MPB 40 part 2 (07.13.15)

6.9K 206 50
                                    

Continuation..

"It's a shame to say this but we're very sorry because there's no engagement that will going to happen tonight."

Sunod-sunod na pangsinhap ang narinig ko sa paligid. Maski ako ay napasinghap sa inanunsyo ni Higante. What the hell is he talking about?!

"This girl beside me loves someone else.."

Naiiyak na ako dito sa stage. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya! Bakit ba ito ginagawa ni Kris? Alam kong dapat maging masaya ako dahil tinitigil nya ang engagement na mangyayari pero paano kami? Paano sila mama at papa? Paano ang kompanya namin?

"What the fuck are you doing man?!" inis na sabi ni Xander pagkaakyat nya ng stage. Mabilis nya akong tinakluban sa ulo gamit ang suit nya. Sunod-sunod na flash na kasi ng mga camera ang mga nakikita ko. Paanong may nakapasok na mga reporters dito?

Nagkakagulo na ang paligid pero ayaw pa rin tumigil ni Kris sa ginagawa nya.

"I bet you'll thank me later." confident na sagot nya at tumingin sa mga reporter na nasa harapan namin, "Lads, let's all welcome the real fiance of Xandra Villegas. He's coming so better ready your cameras to take a good shot."

Pagkasabi nya noon ay nakarinig kami ng tunog ng nga motor mula sa malayo hanggang sa palakas ito ng palakas. Para akong nabuhayan ng loob ng makita ko kung sino ang mga sakay ng mga motor.

Kung titingnan ay mukha silang mga basagulero na manggugulo at mangbabasag ng mga mukha. Idagdag pa na sumisigaw sila habang mabilis na pinapaandar ang motor nila.

Idiots will always be idiots forever.

"Out of the way!!"

"Move people!"

"SCRAM!"

Huminto sila sa tapat ng stage kung saan nakatayo kami. Muntik pa nga nilang mabunggo yung mga reporters dahil sa ginawa nila. Kamuntik pa akong matawa nung bumangga si Jet sa isang lamesa pagkapreno nya. Mabuti nalang at walang mga taong nakapwesto doon.

"Ventura?! Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Papa.

"Sorry Mr. Villegas for our very inappropriate entrance but I'd like to tell you something—"

Naputol ang sasabihin ni Cloud ng biglang magsalita si Kris gamit ang microphone, "Mind if you use this?" sabi ni Kris at hinagis kay Cloud yung mic. Buti nalang at wireless yung mic kaya pwedeng ihagis nalang basta basta.

"I'm getting more and more debts to pay.." sabi ni Cloud pagkasalo nya nung mic. Nagsalute lang si Kris kay Cloud.

"Good evening everyone, I'm standing here in front of you to tell you something, not just an ordinary college student named Cloud Ventura but as Cloud Xavier Ventura.."

"..The future heir of The Venture's Company and this girl on the stage is my girlfriend and I want to marry her." sabay turo sakin ni Cloud.

Panibagong malalakas na singhap na naman ang narinig ko sa mga tao. Mas lalong dumami rin ang mga reporters sa paligid at mas naging marami rin ang nagfa-flash na mga camera sa paligid.

Samantalang ako, ito, nakatanga at hindi makagalaw. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Future heir ng The Venture's Company?!

You got to be kidding me?!

"Ano bang kalokohan ang sinasabi mo Cloud?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I'm not kidding babe. I'm your boyfriend and I want to be your fiance then future husband."

Ayaw ma-digest ng utak ko ang mga sinasabi ni Cloud. Parang ayaw ko pa maniwala. Hell, nananaginip ba ako?!

"Akala ko ba.."

MPGR II: My Pervert BoyfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin