MPB 37 (06.27.15)

5.6K 180 14
                                    

Xander's POV

"Good morning." sabi ko nung makasalubong ko sa hagdanan si Xandra. Her hair is sticking out all over her head like a lightning bolt struck her. Her usual bright eyes turns to dull and puffy as if the life on it died a long time ago. It's obvious that she cried all night.

"Morning." matamlay na bating pabalik niya sa akin ng hindi manlang tumitingin sakin at parang zombie na naglalakad papuntang kusina.

Pagkatapos kasi naming mag-usap kagabi ay umakyat na sya sa kwarto nya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Isang pilit na ngiti. Tanda ko pa ang naging reaksyon nya nung sabihin kong si Kris ang magiging fiance nya. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa.

I know she doesn't love Kris but I'm thankful that he's the one that Xandra will marry soon. Kaibigan ko si Kris at alam kong hinding hindi nya sasaktan si Xandra. Kahit na madalas ay nabibwisit sya kay Xandra, alam ko namang hindi nya papabayaan ito.

Matagal ng alam ni Kris na maeengage sila ni Xandra. Noon pang gabing nalaman kong pinull out na pala ni nyetang Salvez yung investment nya at nahuli sya ng mga Black Center Organization. Nung gabing din yun na tinawagan nya ako at sinabi nyang tinawagan ng mga magulang namin yung mga magulang nya.

Alam ko na kagad ang ibig sabihin noon. My parents called Kris' parents to talked about the marriage between him and Xandra. Kinabukasan din matapos nung gabing yon ay umalis kagad ako ng Pilipinas. I immediately went to where my parents are.

Sa Malaysia.

I convinced them to give me a week to find other way to have an investor before they proceed to what they planned. And thankfully, they agreed.

Sa loob ng isang linggo na yon ay ginawa ko ang lahat ng kaya ko. I even asked help to my other friends. They tried, but unfortunately fate is not on my side this time.

Natapos ang isang linggong palugit nila Mama at Papa sakin ng wala man lang akong nakuhang investors para sa kompanya namin. Nakakainis. Gusto kong manapak ng tao that time. I know it's impossible to have an investors in just a week but God knows I tried my very best.

Kaya nga nung nakausap ko sa telepono si Xandra tungkol sa pagdisguise nya muna sakin para sa recitation ko nung nakaraan ay sinabihan ko kagad sya ng I'm sorry kahit na alam kong hindi naman nya maiintindihan kung bakit ako nagsorry sa kanya. Nag-advance sorry ako dahil alam kong wala na akong magagawa sa kung ano mang napagplanuhan ng mga parents namin.

Wala rin akong magawa para maprotektahan ang kung ano mang meron sila ni Cloud. I know they love each other. Lalo na si Cloud. I can see it the way he looks at my sister. He's willing to give up on what they have for the sake of Xandra. For the sake of our family.

Gusto ko nga syang bugbugin ng sobra-sobra dahil handa syang mag-sacrifice para kay Xandra. Nung una ay yung isinama sya nila Mama paalis ng Pilipinas ay pumayag si Cloud. He sacrificed. At ngayon, wala pang tatlong buwan nung makabalik si Xandra ay may bago na namang problema.

And what he did? He sacrificed, again. For the second time.

And this time, lahat-lahat ay sinakripisyo na nya. Lahat ng meron sila ni Xandra. Mawawala na.

**Flashback

[Bakit?] direchong tanong ni Cloud pagkasagot nya ng tawag ko. Walang modo.

"Kasama mo ba si Xandra?"

[Actually, kakauwi ko lang galing sa inyo.]

Sigh. Buti naman. Ayokong malaman muna ni Xandra dahil baka maglayas yun o kaya kung anong kalokohan ang gawin.

"Hiwalayan mo na si Xandra." direchong sabi ko. Narinig ko naman syang tumawa ng malakas sa kabilang linya.

[Lakas ng trip mo Xander! Hahaha!]

"I'm serious Cloud. I know it's hard but you need too. Both of you." huminto ako para marinig kung may sasabihin man si Cloud pero wala. Tahimik lang sya kaya pinagpatuloy ko na ang kung ano man ang sasabihin ko.

"Our company is close to shutting down and we badly needs an investor to save our company. We tried searching and pleasing the other companies but none of them wants to be our investors."

I paused. Tahimik parin na nakikinig si Cloud. I know, dahil hindi pa nya binababa yung tawag.

"And my parents came up with other solution. At yun ang ipakasal si Xandra. She's going to marry the son of the second richest and biggest company in Asia. The company that rank in the second spot in Top Ten Companies. And that's Kristopher Park."

[Also known as Kris the Giant. According to Xandra. Hahaha! What a very small world. Anong laban ko sa heir ng second richest company sa Asia? Tangna, wala. Isang malaking wala.]

"Ganon na lang? Hindi mo sya ipaglalaban?" Nageexpect kasi ako na magwawala sya at pipigilan nya ang kung ano man ang nakaplano.

[Kalaban mo si Godzilla at ang binigay lang sayo na sandata ay isang maliit na karayom. Lalaban ka parin ba?]

Natahimik ako sa sinabi ni Cloud. He's right. Bakit ka nga naman lalaban kung alam mo na sa umpisa palang ay talo ka na? Pero..

How can he know that he'll win if he don't try?

"What if they don't tell you that the needle they gave to you has a poison? That in just a single prick can make you win? What if you can win?"

Tahimik lang si Cloud. Marahil ay nagiisip. Balak ko na sanang ibaba ang tawag ng bigla ulit syang magsalita.

[Kelan sila ikakasal?]

"Bukas ng gabi ay uuwi na kami at sasabihin namin lahat kay Xandra ang napagdesisyonan namin. Engagement palang ang napagplanuhan and that would be four days from now. Kaya bukas din pagkauwi namin ay hindi na kayo pwedeng magkita pa."

[Can I have a favor?] napansin kong nag-iba naging malungkot na ang tono ng boses ni Cloud.

"Sure."

[C-can I ask for o-one day? Just one last day to be with her and after that hindi na ako magpapakita sa k-kanya.]

His voice is cracking and I know that he's crying.

"Sure."

END OF FLASHBACK**

"Kambaaaal!" sigaw ko at pabagsak na binuksan ang pinto ng kwarto nya para magulat sya. Pero wala syang naging reaksyon. Nakaupo sya sa kama nya at saglit lang syang tumingin sakin tapos ay binalik ang tingin sa stuff toy na rabbit na mukhang pirata sa bedside table nya.

Haaaay.

"Kambal pwede mo ba akong samahan sa Mall?" tanong ko. Ang totoo nyan ay wala naman akong gagawin sa Mall. Gusto ko lang talaga syang malibang-libang at hindi nagkulong dito sa kwarto nya.

"Tinatamad ako." matamlay na sagot nya na hindi manlang tumitingin sakin.

"Sige na Xandraaa. Ililibre kita kung gusto mo! Gusto mo ba ng ice cream? Cake? Chocolate? Anything? Just say it at ibibili ko sayo."

"Si Cloud. Kaya mo bang bilhin si Cloud?" this time ay tumingin na sya sakin, as a tear slipped down on her eyes.

"Xandra alam m—"

"Labas. Gusto kong mapag-isa." hindi na nya ako pinatapos sa sasabihin ko at nahiga sa kama nya at nagtalukbong ng kumot.

Wala na akong nagawa at lumabas ng kwarto nya. Pero bago ako tuluyang lumabas ay may sinabi ako sa kanya.

"You can shout and throw things on me if you're angry. You can hug me and cry on my shoulder if you're breaking. Just let it all out on me. I'm always here at your side."

Tbc.
--

Vote. Comment. Recommend.




MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon