Kabanata 18:

39 28 8
                                    

Nasa tabing daan ako at nag hihintay ng masasakyan kong tricycle. Abala ako sa paglalagay ng headset sa kabilang tenga ko nang may tumabi sa akin. Paglingon ko ang gwapong mukha ni Atlas ang bungad sa akin. Nakangiti ito at abot iyon hanggang sa mga mata niya.

"Good morning," bati nito at lalo pang lumapad ang ngiti niya.

May lagnat ba siya?

"Amm.. Good morning. Mukhang maganda ang gising mo ah. Napanaginipan mo ako noh?" biro ko.

Tumawa ito kaya napatitig ako sa kanya. Nakakapanibago lang na hindi ito nag susungit sa akin. Na missed niya siguro talaga ako, pero hindi pa rin 100% na back to normal na ang lahat. Marami din kasi akong na realized nitong mga nakaraang linggo.

"Sabay kana sa akin," aniya at tinapik pa nito ang upuan sa likod ng bike niya.

"Mamayang hapon na lang," sagot ko eksakto naman ang pagtigil ng tricycle. "Una na ako," paalam ko, tumango lang ito.

Nakita ko sa side mirror ng tricycle ang pagsunod ni Atlas. Hindi nagtagal nilampasan nito ang tricycle. Napapangiti na lang ako habang nakasunod ako ng tingin sa papalayong likod nito. Ito kasi ang unang pagkakataon na tinanggihan ko siya.

Pagdating ng tricycle sa tapat ng school dali-dali akong bumaba. Nagsisimula na kasi ang prayer bago ang pagkanta ng National Anthem. Kapag hindi kasi naka  attend ng flag ceremony kailangan mong magbigay ng isang floor wax at pagkatapos ng klase maiiwan ka para maglinis. Sayang pa iyong ipambibili ko ng floorwax at mas lalong ayoko'ng maglinis.

Tatakbo na sana ako papasok sa gate pero nakita ko si Atlas.

"Ba't 'di kapa pumasok?" tanong ko nang malapitan ko ito.

"Hintayin mo ako mamayang hapon." aniya saka ito pumasok at pumunta sa linya ng klase nila.

Natatawa'ng na pakamot naman ako sa pisngi ko. Hinintay niya pa talaga ako para sabihin lang iyon. Sinabihan ko naman na siya kaninang sasabay ako sa kanya mamayang hapon. May trust issues din pala ang bebe ko.

"Last week ko pa gustong itanong sayo 'to," si Naomi.

Kaalis lang ng advicer namin at hinihintay namin ang second subject namin ngayong umaga.

"Ang alin?" salubong ang kilay kong tanong.

"Nag-away ba kayo ni Atlas?" Napalingon ang mga tsismosang nasa harapan sa tanong ni Naomi.

"Hindi, Bakit?"

Inangatan ko ng kilay ang mga tsismosa. Umismid naman ang mga ito at ibinalik ang tingin sa harapan.

"E, Hindi ka na sunod ng sunod sa kanya. Saka nakikita kitang sumasakay ng tricycle sa hapon."

Kung hindi ko lang itinuturing na kaibigan itong si Naomi, kanina ko pa ito binatukan sa pagiging tsismosa niya.

"Sa buhay kailangan din nating mag move forward. Hindi pwedeng palagi na lang tayo ang nag hahabol."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin. Tigilan mo na ang kaka-tsimis mo at baka ihambalos ka sayo itong leather shoes ko."

"Hmmmp! Para nagtatanong lang e. Sayang may sasabihin pa naman sana ako sayo." Tumalikod ito sa akin.

Hinawakan ko ang balikat nito at sapilitan itong iniharap ulit sa akin.

"Anong sasabihin mo sa akin?" tanong ko at pinaningkitan ko ito ng mata.

Huwag lang siyang mag kakamali ng sagot at talagang ihahambalos ko sa kanya ang sapatos ko. Kotang-kota na ako sa principal's office. Kaya ano lang naman iyong isang beses pa akong ma principal, dahil sa pag-bakat ng swelas ng sapatos ko sa mukha nitong si Naomi. Mukhang napansin naman nitong nadedemonyo na naman ang utak ko dahil nag sunod-sunod ang paglunok nito.

Four-leaf Clover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon