MPB 04 (02.08.15)

8.8K 265 34
                                    


"Wag mo nga akong lokohin Cliff. Wala namang lalaking nagngangalang 'Cloud' ang nagpunta sa America para sopresahin ako."

"Ha? Ang sabi nya pupuntahan ka daw nya sa bahay nyo sa America. Kami pa nga ang naghatid sa kanya sa airport nung araw na yun kaya imposibleng hindi sya makapunta sa America." Mukhang pati si Cliff ay naguguluhan.


"Hindi kay naligaw sya?" Tanong ni Jet na agad namang binatukan ni Leo.


"Tanga! Impossibleng maligaw yun laking America din yun!"-Leo.


"Oo nga. Tsaka kung maligaw man sya may bibig at mata sya. Pwede syang magtanong."-Greg.


"Imposible. Sobrang imposible talaga na hindi sya makapunta ng America dahil nakita rin nating lumipad yung eroplanong sinasakyan nya." Tanong ni Cliff na napapakamot na lang ng ulo. Bigla kagad akong ginapangan ng kaba sa dibdib ko.


"Shit!" Napatingin kaming lahat kay Evo.


"Bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Naalala ko. Kinagabihan nung umalis si Cloud may binalita nun sa tv na may bumagsak daw na eroplano. Hindi ko lang alam kung saan papunta yung eroplano na yun."-Evo.


"Sandali lang. Tingnan natin sa internet.." Nilabas ni Jet yun cellphone nya at nag-search about sa plane crush nung araw na yun. Maraming mga news and articles ang lumabas sa google. Ni-click nya yung unang-unang article.


"Basahin mo. Bilis." Sabi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Please Lord! Sana po hindi ito ang plane na sinakyan ni Cloud.

"Isang eroplano ang napabalitang bumagsak sa gitna ng dagat eksaktong alas-otso-bente ng gabi, ika-4 ng Mayo. Napag-alaman na patungo ang nasabing eroplano sa America...."


"...Napag-alaman din ng mga awtoridad at iba pang mga rescue team na may sampong namatay at lima pang nawawala sa naturang insidente." Natahimik muna kaming lahat pagkatapos basahin ni Evo yung article nung nakaraang isang buwan. Sinenyasan ko sya na ipagpatuloy pa nya ang pagbabasa. Huminga muna sya ng malalim bago magpatuloy.


"Ang mga nawawalang limang pasahero ay nagngangalang Johnny Bravo, Dora, ang magkakapatid na Powerpuff Girls na sina Blossom, Bubbles at Buttercup, at ang isa pang pasahero na hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahanap,


Cloud Ventura.."


Tbc.
-

Maiksi. Bitin. Cliffhanger. At ang korning nung bandang huli. Haha. Wala na kasi akong maisip na pangalan e. Haha. Pasensya na. Yan lang nakayanan ko. Medyo boring, i know. But don't worry the exciting part is about to happen. *laughs wickedly*

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now