MPB 34 (06.21.15)

5.9K 169 11
                                    

Xandra's POV

"Yung totoo? Dito talaga?" natatangang tanong ko pagkatanggal ni Cloud ng panyo na nakapiring sa mga mata ko.

"Yup. Told you, you'll scream in too much enjoyment right?" tinaas baba pa nya yung kilay habang nakangiting nakakaloko.

I looked at him with horror plastered on my face. Pakiramdam ko ay bumaba lahat ng dugo ko pababa sa paa ko.

"N-no. A-ayoko." kinakabahang sabi ko kay Cloud. Feeling ko lahat yata ng tapang na meron ako sa katawan ay tinakbuhan ako palayo. Walangya naman kasi!!

"No, babe. All things are settled. Hindi na pwedeng magback up." seryosong sabi ni Cloud. Tinitigan ko sya at saka binatukan ng malakas.

"Aray! Pakshet naman!" angil nya habang hinihimas yung part ng ulo nya na sinapok ko.

"Leche ka! Sana nagsabi ka manlang diba kung ano yung gagawin natin! Hindi yun ganitong biglaan!"

"Edi hindi na surprise yon!"

"Wow. Nasurprise ako. Sobra. With feelings, nangiginig pa." sarcastic na sagot ko.

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nya. Medyo naguilty ako kasi ako na nga yung sinurprise nya tapos ako pa itong nagrereklamo. Kasi naman..

"Pero kasi naman Cloud yung surprise mo.. Skydiving!? Sana man lang nagtanong ka sakin kung takot ba ako sa heights diba? Uso magtanong Cloud!" Sobrang takot talaga ako sa heights. Hindi nga ako makaakyat ng puno tapos isasabak nya ako sa skydiving?! Jusko, ang sarap sakalin ni Cloud.

"Edi face your fear!" sagot naman nya.

—____—

Siraulo talaga to.

"Eh kung face to face kaya kayo nitong kamao ko?" pagbabanta ko. Sa halip na matakot ay tinawanan lang ako ni Cloud. Leche.

"Come on babe. Hinihintay na tayo ng plane." lumapit si Cloud sakin pero mabilis naman akong lumayo sa kanya.

"Wag kang lalapit sakin. Masasapak kita!"

"Hahalikan naman kita."

>/////

"I hate you!"

"I love you more."

Patuloy lang ako sa pagatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang pader sa rooftop na kinakatayuan namin. Nasa rooftop kami ng isang building. Hindi ko alam kung kanino o ano ang building na ito. Nakablindfold nga kasi ako nung dinala ako ni Cloud dito.

"Shall we?" nakangising sabi nya. Bago pa ako matakbo palayo o maitulak sya ay nabuhat na nya ako. Hindi pa bridal style. Pa-sako-ng-bigas-style.

"NOOOOOOO! PUT ME DOWNNNNN!" pinalo palo at sinuntok ko pa yung likod nya pero wala talaga. Matibay ang lolo nyo. Ayaw paawat.

Nyeta.

**

"CLOUUDDD! AYOKO TALAGAAA! WAAAAAAAH!"

"Tara na! Wag ng makulit!"

"NOOO! MISTER PILOTO PAKIBABA NA PO NITONG AIRPLANE!!"

"Hindi pwedeng ibaba. May pupuntahan pa sila!"

"AYOOKOOOO TALAGAA! PAPATAYIN KITA CLOUD VENTURA!! ISA!"

"Aray! Wag mo akong sapakin!"

"KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY, IKAW NA LANG! WAG MO AKONG IDAMAY LECHE KA!!"

"Hindi naman tayo mamamatay!!"

"PUTA, 300 FEET ANG TAAS NATIN MULA SA LUPA! AYOKOOO!"

"Tsk! May paracute naman tayo ano ba!!"

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now