MPB 21 (05.20.15)

6.4K 190 5
                                    


Xander's POV

12:00am.

Saktong alas-dose ay nandito na ako sa abandoned warehouse. Dito magaganap ang transaction. May tatlong itim na sports bag ang nasa likuran ko. All of them containing crystals. Crystals that can shorten your life span. I've been doing this kind of transaction since two years ago.

Wala talaga akong planong pasukin ang ganitong klase ng gawain pero wala akong magagawa. I need to and I have to. Tanda nyo pa nung umalis ako at nagpunta ng South Korea? Yung time na pinagpanggap ko muna si Xandra bilang ako.

I went to Korea to find Mr. Salvez. Our company is on the verge of bankruptcy that time at alam kong isa lang ang pwedeng gawing solusyon nila Mama at Papa para lang hindi magsara ang kompanya. At yun ay ipakasal si Xandra sa iba.

I don't want that to happen. I don't want my sister to marry a man she doesn't love. Kung pwede lang sana na ako na lang ang ipakasal pero hindi. Puro kasi mga lalaki ang mga anak ng may ari ng mga kompanyang pwedeng tumulong samin. Kaya sobrang imposible na ako ang makasal. Ano yun, bromance?

Ayaw ipasabi samin ng magulang namin ang problema sa kompanya dahil ayaw nila kaming mag alala. Pero hindi ko sinasadya na marinig ang paguusap nila ni Manang dati kaya naisipan ko ng gumawa ng paraan. Nagtanong ako sa mga kakilala ko at iisang tao lang ang tinuro nila. At yun ay si Mr. Salvez. Nung nalaman ko na nasa Korea sya ay ako na mismo ang nagpunta don para makausap sya.

Hindi alam nila Mama at Papa ang ginawa kong pagkausap kay Mr. Salvez. I talked to him and asked him to help us. Nung una ay ayaw nya pero nagpumilit ako. Ginawa ko ang lahat ng pwedeng gawin para lang mapapayag si Mr. Salvez at sa huli ay napilit ko sya. But, in one condition. I need to work for him.

Pumayag ako kahit na hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay nya sakin. Hindi naman kasi sumagi sa isip ko na ganitong trabaho pala ang ipapagawa nya sakin.

Nung una kong nalaman ay gusto ko kagad mag back out. Kaya lang nakapaginvest na daw si Mr. Salvez sa kompanya namin. Sobrang laking halaga ang inenvest nya kaya sa loob lang ng tatlong araw ay naging maayos na ulit ang takbo ng kompanya namin.

Hindi na ako naka angal sa trabahong ibinigay nya. Iniisip ko na baka dalawa o tatlong beses ko lang gagawin ito pero hindi. Maraming beses pala. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilan. Sobrang nakokonsensya at napapagod na ako sa ginagawa kong ito kaya nung minsan ay naisipan kong hindi sumipot sa transaction na pinapagawa ni Mr. Salvez.

Yun yung gabing nakita ako ni Cloud na bugbog sarado. Tss, that stupid asshole. Nagalit sakin si Mr. Salvez at pinabugbog ako sa mga tauhan nya. Hindi ako makalaban dahil tinali nila ako. Pinagbantaan din ako ni Mr. Salvez na ipupull out daw nya ang investment nya sa company namin kapag inulit ko pa yung ginawa ko. Natakot ako syempre. Hindi ko naisip na pwede nga pala nyang gawin yun. Kaya simula noon ay ginawa ko na lahat ng pinapagawa nya.

Pero binabagabag pa rin ako ng konsensya ko. Lalo na nung nalaman ni Cloud ang ginagawa ko. Alam ko kasi na pwede nyang sabihin kay Xandra lahat. Langya naman kasi! Sa dinami-dami ng pwedeng makakita sakin nung gabing yun e yung unggoy pa na yon. Ayan tuloy nagkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya.

Naalala ko tuloy nung nahuli sya nung tauhan ni Mr. Salvez. Siraulo kasi! Sinabi ng wag syang makialam, ayan tuloy pati sya nadamay. Nabugbog tuloy sya ng mga tauhan ni Mr. Salvez. Guato ko syang tulungan nung araw na yon pero hindi ko magawa. Pinigilan kasi ako ng mga tauhan ni Mr. Salvez dahil alam nila na kaibigan ko si Cloud. Kaya palihim ko na lang na tinawagan si Maki at sinabi kung saan at ano ang nangyayari kay Cloud. Pagtapos nung ay umalis na ako. Tinext ako ni Maki at nalaman ko na lang na nasa ospital si Cloud. Pumunta kagad ako noon pero hindi ko magawang makapasok sa loob ng ospital. Hindi ko alam. I feel like I'm the one who's responsible on what happened to Cloud.

Kaya naiinis ako sa kanila nung sinabi nila kay Xandra na naaksidente lang si Cloud kaya hindi nito nagawang makausap sya sa loob ng isang buwan. Hinanda ko na ang sarili ko na sasabihin nila kay Xandra ang totoong nangyari pero hindi. Pinagtakpan nila ako. They lied to Xandra. Making shit stories about this and that. And I'm surprised that Xandra believed that. That kind of stupid lies. I don't know if Xandra is just a plain dumb or something or the idiots are really good at lying.

"Nandito na sila.." sabi nung lalaking katabi ko. May kasama akong limang lalaki sa tuwing may ipapagawa na transaction si Mr. Salvez. I guess for protection if anything screw up. Not for me but for his money.

A heavy tinted black car stopped in front of me. May naunang lumabas na apat na lalaki tsaka naman huling lumabas si Mr. Choi. A Korean drug dealer too.

"Nice to meet you Mr. Choi." nakangising bati ko. Tinanguan nya lang ako at sinenyasan ang tauhan nya na kunin ang mga bag sa likod ko. Pero agad naman silang hinarangan ng nga tauhan ni Mr. Salvez.

"Not so fast Mr. Choi. Why don't you show me your money?" kalmadong tanong ko.

"Let's be fair. I'll show you the money and you'll show me the crystals. Deal?" Mr. Choi said. A smirk plastered on his face. Tumango nalang ako at inutusan ang tauhan ni Mr. Salvez na buksan ang bag sa likod ko. Ganun din naman ang ginawa ni Mr. Choi.

May nilapag silang tatlong itim na maleta at isa isa itong binuksan. Napangiti ako ng makita kong punong-puno ito ng pera. A dollar to be exact. Sigurado ako na magiging malaki ang halaga nito kapag ipinalit ito ni Mr. Salvez sa Philippine peso.

Sabay naming pinagpalit ang mga bag na dala namin. Pina double check ko pa sa kanila ang lamang pera dahil baka mamaya ay niloloko pala kami nito. Nung masiguro kong tunay na pera ang binigag nya samin ay nakipagkamay ako sa kanya pagtapos ay umalis na sila.

Ganito lang naman kadali ang ginagawa ko. Pero ang isang paa ko ay laging nasa hukay. Hindi ko kasi alam kung kelan ako balak gagohin ng mga taong ka-transaction ko.

"Let's go." aya ko sa kanila at nauna ng sumakay sa van. Nilagay nila ang mga maleta sa loob ng van at isa isa na silang pumasok. Nakaupo ako sa passenger seat at ang isa naman ay sa driver seat. Yung apat naman ay nakaupo malapit sa maleta.

**

Pagdating namin sa headquarters ni Mr. Salvez ay agad kaming sinalubong ng iba pa nyang mga tauhan. Bumaba na ako sa van at pinabayaan na sila na lang ang magbitbit ng mga maleta. I went straight to Mr. Salvez' office. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan kagad ang pinto.

"All done. Aalis na ako." sabi ko sa kanya. Pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Salvez yung mga tauhan nyang may bitbit ng maleta.

"Good job, kid." nakangiting sabi ni Mr. Salvez at dumirecho kagad sa mga pera nya. Hindi ko na sya pinansin at hinayaang magpakasaya sa pera nya.

Palabas na sana ako ng opisina ni Mr. Salvez ng biglang makaramdam kami ng malakas na pagyanig sa paligid at tunog ng mga gumuguhong pader.

"*cough*cough*"

"Do we really need to enter like this?"

"Heck, there's a big freaking door!"

"Puta, nakakain pa yata ako ng alikabok!"

"Hahaha! Sabihin mo lang dude kung nagugutom ka. Eto pa bato o!"

"Pakyu!"

"Hey, Xander dude!"

"Yo!"

"Sup?"

Wtf?

MPGR II: My Pervert BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu