MPB 24 (05.25.15)

5.8K 176 9
                                    


Xandra's POV

Help me.

Help me.

Help me.

Walangyang Xander yan! Kung makapagtext ng Help me akala nirerape ng isang daang kabayo! Bwisit sya! Ang lakas ng loob nyang itext ako kung kelan may kailangan sya. Nako! Nakakagigil! Napaka nya!

Ganito kasi nangyari:

Flashback..

Malakas na kumabog ang puso ko pagkabasa ko ng text ni Kambal. Help me? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tumayo ako sa pagkakaupo at nagpaalam na magsi-Cr lang. Hindi ko na hinintay pa na makasagot yung prof namin. Mabilis na lumabas na kaagad ako ng room at nagpunta ng Cr. Dali-dali kong dinial yung number ni Xander.

[Hel—]

"Kambal?! Anong nangyari sayo? May problema ba? Naaksidente ka ba? Nirerape ka ba?! Ano?! Sumagot ka hudas!!" tarantang sigaw ko sa kanya. Napakunot ang noo ko ng marinig ko syang tumawa ng malakas. Teka, wag nyang sabihing nirerape na sya tapos tuwang-tuwa pa sya. Gagong to!

[Napapaghalata ka Kambal. Miss mo na ako no?]

Kahit na katawagan ko lang sya ay parang naiimagine ko ang mapang-asar na ngiti sa mukha nya.

"Ano ba kasi yung text mo? Kinabahan tuloy ako dahil don."

[Wow! Hindi mo dineny na miss mo na ako?]

I rolled my eyes. Tss, as if nakikita nya ako.

"Nasaan ka ba ha? Bakit tatlong araw ka ng hindi umuuwi?"

I heard him sighed on the other line. May problema to panigurado.

[After three days baka umuwi na ako. Wag kang mag alala, ayos lang ako.] ako lang ba o parang matamlay ang boses ni Xander?

"May problema ka." I stated. Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya.

[Meron nga.] pag amin nya. Tsktsk, mukhang malala to.

"Ano yun? Wag mong sabihin na nakabuntis ka? Aba Xander! Panagutan mo yan!"

[Hoy baliw ka ba?! Hindi no! Tsk, may papagawa ako sayo. At alam kong ikaw lang ang makakagawa nito.] seryosong sabi nya. Bigla na naman akong kinabahan. Ano naman kaya yun?

"A-ano yon?"

[Disguise as me.] para akong nabingi sa sinabi nya.

"What?!! Hell no!"

[Please!! Kambal naman o!]

"Ayoko sabi! Mapapagalitan na naman tayo ni Papa nyan e. Buti sana kung ikaw lang pero hindi. Damay ako. Kaya sorry kambal pero hindi kita matutulungan."

Tanda ko pa yung sinabi sakin ni Papa bago nya ako payagang umuwi dito.

"Don't you even dare to do stupid things again young lady or else you won't be able to come back again in the Philippines."

Brr. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko yun. Nakakatakot kasi yung boses ni Papa.

[I'm with them. And they agreed.]

I smirk. Tsktsk, akala niya maniniwala ako sa kanya? Utut niya.

"I won't buy it." I sing song. Saglit akong napatingin sa wristwatch ko. Ampupu! Nakaka 10 minutes na ako dito sa Cr. Hindi naman siguro mapapansin ng prof namin yun. Hayaan na nga.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon