Kabanata 24:

36 21 5
                                    


Isang linggo pa ang lumipas at sa loob ng isang linggong iyon mas marami ang araw na magkasama kami ni Rafael. Tatlong beses kaming magkasabay na pumapasok at umuwi. Napag-alaman ko ring mag-kaibigan lang sila ni Ate Sarah. Minsan kasi nasabi kong baka magalit si Ate Sarah na magkasama kami at sinabi niya nga nitong magkaibigan lang sila.

Si Atlas, ayon hindi pa rin ako mahal pero unti-unti na rin kaming bumabalik sa dati. Tumatambay na naman kami sa bahay nila kapag gabi, hindi nga lang araw-araw dahil may mga school works din kaming kailangan na unahin.

Masasabi kong malaki ang naging pagbabago ko nitong mga nakaraang linggo. Mula sa paghinay-hinay ko sa kagagahan ko kay Atlas. Pag-o-overthink ko na hindi na ako itinuturing na kaibigan ni Rafael. Iyong pagiging isip bata ko na akala ko lahat ng nakasanayan ko noong uhugin pa lang ako ay pwede kong madala habang tumatanda ako.

Marami akong na realize lalo na iyong pagiging selfish ko sa mga kaibigan ko. Hindi pala pwedeng ipagdamot ang mga kaibigan sa mga taong gusto ring mapalapit sa kanila. Kaya nakakaramdam ako ng hiya kay Ate Sarah dahil minsan akong nakaramdam ng galit sa kanya sa pag-aakala kong inaagaw nito si Rafael sa amin. Masarap sa pakiramdam na natuto ako at nadi-diskubre ang mga tamang gawi na naaayon sa edad ko.

Ang masasabi ko lang... nag grow up ako, hindi man nasama ang height at utak ko. Lumawak naman ang pananaw ko sa buhay. Ini-intindi ko narin ng mabuti muna ang mga bagay-bagay ngayon bago ako mag desisyon. Lalo pa kung may kinalaman sa damdamin ko.

"Magsisimula na ang basketball league sa November," si Rafael na abala sa pagsipa ng bato sa daan.

Papunta kami sa barangay hall ngayon. Raffle kasi ng mga tickets na binili namin. Baka sakaling mabunot iyong ticket ko at mapanalunan ko iyong honda na motorsiklo o kahit consolation prize lang na isang libo. Bukas na kasi ang fiesta namin kaya iyong ibang activity ngayong araw na gagawin.

"Maniwala ka, hindi na naman matutuloy 'yon. Tignan mo nangyari last year," sabi ko at pina-ikot-ikot ang payong ko.

Nasa gitna ako nila Atlas at Rafael.

"Sunod-sunod kasi ang malalakas na ulan noong isang taon kaya hindi na nila itinuloy," si Atlas na nasa selpon na naman ang tingin.

Sino na namang ka text o ka-chat niya ngayon?. Napasimangot ako nang makita ang maliit na ngiti sa labi nito.

"Iyong budget siguro para sa basketball noong isang taon. Iyon ang ipinag-down payment nila motor na ipapa-raffle nila ngayon," si Raffle kasunod ng tawa nito.

"Nakita ko nga sa Facebook group ng barangay natin na meron pang plantsa saka realme na selpon," komento ko at hindi pa rin inaalis ang tingin kay Atlas.

"Iyong motor sana ang makuha ko para hindi na bike ang ipang-hatid at sundo ko sayo," pagpapatuloy ni Rafael sa usapan.

Hindi na ako sumagot dahil naramdaman ko ang kamay ni Rafael sa pulsuan ko dahilan para lingunin ko ito. May ngisi sa labi nito sa ka niya isinenyas na takbuhan namin si Atlas. Tumango-tango naman ako ng may ngiti sa labi ko. Bago pa mapansin ni Atlas ang plano namin ni Rafael, kumaripas na kami ng takbo.

"Hoy! Hintayin nyo ako!" sigaw nito pero binilisan pa namin ni Rafael ang pagtakbo.

Hingal na hingal kaming tumigil nang matanaw na namin ang barangay hall. Pagtingin ko sa likuran wala pa si Atlas.

"Selpon pa more," humihingal kong sabi.

"Marami sigurong textmate 'yon," sabi naman ni Rafael na hinuhubad ang puting sando niya.

"Hoy, Anong trip mo at naghu-hubad ka?" sita ko rito at hihilain ko sana pababa ang sando niya pero dumausdos lang ang kamay ko sa basang katawan nito.

Ang flawless ng katawan niya. Letche! Sanall nalang.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now