MPB 03 (02.01.15)

10.3K 284 10
                                    


Time check: 10am



Nandito ako ngayon sa Mall. Sobrang nakaka-inip kasi sa bahay. Sila Kambal at Higante kasi ay mga tulog pa. Pagkatapos kasi naming kumain kagabi ay nag-inuman pa sila. Ako naman ay pumasok na kagad sa kwarto ko. Medyo nawala kasi ako sa mood kagabi nung maalala ko si Cloud. Kung ano-ano yung mga naiisip ko kagabi. Kaya nga ngayon ay napagpasyahan ko na pumunta muna dito sa Mall at maglibang.



"Dude, she's hot."



"No. That one is more hotter."



"Geez. Both of them are hot."



"Look at those fine mushy ass."



"I wonder how it feels when my hands squeeze them."




Napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may nagbubulungan. Nandito kasi ako nakapwesto sa mga benches sa Mall. Kanina pa kasi ako palakad-lakad dito at dahil na rin sa sobrang pagod ay naisipan ko munang maupo dito saglit at magpahinga. At ito nga ngayon, may mga naririnig akong mahahalay na usapan sa likuran ko at hindi ko napigilan ang sarili ko sa paglingon sa kanila dahil parang pamilyar sa akin ang mga boses nila.




And I'm not shocked when I recognized THEM. The Ele-diots. Napangiti na lang ako at napailing. Hindi pa rin sila nagbabago. Once a pervert always a pervert. Sinuot ko yung salamin ko at nagpunta sa harap nila. Nakuha ko naman kagad ang atensyon nila dahil na rin siguro sa suot ko ngayon. I'm wearing my white spaghetti strap top and  my fitted jeans paired with my combat boots. My long black hair is slightly curled in a messy way. I almost smirked at their reactions. Cliff was the first one who manage to speak.





"Hi, sexy. Need help?" Tanong ni Cliff. His famous smile was plastered on his face. His dog-smile. I motioned my index finger on him, signaling him to come near me. He wiggled his eyebrows while smiling at the others. His smiles says this-sexy-in-front-of-me-is-mine-dude.



Nung nakalapit na sya sakin ay sinenyasan ko sya na ilapit nya yung mukha nya sakin. He glady do it while smiling from ear to ear. Yung ngiting parang kinikilig. Nung malapit na yung mukha nya sakin ay agad kong pinulupot yung kanan kong braso sa leeg nya at saka ko hinila pababa yung ulo nya. Hinigpitan ko pa yung pagkakapulupot ng braso ko sa leeg nya hanggang sa hindi na sya makahinga.




"H-hey!! S-s-stop!" Kapos-hiningang sabi ni Cliff habang pilit na tinatanggal yung braso ko sa leeg nya. Tumayo naman sila Jet at Leo para tulungan si Cliff. Tinanggal nila yung pagkakapulupot ng braso ko sa leeg ni Cliff at inalalayan nila ito patayo.




"Miss baliw ka ba?!" Tanong ni Cliff nung makahinga na sya ng maayos.




"Takas siguro yan sa mental." Sabi naman ni Jet. Lumapit ako sa kanila at piningot ko yung mga tenga nila.




"Kayo talagaaa! Hindi na kayo nagbago! Ang mamanyak nyo pa rin!" Sigaw ko sa kanila habang pingot-pingot ko yung tenga nila Jet at Cliff.





"Aah!-Aray!-Teka!-aw!" Angil ni Cliff habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa tenga nya. Binitawan ko na yung tenga nila dahil sumasakit na rin ang kamay ko kakapingot sa kanila.






"Pamilyar sakin ang boses mo, Miss." Sabi naman ni Leo. Katulad nung nagkita kami ni Kambal at Higante sa airport ay tinanggal ko din ang salamin ko at binigyan sila ng isang kilalang-kilala-nyo-talaga-ako-sa-ganda-kong-itong ngiti. Halos malaglag na yung mga panga nila nung natanggal ko na yung salamin ko.





"XANDRA?!"




"Yep. The one and only." I said while popping the 'p'. Nagulat ako ng bigla nila akong yakaping lahat.




"Waah! Namiss ka namin Xandra."


"Kelan ka pa umuwi?"



"Pasalubong namin?"



"Ang sexy mo!"



"Pakiss nga!"

**


Matapos ang madugong yakapan namin kanina ay napagpasyahan naming kumain dito sa The Ventures Restaurant. Syempre treat nila sakin. Haha. Nagtaka nga ako kanina nung pagpasok namin ay mga nagbow pa sa kanila yung mga guard at ilang mga waiter. Bakit kaya?




"Bakit hindi mo man lang samin sinabi na nakauwi ka na pala?" Tanong ni Cliff.



"Wala lang. Trip ko lang." I said nonchalantly. Itinigil ko muna ang pagkain ko ng may maalala nga pala akong itanong sa kanila,"Na saan pala si Cloud?" Tanong ko. Sa sobrang kakulitan nila ay nakalimutan ko ng itanong sa kanila si Cloud.




"Huh? Si Cloud? Hindi mo ba sya kasamang umuwi?"-Jet.




"Tingin mo tatanungin ko kayo ngayon kung kasama ko siya?! Bwisit." Hindi ko alam minsan kung tanga lang sila o nagtatanga-tangahan lang. Pero teka nga, ano daw?, "Anong ibig nyong sabihin sa 'hindi mo ba sya kasamang umuwi'?" Tanong ko.




"Grabe! Two years ka lang nawala hindi mo na maintindihan mga sinasabi namin."-Jet. Tiningnan ko sya ng masama.





"Shut your mouth or else I will pull your fcking tongue out and feed it to you." Jet gulped and wipes his imaginary sweat. I rolled my eyes on him and turned to Cliff.





"Spill it. Nasaan si Cloud?"



"Chill, sexy. You're getting hotter and hotter when you're cussing." Cool na sabi ni Cliff habang kinakain nya yung desert nya. Tsktsk. He is such a flirt.




"Sasagutin mo yung tanong o hindi?" Konting-konti nalang ay mapuputol na yung ga-sapot kong pasensya sa kanila.




"Okay fine." Naalala ko sa America nga pala kami nagstay nung pagkatapos nung business trip nila mama at papa sa Japan at Korea.



'Cloud went to America one month ago to surprise you.'



'Cloud went to America one month ago to surprise you.'



Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa sinabi ni Cliff. Imposible. Sobrang imposible.





"Wag mo nga akong lokohin Cliff. Wala namang lalaking nagngangalang 'Cloud' ang nagpunta sa America para sopresahin ako."

Tbc.
-

May facebook account po sila Cloud at Xandra. Add nyo nalang sila.  :)

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now