MPB 39 (07.06.15)

5.6K 164 12
                                    

Xandra's POV

Marahas kong pinunasan ang mga pesteng luha na tumutulo sa aking mga mata habang pababa ako sa hagdanan. Medyo madilim na sa gawing ito at dahil na rin sa sobrang pagmamadali kong bumaba ay natalisod pa ako sa huling baitang ng hagdanan. Great, just effin great! Napakamalas ko naman ngayong gabi!

"Bwisit! Bwisit! Bwisit! Punyeta naman talaga! Bakit ba nakikiepal ka pang sugat ka ha!" para akong tanga dito na kinakausap ang nasugatan kong tuhod habang walang tigil sa pagtulo ang akin mga luha.

"Anong akala mo ha?! Na malilipat ang sakit na nararamdaman ko sayong sugat ka? Bwisit! Masyado kang pa-bebe ha!" pinunasan ko ng panyo ko yung tuhod ko na may sugat. Kahit na anong diin ang gawin kong pagpunas sa sugat ko ay wala akong maramdaman na sakit. Mas nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko.

Corny na kung corny pero peste! Wala kayong pakialam.

"That wound won't heal by just shouting on it."

Tiningnan ko yung nagsalita at agad ko rin binawi ang tingin ko nang malaman ko kung sino ito.

"Really? I thought it would." sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Can you walk?" tanong ni Kris. Oo, si Kris. Wag na kayong magulat. Alangan namang si Cloud? Eh ginagago lang pala ako ng walangya na yon!

"Natalisod lang ako at hindi nabaldado." sagot ko at tumayo na at nagumpisang maglakad palabas. Walang kwenta lang pala ang pinunta ko dito. Peste, tumakas pa ako sa amin. I'm sure they already know that I'm missing.

Nakakainis talaga! Gusto kong manakit ng tao ngayon! Hindi ko alam kung ano pakiramdam ang dapat kong unahin. Sakit ba? Galit? o lungkot? Naghahalo-halo na sila sa puso ko. Parang gustong sumabog nito dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko.

"Peste, hindi kita kailangan bakit ba labas ka ng labas." inis na bulong ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Ayokong umiyak lalo na sa harap ng Higante na to na hanggang ngayon ay sinusundan ako.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" inis na tanong ko sa kanya habang patuloy lang ako sa paglalakad. Hinintay ko ang magiging sagot nya pero wala. Bwisit.

Tumigil ako sa paglalakad at inis na tiningnan si Higante. Nakalagay ang dalawang kamay nya sa itim na jacket na suot nya. Huminto rin sya sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? Pwede ba umalis ka na nga at wag mo akong sundan." seryosong sabi ko sa kanya. Naiinis na nga ako dahil kay Cloud tapos makikisabay pa sya? Aba, baka sa halip na makasakit ay baka makapatay na ako ng tao.

"Don't hold it back. Just let it all out." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Higante. Seryoso syang nakatingin sakin. And the next thing happened shocked me.

"Crying can somehow ease your pain. So, cry. There's no bad at crying. I'm not gonna laugh." sabi nya habang mahigpit na nakayakap sakin.

Wala na. Yung kaninang pinipigilan kong iyak ay sunod-sunod ng lumabas. Dahil lang sa isang yakap ni Higante.

Cloud's POV

"You deserve that slap and punch." Maki.

"Not cool, man." Cliff.

"Think I wanna beat the shit out of you." Evo.

"Stupid." Jet.

"Shut up. Wala kayong alam." inis na sabi ko sa kanila sabay inom ng beer na hawak ko. Napailing lang sila sa sinabi ko at nagpatuloy sa mga sinasabi nila.

"We know everything Cloud. Everything about your shitty life." sabi ni Maki. Inubos na nya yung beer nya pagtapos ay tumayo at nagpunta sa isang sulok.

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now