MPB 07 (02.19.15)

9.1K 238 6
                                    

7

Papunta ako ngayon sa classroom ko. At dahil nga hindi ko pa kabisado ang daan ay nagpahatid muna ako kay Kambal at Higante. Lahat ng hallway na madadaanan namin ay punong-puno ng mga tao. Kanya-kanyang sigawan sila ng mga pangalan ni Kambal at Higante.

"Wow. I didn't know I have a very popular brother." Komento ko. Nag-shrug lang si Kambal at sinabing,

"Wala e. Mahirap na talaga kapag gwapo." Napailing nalang ako sa sinabi nya at tumingin naman kay Higante.

"Well, I'm not shock to know that you're popular Xander. What shocked me was 'The Giant Kris' is also popular. Probably, much popular than you."

"Nah. Mga late lang yung fangirls ko kaya kaunti palang sila kanina. Kris' fangirls are an early birds." sabi ni Kambal. Nialagay ni Kambal yung kanang braso nya sa balikat ko at bahagya akong nilapit sa kanya. Medyo dumadami na kasi ang mga studyante sa bawat palapag na dinadaanan namin. Malapit na rin kasing mag-bell at nagmamadali na ang ibang matitino at 'huwarang' mga studyante sa pagpasok sa kanilang room. Samantalang ang ibang studyante naman ay walang pakialam at patuloy pa rin ang pagkabaliw sa dalawang lalaking kasama ko.

"Saan ba yung room ko? Malapit ng mag-OUCH!" Malakas na pwersa ang tumama sa kanang balikat ko. Kung hindi lang nakaakabay sakin si Kambal ay baka natumba na ako sa sobrang lakas.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kambal. Hinilot ko yung kanang braso ko at pinakiramdaman kung masakit.

"Okay lang ako." Napatingin ako sa babaeng nakasalampak sa sahig ngayon at abala sa pagpulot ng mga nagkalat nyang gamit. Nung matapos nyang pulutin yung mga gamit nya ay agad syang tumayo at mabilis na nag-bow sakin ng tatlong beses habang nagsosorry. Pakiramdam ko ay ako ang nahilo sa ginawa nyang pag-bow na iyon.

"Okay lang. Okay lang ako wag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya. Hingal na hingal sya at magulo na rin ang naka-one sided na braid nya. Bahagya nyang inayos ang malaki at bilog nyang salamin.

"Sorry talaga. Male-late na kasi talaga ako e kaya nagmamadali ako." Paliwanag nya at napangiti ako ng makita ko ang braces nya na neon orange ang kulay. Magsasalita sana ako kaya lang ay umepal si Kambal.

"Naka-salamin ka na nga malabo pa rin ang mata mo." Tiningnan ko ng masama si Kambal.

"Wag mo nga syang awayin." Suway ko sa kanya. May sasabihin pa sana si Kambal ng biglang magring ng sobrang lakas. Hudyat na kailangan ay nasa loon na kaming lahat ng room.

"Oh shit! The final bell! Gotta go! Nice meeting you Xandra." Mabilis na sabi nya at tsaka nilapitan si Kris at tinapik sa balikat,"Bye Kuya!" Sabi nya at mabilis na tumakbo palayo.

Kung pwede lang sigurong malaglag ang panga ko ay baka nalaglag na. What the hell?

"Utol mo yon?" Gulat na tanong ko. Tumango lang sya at tsaka ko inirapan. Bwisit!

"Grabe! Kayo ang living antonym! Sobrang opposite nyo." Hindi makapaniwala na sabi ko.

"Sinabi mo pa Kambal. Kung anong ikinagandang lalaki nitong si pareng Kris ay sya namang ikinapangit ng kapatid nya." Tiningnan ko ng masama si Kambal.

"Ikaw yata ang bulag Kambal! Kita mong ang ganda nung kapatid nya. Lalo na siguro kung aalisin nya yung salamin nya at yung neon nyang braces ay mas lalo syang gaganda."

"Ewan. Pumasok ka na nga sa room mo." Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng room ko,"Wag kang gagawa ng katangahan tandaan mo dawit ang pangalan ko kapag nachismis ka."

"Ewan ko sayo! Umalis na nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila. Binelatan lang ako ni Kambal at naglakad na palayo. Inirapan ko lang sya at napatingin naman kay Giant Kris na hindi gumagalaw at nakatingin lang sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Problema mo? Tsupi na." Sabi ko at tinaboy. Napailing na lang sya at tsaka ako nginitian. Yung ngiti na hindi nakakainis. Yung ngiti na...ewan. Hindi ko alam. May sayad talaga sya sa utak.

-

Nakapasok na ako sa room ko at kasalukuyang nakatayo sa gitna at tinatanong ng kung ano-ano. Feeling ko ay nasa press conference at ang mga kaklase ko ang reporters.

"Kambal mo ba talaga si Xander Babes?" I almost roll my eyes on her question. Duh! Obvious ba? Kung pwede ko lang sana sabihing,'Hindi! Hindi! Actually, Nanay nya talaga ako.' Kakairita sila! Mga tanga lang?

"Ah, yes. He's my twin brother." At dahil nga feeling ko ay artista ako at nasa presscon ako syempre dapat yung mga sagot ko ay pang-artista din.

"Bakit kayo naging kambal?" Another stupid question that makes me want to throw the teacher's table on the girl in front of me.

'Ay sorry hindi ko alam e! Try nyong itanong yung mga magulang namin okaya yung sperm cell ng tatay ko! Peste!' Kating-kati na ako na isagot sa kanya yan.

"I can't answer that, sorry."

Pagtapos ng ilan pang nakakabaliw na tanong nila ay pinaupo na rin ako sa wakas. Ang daming may gustong umupo ako sa tabi nila. Halos lahat ng hilera ng mga upuan ay inaya nila akong umupo sa kanila. But I refused them all. Instead, I walked on the very far corner of the room where four seats are empty.

Naupo na ako sa isa sa mga upuan at tahimik na nakinig sa introduction ng prof. Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at kampanteng naglakad papasok sila Maki at Cliff. Kung wala lang sigurong mga prof ay baka nagsigawan na ang mga kaklase kong babae. Sobrang pigil na pigil sila sa pagtila. Nakita ko pa yung iba na hinahampas o kaya naman ay kinakagat ang mga katabi nila dahil sa sobrang kilig.

Oh boy, hindi ko naisip na pwede pala tong mangyari. Naalala ko na pati nga pala sila ay 'magnet ng babae'. Agad nilibot ni Cliff ang kanyang mga mata at huminto ito sa akin.

"Found her! Hi Xandra!" Tuwang-tuwa na sabi ni Cliff at literal na tumakbo sya papunta sa pwesto ko at masayang naupo sa kaliwang upuan sa tabi ko. Sumunod naman si Maki at naupo sa tabi ni Cliff.

"Cliff? Maki? Bakit hindi nyo sinabi na classmate ko pala kayo?" Tanong ko. Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase namin sa aming tatlo. Some of them are death glare, some are curious stare.

"Ahm, surprise? Haha!" Kinurot pa ni Cliff yung kaliwang pisngi ko, "Ang cuuuuuute mo talaga Xandra! Para kang siopao na naging tao! Haha." Tinabig ko ang pagkakakurot ni Cliff sa pisngi ko. Which earned me a lot of scowls and glare from his fangirls.

"Ahem! Class pay attention. Especially at the back." Sabi ni prof. Tumahimik na kami at nakinig nalang ulit sa prof. But then again, another knock interrupt our prof. The door slowly open and a guy with a not-so-curly hair and wearing an eyeglasses came into view. My heart started to pound hard that I can almost feel it on my throat.

"Good morning sir. Sorry I'm late.."

Tbc
-

Update muna bago matulog. Hahaha! Goodnight! Sana ay napangiti kayo bago matulog. XD

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon