MPB 33 (06.15.15)

6.1K 158 6
                                    

Xandra's POV

"Ang pangit ko naaaaa!" sigaw ko habang nagpapapadyak na parang bata. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa maliit na salamin na hawak ko.

"Waaaaaaah! Ang pangit ko na talaga!" sigaw ko ulit. Huhuhu! Kainis naman kasi! Alam kong magpapasa yung mukha ko pero hindi ko naman inasahan na ganito pala kagrabe yung kalalabasan.

May pasa ako sa kaliwang pisngi ko at sa gilid ng mata ko. Putok din ang labi ko. Idagdag mo pa yung mga malilit na sugat sa mukha ko. Odiba! Ang pangit ko talaga!

"Babe, that's the 15th times you said that." komento ni Cloud. Nandito kami ngayon sa bahay. Kakauwi lang namin galing ospital. Jusme! Halos maiyak-iyak ako nung ginagamot yung mukha ko! Ang sakit kasi! Lalo na nung nilagyan nung nurse ng alcohol yung sugat ko!

"Kasi naman! Nakakainis talaga! Tingnan mo oh! Ang pangit na nung mukha ko. Pano na ako nito papasok sa school?!"

"Sa pagkakaalam ko, paa ang ginagamit para makalakad at makapasok sa school. Hindi mukha." sigaw ni Cloud mula sa kusina. Nagluluto kasi sya ng panghapunan naming dalawa.

Padabog akong tumayo sa sofa at naglakad papuntang kusina.

"Sa pagkakaalam ko bahay namin to at pwede kitang palayasin." seryosong sabi ko. Alam nyo ang ginawa ng gago? Ayun, tinawan lang ako. Langya.

"Come, sit. Dinner is ready." natatawang sabi nya. Umupo na ako at tiningnan ang mga niluto ni Cloud.

"Ano to?" tanong ko. Tinuro ko yung kulay orange na sabaw na may baboy.

"Sinigang na baboy." sagot nya. Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko sa sagot nya. Sinigang na baboy?!

"Eh bakit kulay orange?!"

"Nasobrahan lang sa kamatis kaya ganun. Pero masarap naman yan, wag kang mag-alala." baliwalang sagot nya. Tinitigan ko ulit yung ulam. "Tikman mo kaya hindi yung tinititigan mo lang." I gulp. Puta, bahala na.

Nanginginig kong kinuha yung kutsara sa plato ko at nilapit sa ulam para makakuha ako ng sabaw. I scooped a little amount of soup.

"Kapag ako namatay dito, tandaan mo. Isasama kita sa impyerno." sabi ko bago tuluyang tikman yung niluto nya. Hmm?

Pwede na. Ganun pa rin naman pala ang lasa. XD

"Pwede na." tipid na sabi ko. Ayoko nga syang purihin. Baka lumaki ulo. Nagsmirk lang sya sakin na parang sinasabi na i-told-you-so.

Sya na naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Para akon prinsesa no? Pinagsisilibihan lagi ng prinsipe nya. Ganito naman lagi si Cloud. Gentleman sya. Gusto nya lagi akong pinagsisilbihan at inaalagaan. Hindi man kami katulad ng iba na sobrang sweet sa isa't-isa, alam naman namin na mayroong kami at yun ang mahalaga. Hindi rin namin madalas sabihin ang i love you sa isa't-isa. Actions speak louder than words. At yun ang ginagawa ni Cloud.

Hindi rin kami mahilig sa PDA. Mas gusto ko ang relationship na parang magbestfriend lang kami. In a different level nga lang.

We've been together for two years and three months. Pero wala pa kaming nase-celebrate na anniversary o kaya monthsary. Nasa iba't ibang bansa nga kasi ako. Pero kahit na ganun ay meron pa rin kami. Napanatili pa rin namin ang kami. Naiintindihan kasi ni Cloud ang sitwasyon. Hindi sya tulad ng ibang boyfriend na makitid ang utak.

And I'm happy because of that. Guess I'm a lucky girl to have him.
"Huy, natahimik ka yata?" sabi ni Cloud nung mapansin nyang tahimik ako.

"Wala. May iniisip lang."

"Thinking of me naked eh?" muntik ko nang maibuga yung kinakain ko sa mukha nya. Langya!

"Kadiri ka! Hindi ako ganon!" pakiramdam ko ay uminit yung mukha ko sa sinabi ni Cloud. Napaka naman kasi!

"Eh bakit namumula ka?" tanong nya. Inirapan ko sya.

"Am not!" parang bata na sagot ko. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain sa harap ko. Kainis to! Ang sarap sarap ng kain ko tapos bigla sya babanat ng ganon. Feeling ko tuloy biglang uminit sa loob ng kusina.

"I'm sorry."

Napaangat kagad ako ng tingin kay Cloud. Sorry? Bakit sya nagsosorry?

"For what?" tanong ko.

"Yung kanina. Hindi kita nabantayan ng maayos. Napahamak ka tuloy. I wasn't there to protect you and look what happened to you." nakayukong sabi nya.

"But you came. You came to save me right? Kung hindi kayo dumating panigurado may masama ng nangyari sakin. These bruises on my face is nothing. It can heal." sabi ko.

"I know. But I can't help but to feel hatred towards myself for what happened to you." malungkot na sabi nya. Binaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at hinawakan ang kamy nya.

"Pabo ya. Hindi mo kasalanan okay? Wag mong sisihin ang sarili mo. Hmm?" [Stupid.] I smiled at him to assure him that everything's fine. Nginitian nya lang din ako at tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain.

**

Kinabukasan..

Buti nalang at walang pasok ngayon. Susko! Ayokong pumasok ng ganito ang mukha ko. Siguro naman sa monday ay medyo wala na ang mga sugat at pasa ko diba?

"Babeeee!"

"Leche! Magkalapit lang tayo Cloud!" sigaw ko sa kanya. Opo, nandito ulit sya. Bago kasi sya umuwi sa kanila kagabi sinabi nya sakin na babawi daw sya sakin. Magaadventure daw kami at mukhang ngayon yon. Ano naman kayang adventure ang sinasabi ng hindot na to?

"Ready ka na?" excited na tanong nya sakin. Tinitigan ko sya ng masama.

"Itsura kong to mukha na ba akong ready?" tinuro ko sa kanya ang itusra ko. Kakatapos ko lang maligo at nakasuot lang ako ng white bathrobe ko. May twalya pang nakapulupot sa buhok ko. So, tell me. Do I freaking look like I'm ready?

"No. I think you look better when you take them off." he said while a pervert grin is plastered on his face. I deadpan.

"That's it. Out!"

"I was just joking—aw!" kinuha ko yung hanger sa gilid nung closet ko at pinalo palo sya.

"Out! Out! Out!" sabi ko habang pinapalo sya.

"Okay! Okay! Ouch! No need to hit me! Aw!" tinulak ko na sya palabas ng kwarto ko at nilock to. Mahirap na. Baka mamaya pasukin pa ako ng pesteng yon.

Mabilis lang akong nagbihis ng damit ko. Simpleng red checkered long sleeves at fitted jeans lang ang suot ko. I'm not a fan of girly dresses. I prefer jeans and tshirt. Mas komportable ako don.

Nagapply lang ako ng very, very light make up at naglip tint. There, simple as that. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumirecho sa sala. I saw Cloud impatiently waiting for me.

"Ready?" naiinip na tanong nya. I rolled my eyes on him. Bakit ba kasi sya nagmamadali?

Nilock ko muna yung bahay. Wala kasi si Manang. Namalengke pa sya. May spare keys naman sya nitong bahay kaya okay lang na ilock ko.

"Here, wear this." inabot ko yung helmet na binigay nya sakin at sinuot ito. Nakita kong nagsuot din sya ng helmet nya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pagkasakay ko sa motor nya.

"Just somewhere."

"Saan nga?!"

"Basta!"

"Siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy talaga ako ha!"

"Oh yes, I assure you that you'll scream for too much enjoyment."

Crap. Bakit parang iba ang dating sakin nun?

Tbc.

I don't know if I was just being paranoid or what but why do I feel that someone's talking behind my back. Like someone's saying shits and crap about me. How about you guys? Do you feel it sometimes?

Anyway, update muna bago pumasok. Hohoho! Ingat sa mga papasok ng madugong 7am katulad ko. XD


MPGR II: My Pervert BoyfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang