MPB 32 (06.14.15)

6.2K 157 11
                                    

Xandra's POV

"Nice move there Hunter, or should I say, the three seconds Devil."

Three seconds Devil? Si Ate Hunter? Anong kagagahan ba ang sinasabi nitong si Trixie?

Tiningnan ko si Ate Hunter at direcho lang ang tingin nya sakin. Ipinagpatuloy nya lang ang paglapit sa pwesto namin. Nung nasa tapat na namin sya ay tinitigan nya ng masama yung dalawang babae na may hawak sakin.

Para naman silang napaso sa tingin ni Ate Hunter at agad na binitawan ako sa sobrang takot. Lumapit naman agad sa pwesto ko si Cloud at inalalayan akong makatayo.

Nagumpisa nang maglakad si Ate Hunter palapit sa van kaya sinundan nalang namin sya.

So that's it? Pwede na kaming umalis? Hindi ba kami pipigilan ni Trixie?

"You can't leave." biglang sabi ni Trixie. "You're surrounded." pagkasabi nya nun ay biglang may lumabas na maraming lalaki. Sobrang dami nila at talaga namang napapaligiran nga kami. Shit. Wala kaming takas dito.

Ang iba ay may hawak na baseball bat yung iba naman ay tubo. Seriously? Kailangan pa ba talaga nyan? Hello? Tatlo lang kami.

"Where's your friends Cloud? I remember I told you to bring them, right?" nakangiting sabi ni Trixie. Tiningnan ko ulit yung mga nakapaligid samin. Sa palagay ko ay nasa more or less thirty na lalaki ang nandito. Saan nya nakuha ang mga lalaking to?

Hindi sumagot si Cloud at naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nakatingin sya ng masama kay Trixie. Yung tingin na parang gusto nyang saktan ito.

"Oh well, okay lang. May ibang araw pa naman para sa mga iyon. For now, kayo muna ang dapat asikasuhin ko." naglakad sya palapit sa pwesto namin hanggang sa sampong hakbang nalang ang pagitan sa amin.

"Where is my father? Saan nyo sya dinala?" naging seryoso ang mukha ni Trixie. Father? Ito ba yung pinaguusapan nila ni Cloud sa bakanteng room?

"Do you really want to do this?" biglang tanong ni Ate Hunter. "Do you really want to fight me? You know you can't stand a chance to defeat me."

"I know that's why I bring them. Malaki ang perang nakapatong sa ulo mo Hunter at sa oras na mahuli kita ay mapapasaakin ang pera na yon. Oh wait, I can also held you as a hostage. Ikaw, kapalit ng tatay ko."

"That won't happen." sagot ni Ate Hunter.

"At bakit?" for a moment parang nakakita ako ng kaba sa mata ni Trixie.

"Your father is already dead." walang emosyon na sagot ni Ate Hunter. Dead? Yung tatay ni Trixie? Bakit?

"You and your fucking organization!!" galit na galit na sigaw ni Trixie. May tumulong luha na rin sa mga mata nya. Sinugod nya si Ate Hunter pero naunahan sya nito. Hinawakan ni Ate Hunter ang braso ni Trixie at pinilipit sa likod nito. 

"Aaaahh!" daing nito. Binitawan rin naman kagad ni Ate Hunter si Trixie at itinulak ito ng malakas dahilan para matumba ito sa sahig. "You can't escape. I told you, you're surrounded." Trixie said while clutching her bruised arm as a tears fell on her eyes.

Bakit ganun? Bakit bigla akong nakaramdam ng awa kay Trixie?

"I think it's the other way around." casual na sabi ni Ate Hunter. May nilabas na tatlong mask si Ate Hunter at binigay nya sa amin ni Cloud ang dalawa nito.

"Wear it." nagtataka man kami ay sinunod pa rin naman si Ate Hunter. Sinuot namin yung mask at pagtingin namin kay Ate Hunter ay may suot na rin sya.

"What the hell are you doing?" nakakunot noo na tanong ni Trixie.

Hindi sya sinagot ni Ate Hunter na direchong nakatingin sa mga bintana. Ano ba ang—What the!

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now