MPB 11 (03.27.15)

8.6K 219 17
                                    

"Eeeee!! Girlala type ko ang kakambal mo! Kyaaaaaaaa! I want to marry him!!"

-_________-"

Natatanga ako. Sobrang natatanga ako sa sinabi ni Cloud. Ginagago nya ba ako? Nababaliw na ba sya? Pinagtitripan nya ba ako?

"You gotta be fcking kidding me?" puno ng pagtitimping tanong ko sa kanya. Sa oras lang na malaman kong ginagago ako nitong si Cloud humanda sya sakin. Ihahampas ko sya sa lahat ng pader!

"Whoa! Sister you're mura-mura na. Don't you know na masama yan!" malanding sabi nya. Gusto kong putulin ang mga malalandi at malalantik nyang daliri na winawagayway nya sa harap ko. Mabilis ko iyong tinabig at tumayo. Tinitigan ko pa sya ng masama bago magsalita.

"Hindi pa tayo tapos! Impaktitang bakla ka!" galit na sabi ko sa kanya at mabilis na umalis. Lumapit kagad ako sa table ng ele-diots kanina at padabog na umupo. Napatingin ako sa side ni Cloud at nakita kong nakatingin sya kay Xander na ngayon ay nakapila rin at bibili ng pagkain. Nakapalumbaba si Cloud at nakangiting mag-isa. Yung ngiting kinikilig! Bwisit! Ang arte-arte!

"What's with deadly stare, baby?"

"Don't baby-baby me Cliff. Hindi mo ako anak." nakabusangot na sagot ko kay Cliff.

"Pfft! Hahaha. Oo nga naman Cliff. Kelan mo pa naging anak si Xandra." sagot naman ni Evo. Isa-isa na silang nagsidatingan at nag-upuan. Inilapag nila ang mga binili nilang pagkain at halos mapanganga ako sa nakitang mga pagkain. Ang dami. Sobrang dami nilang pagkain. Kinailangan pa nilang magdagdag ng isa pang lamesa para lang mapagkasya nila nga mga binili nilang pagkain. Bali apat na lamesa tuloy na magkakadugtong ang gamit namin.

"Pakyu dude!" sagot nalang ni Cliff.

"Yung totoo? Huling kain nyo na ba? Kailan kayo bibitayin?" tanong ko sa kanila. Napatingin sila saking lahat at isa-isa nilang tiningnan ang mga binili nilang pagkain.

"Grabe ka naman samin Xandra. Diet nga kami e." Sagot ni Jet. Nagsitanguan naman yung iba. Tss.

"Ewan ko sa inyo." yun nalang ang sinabi ko at kinain ang pagkaing inorder sakin ni Cliff. Habang kumakain ako ay natanaw ko na si Xander at Higante na katatapos lang umorder. Agad ko silang tinawag at inalok ang natitira pang bakanteng upuan sa lamesa namin.

Nung makaupo na sila Kambal ay nagsimula na ulit kaming kumain. Kanya-kanya sila ng kwetuhan at tawanan. Ang iingay nila kaya tuloy ang daming nakatingin sa side namin. At kabilang na don si Cloud.

Pero iba ang tingin na binibigay nya samin. Para syang galit na ewan. Nung mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay agad na napalitan ng isang carefree at maarteng baklang Cloud. Tinuro nya gamit yung nguso nya yung bakanteng pwesto sa tabi ko. Nalipat kasi si Jet sa ibang pwesto kaya bakante na yung dapat ay upuan nya sa tabi ko. Tiningnan ko si Cloud na nakataas ang kilay. Tinuro nya ulit ng nguso nya yung bakanteng pwesto sa tabi ko at saka nya tinuro yung sarili nya gamit ang kanyang daliri.

Kita nyo! Kita nyo! Ang landi! Nakita lang na dito pumwesto si Kambal gusto nya na rin dito pumwesto! Bwisit sya! Mas maarte pa sya sakin.

"A-yo-ko." I mouthed at him. Napanguso lalo sya at pinagdaop nya ang mga palad nya while saying, "Please." I smirk at him. Ha! Manigas kang baklang impakta ka-

"Xandra sino tinitingnan mo dyan?" mabilis akong napalingon sa nagsalita. Epal naman ni Evo. -___-

"Wala ka na dun-"

"Teka si Cloud yun diba?" bulalas ni Jet habang nakaturo pa sa pwesto ni Cloud. Putik talaga! Bakit ba ang eepal nila?! Sabay-saby silang napatingin kay Cloud at ang bakla nanlaki ang mata sa gulat!

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon