MPB 10 (03.15.15)

9.2K 239 58
                                    

"XANDRAAA!!" Pagkapasok na pagkapasok palang naming tatlo sa Cafeteria ay may bigla kagad tumawag sakin. Napatingin kaming tatlo sa lugar nung tumawag sakin at nakita sila Evo, Jet at ang iba pa na nakapwesto sa gawing gitna ng Cafeteria.

Nagtaka naman ako ng mapansing halos lahat ng mga nakapaligid na lamesa sa kanila ay ino-occupy ng mga babae. Mga babaeng halatang nagpapapansin sa ele-diots. Some of them are even taking their photos. Oh God, they're insane! At halata namang enjoy na enjoy pa ang mga loko. Hindi ako sanay na ganito kasikat ang mga lalaking to. Parang ang awkward tuloy na lapitan sila.

Lalo pa at napakadami nilang fangirls. Ito ngang dalawa lang ang kasama ko ay halos matunaw na ako sa masasamang tingin ng mga babaeng may gusto sa kanila. Pano pa kaya kung ang buong ele-diots ang kasama ko? Baka mamaya magkaroon massacre dito. Okaya naman padalhan nila ako ng death threats.


"Tara dito na kayo!" Sigaw ni Evo na ikinaani ko naman ng mga masasamang tingin. At tsaka teka nga, makasigaw tong si Evo e akala mo nasa isang park lang kami at malaya syang sumigaw.



"Tara baby nagugutom na ako." mabilis na napabaling ang tingin ko kay Cliff. Sa sobrang bilis na akala ko ay mababali na yung leeg ko.


"Baby?!" Bulong na sigaw ko. Hirap no? Bulong pero pasigaw.


"Oo. Mahina ba sabi ko? Gusto mo lakasan ko?" Pangiinis ni Cliff. Peste to! Pinagtitripan na naman ako.


"Tigilan mo nga ako Cliff." Yun na lang ang sinabi ko at naglakad na palapit sa pwesto ng ele-diots. Lahat ng mga babae ay sinusundan ako ng tingin. Parang bigla ko tuloy gustong belatan sila at sabihing 'manigas kayo sa inggit!'



"Magkaklase kayong tatlo?" Tanong ni Jet pagkaupo ko sa tabi nya.


"Sa kasamaang palad, oo." Sagot ko. Naupo naman sa tabi ko si Cliff. Yung totoo? Masyadong kinareer ni Cliff ang pagpapanggap nya ha. Mukhang masyado syang nageenjoy.



"Tara order na tayo." Aya naman ni Dustin. Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Cliff.



"Ako nalang mag-o-order sayo. Maupo ka na lang. Ayokong napapagod ka." Talaga naman! Ang kulit ha!



"Cliff ipapaalala ko lang na -"



"-mahal mo ako? Ang sweet mo naman baby!" Pinisil ni Cliff yung pisngi ko sabay pasimpleng bulong ng, "You're amnesia boyfriend is only two tables away from us." Nakangiti si Cliff habang sinasabi nya yun. My head snapped towards Cloud's direction. And hell yeah, he's really here. Sitting two tables away from us while reading a book. Magugunaw na yata ang mundo.



"HAHAHA!! Ang galing mo naman nalaman mo kagad yung sasabihin ko! Osige na! Ibili mo na ako ng pagkain!" Nilakasan ko talaga yung pagsabi ko para marinig ni Cloud. Pero sa halip na ang reaksyon nya ang makuha ko ay reaksyon ng sandamakmak na babaeng patay na patay kay Cliff. Tinitingnan nila ako ng masama habang bumubulong. Ewan ko kung ano yung binubulong nila. Baka mamaya nagcha-chant na pala sila sakin ng sumpa. Ay ewan, bahala sila. Umalis na si Cliff at pumila para umorder pagkain namin. Halos lahat ng mga studyante ay break time din ngayon kaya maraming tao sa Cafeteria ngayon.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon