MPB 31 (06.07.15)

5.7K 176 9
                                    

Xandra's POV

"Ate Hunter ikaw ba talaga yan?" paniniguro ko dahil baka mamaya ay dala lang to ng sobrang hilo na nararamdaman ko ngayon.

"Yes, Xandra. Ako nga." kalmadong sabi nya. Hindi sya nakangiti pero hindi rin sya nakasimangot. No traces of emotions. Sobrang laki ng pinagbago nya. Naging madilim ang aura nya. Ibang iba sa babaeng nagturo sakin nung nasa Japan pa ako.

What happened to her?

"Shit! Bakit may taga-BCO dito?" narinig kong bulalas ng isang lalaki. Bakit parang natatakot at kinakabahan sila?

BCO? Anong BCO?

"Let's go home Xandra." kalmado pa rin na sabi ni Ate Hunter. Sakin lang sya nakatingin at akala mo ay sinusundo nya lang ako sa eskwelahan. Parang wala syang pakialam sa paligid.

Maglalakad na sana ako palapit sa kanya ng biglang may dalawang babae ang humawak sa magkabilang braso ko.

"Let go." I hissed. Hindi na ako masyadong makapalag dahil sa sakit ng katawan ko.

"Don't let her escape. Mayayari tayo kay Trixie nito kapag pinakawalan natin yan," sabi nung babaeng may light brown na buhok sa mga kasama nya. Seryoso syang nakatingin kay Ate Hunter pero mapapansin pa rin ang kaunting takot sa mga mata nya. "Jenny, call Trixie." dagdag pa nya.

Naglabas naman ng cellphone nya yung babaeng may hawak sa kaliwang braso ko at nagumpisang magdial. She's holding my arm with her right hand.

"Let her go." nakakatakot na sabi ni Ate Hunter. Maski ako ay kinilabutan sa boses nya. May pagbabanta ito.

"That will never happen." taas noong sabi nung babaeng may light brown na buhok. Pumwesto sya sa unahan namin. Yung dalawang lalaki naman ay nasa magkabilang gilid nya.

Nauna silang sumugod at si Cloud ang pinuntirya nung dalawang lalaki. Sabay na sinuntok nung dalawang lalaki si Cloud pero madali nya lang itong naiwasan.

Pumunta sya sa likod nung isang lalaki at pasabunit nyang hinawakan ang ulo nito. "Did you hurt her?" he coldly asked.

"Yeah, may angal ka ba-oof!" nagulat ako sa ginawa ni Cloud. Inihampas nya sa tuhod nya yung mukha nung lalaki habang sabunot nya ito. Hindi pa sya nakuntento at pinagsasapak nya ito hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Basag ang mukha nito at may umaagos pa na dugo sa ilong at itaas na bahagi ng kilay nito. Namamaga na rin ang kaliwang mata nito at naguumpisa na rin na mangitim.

Hindi ako sanay na nakikitang ganito si Cloud. Napaka brutal nya. Nakakatakot. Si Cloud ba talaga to? Then suddenly it hit me. Hindi ko pa nga pa pala sya masyadong kilala.

Things went faster than we expected. Sure, I know his name, age, friends and personality but that's it. Wala nang iba. His personal life, his family, his first love etc.

*erase*erase*

I inwardly slap my head upside down using a hammer. Napapano ka ba Xandra? Ano naman ngayon kung hindi mo kilala parents nya o kahit yung first love nya. Hindi ko ikakaganda yon! Leche.

Tiningnan ko ulit si Cloud. Parang wala sya sa sarili nya. Biglang sumagi sa isip ko ang itsura nya kanina nung nakita nya ako. Parang papatay ang itsurang pinapakita nya.

"Cloud!" tawag ko sa kanya. Hindi sya tumingin pero alam kong naririnig nya ako kaya ipinagpatuloy ko na lang ang sasabihin ko. "You can beat him into pulp but never, ever kill him. Naiintindihan mo ba?!" sigaw ko.

"Shut up." Jenny, the girl who's holding my left arm hissed at me. Inirapan ko sya. "See that girl on the van," I cock my head sideways to where Ate Hunter is located. "Wag nyo syang gagalitin. Nagsusuper sayan yan." pangaasar ko. Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang hawak nila sa braso ko.

"Aaaaahhhh!" napadako ang tingin ko sa pwesto nila Cloud. Pinilipit nito ang braso nung lalaki at saka binigyan ito ng isang matinding head bang.

Ouch, that's surely hurts.

Natumba yung lalaki. Putok ang ilong at labi nito. Tumingin sakin si Cloud at mas nakita ko ng maayos ang mukha nya ngayon. Nagkaroon din sya ng pasa at kaunting galos sa mukha. Pero wala lang ito kumpara sa ginawa nya sa dalawang lalaki.

"Who's next?" bored na tanong ni Ate Hunter. Umalis na sya sa pagkakasandal sa van at tumabi sa pwesto ni Cloud.

"Me." sagot nung babaeng may light brown na buhok.

Ateng, kung ako sago ay uuwi na lang ako sa amin at matutulog sa normal na paraan at hindi sa paraan ni Ate Hunter.

"Poor thing." naiiling na bulong which is narinig nung dalawa dahil katabi ko lang sila.

"Nasaan na ba si Trixie?" mahinang tanong nung babaeng nakahawak sa kanang braso ko.

"Malapit na daw sila." sagot naman ni Jenny habang seryosong nakatingin sa pwesto nung babaeng kaharap ni Ate Hunter.

"We both know that Carla won't stand a chance to a member of BCO." sabi ulit nung isa. Aah, so Carla pala ang name ni light brown hair. Pero wait..

BCO na naman. Ano ba talaga iyon? Napapadalas ang yata sa pandinig ko ang tatlong letra na yan.

"I know, pero wag mong kakalimutan na pangalawa si Carla sa grupo natin. What if underling lang ang babae na yan, paniguradong panalo na si Carla." Jenny.

Osige po. Nagtsimisan na sila sa likod ko.

"Yeah, just a mere what if." the other girl scoffed.

Hindi ko na inintindi pa ang usapan nila at tinuon nalang ang atensyon kay Ate Hunter. Magkaharap sila ni Carla. Kapwa nagsusukatan ng tingin, kung sino ang mauunang sumugod.

"I can defeat you in just 3 seconds." biglang sabi ni Ate Hunter. Ako lang ba o talagang nagulat si Carla at ang dalawang babae sa likod ko.

Wtf? Three seconds? Ngayon pa talaga naisipan ni Ate Hunter na magbiro. Hindi ko alam na joker na pala sya ngayon. Hahaha! She's so funny!

..
...
....

Or maybe not.

Halos mapanganga ako nang makita ko ang ginawa ni Ate Hunter. Gamit ang dalawa nyang palad ay nagawa nyang pasukahin si Carla. Tinulak nya ang dalawa nyang palad sa sikmura ni Carla at binigyan ito ng kaunting force paitaas dahilan para mapasuka.

Napaluhod si Carla pagtapos ay may pinindot naman si Ate Hunter na pressure point sa may batok ni Carla dahilan para bumagsak sya at mawalan ng malay.

And it just freaking happened in three seconds!!

Napasinghap ang dalawang babae na may hawak sakin. Panigurado ay nagulat din sila katulad ko. Humarap sa pwesto namin si Ate Hunter, wearing her cold and deadly stare. Naglakad sya palapit sa pwesto namin.

Ramdam ko ang panginginig ng dalawang babae sa likuran ko. Heck! Maski ako ay nanginginig sa takot. Ibang iba na talaga si Ate Hunter. Mas lalo syang gumaling.

Kaunting hakbang nalang ay malapit na sya sa pwesto namin ng biglang makarinig kami ng isang palakpak hindi kalayuan sa pwesto namin.

"Nice move there Hunter, or should I say, the three seconds Devil." hindi ko na kailangan lingunin kung sino yung nagsalita dahil kilalang kilala ko na kung sino to.

Boses palang pang-bitch na.

Tbc.

I changed my mind. Haha. Hindi ko na pala sya gagawing hiatus. Pipilitin ko pa rin syang tapusin kahit na may pasok na ako sa Monday. Sadnu? Haha. and another thing more or less 10 chapters nalang din kasi ito bago matapos kaya naisip ko na bakit ko pa gagawing hiatus para konting chapters na lang naman. Agree? :)

Anyway, thank you sa mga nag-comment sa last chapter medyo nabuhayan ako ng loob. Whaha! Lovelots!!

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now