MPB 27 (06.03.15)

6K 184 13
                                    

Xandra's POV

"Xandra, hija, gumising ka na. May naghihintay sayo sa baba." naramdaman ko pa ang pagtapik ni Manang sa braso ko.

"Sino daw po?" inaantok na tanong ko. Gising na ako pero nanatili lang akong nakapikit. Tinatamad akong pumasok at inaantok pa ako. Ang dami kong nireview para sa recitation ni Kambal mamaya. Naalala ko kasi yung sinabi sakin ni Higante na kailangan ko daw talaga pagaralan yung mga notes tsaka nakakatakot daw yung magiging prof mamaya.

"Gising ka na ba?"

—_—

"Hindi Manang, tulog pa ako. Nagsleep talk lang ako." pabalang kong sabi. Kung minsan talaga tong si Manang ang weird.

"Ouch!" napabangon kagad ako sa pagkakahiga ko ng bigla akong kurutin ni Manang sa braso.

"Nagising ka rin sa wakas. Bilisan mo at may naghihintay sayo sa baba."

"Manang kanina pa ako gising! Bakit kailangan mo pa akong kurutin!" reklamo ko. Ang sakit kasi nung kurot nya. Feeling ko may sumamang laman ko sa kuko nya sa sobrang diin.

"Ha? Ang sabi mo kanina tulog ka pa. Nagsleep talk ka pa nga e." nakakunot ang noo ni Manang habang nakatingin sakin. Kita nyo! Napakaweird talaga nitong si Manang!

"Ewan Manang. Osige na po lalabas na ako. Maghihilamos lang ako." sabi ko. Pumasok na ako sa banyo ko at naghilamos at nagtoothbrush. Pagkalabas ko ng banyo ay tiningnan ko ang orasan ko sa bedside table ko. Katabi nito si Mr. Rabbit the Pirate. Remember yung stuff toy sa Mall dati nung kasama ko si Cloud. Yup, tinago at pinagkaingatan ko yan. Syempre mahalaga sakin e.

7:30 a. m. palang. Buti na lang ay mamayang 10am pa ang pasok ko.

*yawn*

Inaantok pa talaga ako! Kainis! Dapat natutulog pa ako ngayon e! Siguraduhin lang ng kung sino man na impakto ang naghihintay sakin sa baba na mahalaga ang pakay nya sakin. Or else I will send him or her back to where he or she came from running and crying while a chainsaw was shove up on his or her ass!

After ng ilang minutong pagpapakalma sa sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba papuntang living room namin.

"Good Morning Sexy." malanding sabi ng isang nagsasalitang kulot.

Don't tell me sya ang may kailangan sakin? Ang walang silbing kulot na to?! Kahit hindi na nya sabihin alam kong walang kwentang bagay lang ang lalabas sa bibig nya. Istorbo syaaa!

"What are you doing here?" nagtitimping tanong ko.

"Chill out baby. Nanunuod lang naman ang ng tv nyo dito." casual na sabi nya. Parang umusok ang magkabilang tenga ko sa narinig.

"Langyang kulot ka! Ginising gising ako ni manang dahil may naghihintay daw sakin tapos ikaw lang ang mabubungaran ko! Tarakya naman talaga!" inis na sabi ko. Lumapit ako sa kanya at inagaw yung remote sabay patay ng tv.

"Hey! Nanunuod ako!" angal nya. Binalibag ko sa kanya yung remote at sakto naman na tumama sa ulo nya yung remote. "Aray!"

"Pulubi ka ba ha?! Wala ka bang tv sa inyo at dito mo pa talaga naisipang manuod!" nakapameywang sa sabi ko. Nakakainis talaga!

"Baby naman! Sa gwapo kong to? Pulubi? Nagpapatawa ka ba?" sabi ni Cliff at kinuha ulit yung remote at binuksan tv. Talaga naman! Ang kapal ng mukha!

"Iniinis mo ba ako ha? Papatayin mo yang tv o ikaw ang papatayin ko?" may pagbabanta sa boses ko. Tinitigan ko pa sya ng masama pero wala. Nginitian nya munq ako bago sumagot.

"Pano mo ba ako papatayin? Sa sarap ba? Sige game ako dyan!" parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. I was about to hit him upside down using the coffee table in front of me when I heard a low voice few steps away from us.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon