MPB 28 (06.03.15)

5.9K 170 9
                                    

Xandra's POV

"Baby ano ang pinagusapan nyo nung bakulaw na yon?" tanong ni Cliff habang kumakain ng hotdog na niluto ni Cloud. Nalaman ko na magkasama pala talaga sila Cloud at Cliff na nagpunta dito sa bahay. Hindi ko lang talaga nakita si Cloud dahil abala pala sya sa pagluluto sa kusina.

Originally, dapat si Cloud lang ang pupunta dito kaya lang nasalubong daw nya si Cliff na papunta sa bahay nila, makikikain daw sa kanila, kaya sinama nya na lang daw dito si Cliff. Patay gutom na pulubi na to!

"Wala ka na dun." masungit na sagot ko. Ano ba yan, feeling ko nahahawa na ako sa kasungitan ni Higante. Tinampal ko yun kamay ni Cliff nung makita kong kukuha ulit sya ng hotdog.

"Aray! Damot mo ha!" parang bata na sabi ni Cliff sakin. I sticked my tongue out at him.

"Ang takaw mo," sabi ko. "Kita mong hindi pa nga tayo naguumpisang kumain mauubos mo na kagad yung hotdog."

"Ang dami pa namang nakahain. May ham, bacon tsaka sandwich pa dyan. Ang sabihin mo madamot ka lang talaga baby." mapang-asar na sabi nya.

"Wag mo nga akong ma-baby-baby. Ang bahong pakinggan." niiritang sabi ko. Kainis naman kasi. Napakatagal ni Cloud para kinuha lang yung mga tubig akala mo naman sa Antarctic Ocean sya kumuha.

"Clouddd! Bilisan mo nga! Baka hindi ako makapagpigil mapasak ko sa bibig ni Cliff tong plato at lamesa!" inis na sabi ko. Dumating na rin si Cloud na may dalawang mug na dala. Pagkaabot nya sakin nung isang mug ay agad kong sinilip yung loob nito.

Ahh, kaya naman pala natagalan sya. Ginawa pa nya yung specialty nyang Milo na maraming marshmallows.

Napangiti ako nung maalala ko yung unang gawa sakin ni Cloud nito. Sobrang epic pero masarap naman. Lasang milo! hahaha! Malamang!

"Thank you, babe." nakangiting sabi ko kay Cloud.

"Anything for you babe." nakangiti nya rin na sabi at naupo sa tabi ko.

"Er, dude nakalimutan mo yata yung akin?" sabi ni Cliff.

"Ah oo nga pala," para namang bata na napangiti si Cliff. "Nakalimutan ko. Kuha ka nalang ng tubig sa ref dude."

"Hahahahahaha!" napahagalpak naman ako sa tawa nung makita ko ang kaninang mukha ni Cliff na masaya ay napalitan ng panlulumo.

Wala nang nagawa si Cliff at madabog na kumuha ng tubig sa ref. Kinindatan ko si Cloud at parehas kaming natawa. Kumain na lang kami ng tahimik. Hindi na namin hinintay si Cliff.

**

Nandito na ako ngayon sa university. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matakasan ko sila Cloud at Cliff. Ayokong malaman nila na nagpapangap ako bilang si Xander. And fortunately, I succeeded. Buti nalang at may back door ang bahay namin at doon ako nakadaan.

"Hurry, we'll going to be late." muntik pa ako mapasigaw nung biglang sumulpot si Higante sa isang corner ng hallway. Anong ginagawa ng isang to dito?

Is he waiting for me?

No.

Definitely not.

"Anong ginagawa mo dun? Kararating mo lang din ba? Diba kanina ka pa umalis sa bahay namin?" sunod-sunod na tanong ko habang pilit na pinapantayan ang bilus ng lakad nya. Grabe, sya lakad ang ginagawa eh ako? Takbo po mga kaibigan! Takbo ang ginagawa ko! Kaloka!

"I was waiting for you."

Okay.

That made me stop. Ano daw sabi nya? He was waiting for me?

"Anong sabi mo? Pwedeng pakiulit?" sabi ko. Hinila ko yung damit nya para pahintuin sya sa paglalakad.

"Ayoko." sabi nya at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Tama ba yung dinig ko? You waited for me?" sinabayan ko ulit yung lakad nya para makausap sya.

Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi nya. This arrogant Giant was waiting for me? For real? Lagi kaming nagaaway. Lagi nya akong sinusungitan. Lagi nya akong iniirapan. Lagi nya akong tinataasan ng kilay.

Why is he being so nice and kind to me all of a sudden?

"Narinig mo naman pala yung sinabi ko." masungit na sagot nya.

"Wow. Bakit?" tanong ko at bigla rin akong napasinghap nung may ideyang pumasok sa isip ko. "May gusto ka ba sakin?" mahinang tanong ko sa kanya na ikinatigil nya sa paglalakad. Mahirap na baka may makarinig pa samin. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Oh please, ayan na naman tayo sa tingin nya na yan.

"Asa." sagot nya. "I waited for you because clearly you don't know what room we're assigned for today." sagot nya.

Okay. Assumera ako. Paki nyo ba.

"Sana sinabi mo nalang sakin kanina o kaya dapat tinext mo na lang ako." sabi ko at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa room namin.

"I forgot and I don't have your number." kibit balikat na sagot nya pagkaupo namin. Yup, may himala po ngayong araw. Naguusap kami ng matino ni Higante ngayon at take note may bonus pa, katabi ko pa sya sa upuan.

Miracle do exist.

"Ay oo nga pala no?" ibigay ko kaya sa kanya yung number ko? Eh? Para saan pa? Ito naman na yung last na pagpapanggap ko bilang si Xander. So I guess he probably won't be needing my number.

Napaisip tuloy ako saglit. Kakaunting tao nga lang pala ang nakakaalam ng number ko. Si Cloud, Kambal, ele-diots, Jane tsaka si Mama at Papa lang ang mga contacts na nakasave sa phone ko.

**

Sa wakas! Tapos na rin!! Nag-inat pa ako ng katawan ko. Tiningnan ko ang orasan ko at muntik pa akong mapamura ng makita ko yung oras.

Crap! It's freaking 9:45 already! May klase pa ako ng 10 ang I only have 15 minutes to change my clothes and fix myself. Crap. Crap!

Mabilis ko kagad inayos ko ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng pinto ng bigla akong tawagin ni Higante.

"Saan ka pupunta?" he asked.

"My real class and I'm going to be freaking late! Bye!" nagmamadaling paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Higante at tumakbo kagad ako palapit sa pinakamalapit na CR.

Pagkarating ko sa banyo ay pumasok kagad ako sa isang cubicle. Buti nalang at walang tao nung pumasok ako sa banyo ng babae. Baka mamaya mabugbog pa ako ng wala sa oras kapag nakita nila akong pumasok sa banyo ng babae nang ganito ang itsura ko.

I changed my clothes and fixed myself as fast as I could. Tiningnan ko ulit yung orasan ko pagtapos kong magbihis.

9:55am

Whew! I still have 5 minutes. Abala ako sa pagsalpak sa loob ng bag ko yung mga damit na ginamit ko kanina habang palabas ako ng cubicle ng biglang may malakas na bagay ang tumama sa batok ko.

"What the hell?" nahihilong sabi ko. I shook my head to fight the dizziness. But the hell, I can't. Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong nahilo. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko at bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may narinig pa akong isang pamilyar na boses.

"Take her."

Trixie.

Tbc.

My third update for today! Yosh! Sabi ko sa inyo bibilisan ko. Haha. TRY ko ulit mag update bukas. I repeat, ita-try ko lang. :)

Vote. Comment. Follow.



MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon