Kabanata 25

25 21 1
                                    

"Sa susunod na sabado magde-date tayo," si Rafael na nakaakbay sa akin.

"Ayoko nga sabi! si Ate Sarah na lang ang yayain mo." Inalis ko ang braso nito sa balikat ko.

"Nabunot ang ticket ko kaya tumupad ka sa usapan."

"Atlas oh!" Lumapit ako kay Atlas at isinuot ko ang kamay ko sa braso niya.

"Pumayag kana kasi," sagot naman nito.

"Grabe ka! Pwede bang kahit pabiro lang ipagdamot mo naman ako," nakangusong sabi ko.

Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Nakakatampo ang lalaking 'to.

"Bakit naman kita ipagda-damot? Wala naman tayong relasyon," umiiling nitong sagot.

Ilang hakbang nalang ang layo namin sa bahay nila Lola Conching. Tumigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Atlas. Oo nga naman wala kaming relasyon, bakit nga naman niya ako ipagda-damot. Ang tanga ko! hilaw akong napangiti saka kinamot ang batok ko.

"Baka lang napag isip-isip mo nang mahal mo ako," pagak akong tumawa.

Bumuntong-hininga ito at na pailing-iling na lang. Hindi naman masamang magkunwari siya.

Ang sakit ng puso ko. Letche!

"May na tira pa pala akong ulam na longganisa sa bahay. Sayang iyon kung mapapanis lang ang mahal pa naman ng karne ngayon. Hindi na ako makikikain sa inyo." sabi ko nang nakatingin kay Katelyn.

Si Katelyn kasi ang nag-ayang sa kanila kami mananghalian. Kasama kasi nito si Tita Katrina na nauna ng umuwi at may pasalubong raw ito para sa amin ni Atlas. Sobrang excited ako kanina pero ngayon gusto ko na lang mag kulong sa bahay. Pilit kong binabalewala ang pakiramdam kong may itinatago sila sa akin pero lalo lang sumasama ang loob ko dahil kay Atlas.

Tumalikod na ako at uuwi na nang may humawak sa kamay ko. Nang lumingon ako ang seryosong muka ni Rafael ang bumungad sa akin.

"Ba't ka u-uwi?" seryosong tanong niya.

Kung dati balewala na lang sa akin ang mga mapanakit na salita ni Atlas, pero ngayon hindi na kayang baliwalain ng puso ko. Parang pinipiga ang puso ko at gusto kong umiyak.

"Pakialam mo! E, sa gusto ko nang umuwi," masungit kong sagot kay Rafael saka ko binawi ang kamay ko.

"Barry," si Katelyn.

Lumapit ito sa akin at isinuot nito ang kamay niya sa braso ko.

"Inaasahan ka ni Mama, ikaw pa naman ang unang ibinilin niya sa akin saka hindi ka pa ba na sanay d'yan kay Atlas," aniya at merong tipid na ngiti sa labi nito matapos niyang mag-salita.

Kung sanayan lang ang usapan lagpas na ako doon, manhid na nga ako e. Pero may hangganan din naman ako at kapag bumitaw na ako sa pagkaka-kapit ko siguradong hindi na ako kakapit ulit.

Tumingin ako kay Atlas, malayo naman ang tingin nito. Bumuntong-hininga ako at isinisik sa sulok ng puso ang sakit na nararamdaman ko.

"Ito kasing, Bebeko. Masyado akong sinasaktan," sabi ko at muli kong nilapitan si Atlas. Inalis naman ni Katelyn ang kamay niya sa braso ko. "Saka hindi ko kayang magtampo sayo." Isinuot ko ulit ang kamay ko sa braso niya bago ko idinikit ang mukha ko sa balikat niya.

"I know," may ngising aniya saka nito ginulo-gulo ang buhok ko.

"Tara na!" sigaw ko para maibsan ang bigat sa dibdib ko.

Kaya ko pa namang tiisin ang sakit.

Eksaktong nasa gate na kami ng bumukas ito. Lumabas si Aling Hilda.

Four-leaf Clover Where stories live. Discover now