyong isasabay niya ako. Ang kinaiinisan ko lang ay ang ginagawa niyang pandededma sa akin na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya.

"Ari."

Isa pa itong bebeko. Nakikipag tawagan pa sa mga Afam samantalang narito naman ako.

"Ang tagal mo," nakangiting sabi ko nang makalapit ito.

Hindi ako na ta-takot sa afam na lumalandi sa kanya dahil sa internet lang naman sila nag-uusap at nagkikita. Iba pa rin iyong sa personal kaya sure akong, hindi mahuhulog ang bebeko sa katawagan niya.

Ang mga lalaki madaling mag sawa kaya no worries akong baka masulot ang bebeko.

"Nag-usap na kayo ni Rafael?" Hinigpitan ko ang pagkakayapos ko sa bewang nito .

"Hayaan mo siya. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Arte niya."

Mukhang busy na rin naman siya kay Ate Sarah, kaya hindi na niya kami kailangan ni Atlas. Syempre doon siya sasama sa ka-edaran niya na pareho niya ring mag isip. Hindi tulad namin ni Atlas na ang isip ay parang sa sampung taong gulang. Well, ako lang pala ang ganun mag-isip.

Pero sana man lang kausapin niya kami ni Atlas kung ayaw na niya kaming maging kaibigan.

....

"Miss Malabanan," tawag ng Teacher namin sa physics.

Pangatlong subject namin ito sa umaga at bago ang recess time.

"S-Sir?"

"Give at least three inventors in physics and their contribution."

Na lesson namin ito noong nakaraan pero wala akong stock knowledge. Laman din ng isipan ko si Rafael.

"Hindi ako nakapag review, Sir."

"May oras ka para sa lalaki pero sa mga lessons mo wala. Mukhang hindi ka rin lang seryoso sa pag-aaral mo. Bakit hindi ka na lang mag-asawa?"

Nag-tawanan ang mga kaklase ko. Kumuyom ang mga daliri ko at isa-isang tiningnan ang mga kaklase kong tumatawa.

Mamaya kayo sa akin!

Four-leaf Clover حيث تعيش القصص. اكتشف الآن