MPB 17 (04.19.15)

7.8K 204 16
                                    

Ate Lulu's Important Note: Wag po sana kayong magexpect ng magandang plot or flow ng story baka kasi mamaya madisappoint lang kayo. Lol, hahaha. Wala kasing matinong plot to. Thank you!

Ps. Diba ang sabi ko susubukan kong magkaPOV silang lahat pero putik pala! Ang hirap! Haha. Bahala na! ╥﹏╥



Cliff's POV

Mabagal akong naglalakad papuntang room namin. Nyeta naman kasi! Napaaga ang pasok ko. Kung hindi lang kasi ako binibwisit ng ate kong takas sa mental baka hanggang ngayon ay nasa bahay pa ako at natutulog.

Flashback..

*SPLASH*

"WHAT THE FUCK!!" mabilis akong napatayo sa pagkakahiga ko sa kama ko ng biglang may sobrang lamig na tubig ang binuhos sa mukha ko. Tiningnan ko si Ate Hera na nakatayo sa gilid ng kama ko habang may hawak hawak malaking mineral bottle—na ngayon ay ubos na dahil binuhos nya sakin.

"Ano bang problema mo Ate?!" sigaw ko sa kanya. Peste! Ang sarap sarap kasi ng tulog ko tapos bubuhusan nya ako ng tubig.



"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Letse ka! Kinain mo yung cake ko sa ref!" mangiyak ngiyak na sigaw nya sakin. Putspa naman! Para yon lang binuhusan nya ang gwapo kong mukha ng tubig?!


"Papalitan ko nalang mamaya paguwi ko! Puta wag ka na ngang umiyak dyan!" humihikbi na kasi sya tapos nanginginig na rin yung mga labi nya. Sign na iiyak talaga sya at walang makakapigil sa kanya. Putik! Napakalakas pa naman nitong umiyak!



"Waaaaaa! Gago ka talaga Kulot! Tama nga talaga yung nasa kanta na basta kulot salot! Humanda ka sakin! Huhuu. Waaaa!" tumakbo palabas si ate sa kwarto ko at nagpunta sa kwarto nya.

Patay parang alam ko na ang mangyayari  kaya mabilis kagad akong tumayo sa kama ko at kinuha ang susi ng motor at cellphone sa bedside table ko. Tumakbo na kagad ako palabas ng bahay namin kahit na nakaboxers lang ako at puting sando—which is basa pa dahil nga sa ginawa nung halimaw kong ate.



Nasa garahe na ako at mabilis na ini-start yung motor ko nung marinig ko ang malakas na pagbukas nung pinto namin at pagsara nito. Pinaandar ko na kagad ito palabas ng gate namin nung makita ko si ate sa tapat nung pinto namin at may hawak na shotgun at kasalukuyan nakatutok sakin.

"Peste kang salot ka! Bumalik ka dito Kulooooot!"

Bang! Bang!

End of Flashback..

Kinikilabutan ako kapag naaalala ko yung kanina. Muntik na akong tamaan kanina buti nalang mabilis kagad akong nakaalis. Bakit ba sya pa naging ate ko. Napakamalas ko naman talaga. Parehas kami ng kapalaran ni Leo. Parehas kaming may ateng halimaw. Ako si Ate Hera sya naman si Ate Candice. Isa pa pala tong si Xandra baby. Mga pinaglihi yata sa amazona ang tatlong yon.



Inayos ko yung uniform ko pagkababa ko ng motor ko. Sa hide out kagad ako dumiretso kanina. Buti nalang may mga damit ako dun kundi nakaboxers akong papasok. Mahirap na baka pagkaguluhan pa ako ng mga babae dito.


Mabagal akong naglakad papuntang room namin. Akalain nyo yun. First time to mga tsong! Wala pa masyadong katao-tao. Matutulog na nga lang muna ako sa room namin pagkarating ko.


"Kulot!!"

Ignore.

"Kulot!!"

Ignore.

"Araay!! Bakit ka ba nambabatok?!" sigaw ko kay Xandra baby. Nakasimangot ang siopao nyang mukha at nakatingin ng masama sakin.




"Kanina pa kasi kita tinatawag tapos ayaw mong tumingin!" sigaw nya rin sakin.




"Hindi naman kasi kulot ang pangalan ko kaya bakit ako titingin?" Ewan ko ba sa mga taong to bakit ang tindi ng galit sa buhok ko. Hindi naman kulot ang buhok ko medyo curly lang naman. Tsaka  bumagay nga sa gwapo kong mukha yung buhok ko.




"Bakit ba yun ang gusto kong tawag sayo e."




"Kinilig naman ako dun. Talagang gusto mo ikaw lang ang naiiba ang tawag sakin." tinaas baba ko pa ang kikay ko para lalong mainis si Xandra. Ang hindi nga ako nagkamali, mabilis syang nainis at pinalo ako ng malakas sa braso at nauna ng naglakad papasok sa loon ng room namin. Puta! Sakit nun ha! Lalaki ba sya dati at ganun kalakas ang braso nya?

"Class dismissed."

"Yon! Wooo! Makakakain na rin." naginat inat pa ako bago tumayo at kuhanin yung bag ko. Nakakapagod talaga matulog sa loob ng klase. Lalo na kung ang tigas ng upuan mo.


"Girla! Sabay tayo kumain no?" tiningnan ko si Cloud na nakalingkis ang braso kay Xandra. Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung anong trip ni Cloud at naisipan pa nyang magpanggap na bakla kay Xandra. Oo nagpapanggap lang sya. Ang galing nga nyang umarte ng pangbakla e. Kuhang kuha nya.


"Hindi ka ba makakakain ng walang kasabay ha?" inis na tanong ni Xandra baby habang inaayos yung mga gamit nya.



"Iiihh! Sige na girla. Gusto kong makasabay si Papa Xander!" kung pwede lang siguro akong tumawa at kanina pa ako nagpagulong gulong dito. Puta! Bagay talaga kay Cloud! Hahahaha!




"Inggit." mabilis kong tiningnan ng masama si Maki sa tabi ko na kanina pa rin nakatingin kay Xandra.



"Tss. Past is past dude. Baka ikaw dyan ang inggit." nagkibit balikat lang din si Maki at nagumpisa ng maglakad palabas.




"Nah. Past is past." sinabayan ko sya sa paglalakad at malakas na tinapik yung likod nya.



"Sows! Gaya gaya. Hahaha. Gusto mo tayo nalang? Bromance dude!" sabi ko. Nag-tsk lang sya sakin at nauna ng lumabas. Kita mo yun, kahit kailan talaga hindi mo makakausap ng pangmatagalan.



Tiningnan ko si Cloud na kanina pa kinukulit si Xandra.




"Oy baby Xandra tara sabay na tayong pumunta ng Cafeteria!" tumakbo naman palapit sakin si Xandra.



"Tara na kulot." sabi nya at nauna ng maglakad. Tiningnan ko ng mapang-asar si Cloud. Hahaha.



"Ayan kasi nagpapangap ka pang bakla." mahinang sabi ko. Tutal kaming dalawa lang naman na dito sa room.





"Pakyu dude." sabi nya lang.



"Hahaha. I love you too Papa Cloud! Rawr!" ginaya konyung tono ng boses nya kapag nagpapangap sya na bakla. Haha. Alam kong naiinis na sya sakin kaya iniwan ko na sya at hinabol ang papalayong si Xandra.


"Bakit ang tagal mo?" tanong nya nung makalapit na ako sa kanya.



"Aww, namiss kagad ako ni baby Xandra." sabi ko at inakbayan sya. Siniko naman nya ng malakas ang ang tyan ko. Putik! Kanina pa ako nabubugbog ha! Abuso na siya!



"Ewan ko sayo kulot. Maki! Hintayin mo ako! Sayo nalang ako sasabay!" bago ko pa sya pigilan ay nakatakbo na kagad sya palapit kay Maki. Nginitian nya ito at sabay na silang pumasok sa Cafeteria. Tss. Iwan daw ba ako.


*bzzt*bzzt*

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at binasa ang message na sinend ni Cloud.

'7pm. Hideout.'

Tbc.

Makiiiiiiiiii! Hahahaha. Tayo nalang please?! (ノ*>∀

Juskooo! Nawindang ako sa MADE Teaser ng BigBang!! Lol, late reaction? Hahahahaha! Ang pogi pogi nila! Indeed they are the Kings! Tapos sabi ni Tablo next time daw may concert ang YG Family!! Jusko!! 〣( ºΔº )〣 Sana matagal pa yun para pwede pa akong magpayaman! Hahaha! Fangirling mode, pasensya na! Hahaha. ҉٩(*´︶'*)۶҉

Vote. Comment. Follow. Share.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon