MPB 29 (06.04.15)

5.8K 173 4
                                    

Cloud's POV

"Dude may pagka-ninja din pala yang si Xandra no? Akalain mo yun, natakasan tayo kanina." naiiling na sabi ni Cliff. Nandito na kami sa room kasama si Maki at halos lahat ng mga kaklase namin ay nandito na rin maliban na lang kay Xandra.

Nasaan na kaya yun?

"Saan naman kaya nagpunta yon?" pahabol na tanong nya. Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi rin alam at kanina pa ako kinakabahan dito.

Something's wrong.

Definitely wrong.

"Hindi kaya tinanan na yon ni bakulaw?" dagdag pa nya. Tiningnan ko sya ng masama.

"Pakyu." sabi ko na lang sa kanya. Hindi nakakatulong ang mga sinasabi ni Cliff. Nagpalumbaba na lang ako at tumingin sa bintana.

"CLOUD!!" nagulat pa ako nung biglang may tumawag sa pangalan ko. Sabay-sabay kaming napalingon nila Maki sa pinanggalingan ng boses.

Nakita namin si Evo na hingal na hingal habang nakakapit sa door frame ng pintuan namin. Narinig ko naman na nagtilian yung mga kaklase naming babae nung makita nila si Evo.

"Come on you need to see this!" nagmamadaling sabi nya. Napatayo kagad kaming tatlo sa sinabi nya. He's voice was urgent, like something happens.

Nung makalabas na kami sa room ay sinundan kagad namin si Evo at dinala nya kami sa Cr. Maraming tao ang nagkukumpulan sa daanan.

"Move!" sigaw ni Cliff. Nung makita nila kami ay agad naman silang tumabi sa daan. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko na nakatingin silang lahat sakin.

Pagpasok namin sa banyo ng mga babae ay naabutan namin sila Jet, Leo, Bryan at ang iba na nasa loob na rin. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa pader at salamin ng banyo. Tiningnan ko rin ito at napamura na lang ako sa nakita.

"Fck!"

"Sht!"

Sabay na sabay namin ni Cliff. Halos mapuno ng sulat ang kalahating bahagi ng pader ng banyo. Mukhang bago pa ito dahil basa pa ang dugong ginamit na panulat dito.

CLOUD VENTURA I TOOK YOUR BELOVED GIRL.
THE CLOCK IS TICKING
COME QUICK, COME QUICK,
SO SHE CAN MAKE IT
BRING YOUR FRIENDS
NOT ONLY YOURSELF.
FIND HER
AND SEE YOU THERE.

"Bullshit!" sigaw ko at naihilamos ko na lang sa mukha ko ang mga kamay ko. Tumakbo kagad ako palabas ng University at dumirecho sa parking lot.

Alam kong nakasunod sila Cliff sakin. Sumakay na ako sa motor ako ganoon din sila. Hindi naman kami nag abala pang magsuot ng helmet.

Hindi ko alam kun saan kami pupunta. Hindi ko alam kung saan kami umpisang maghahanap. Fuck!! Hindi ko alam ang gagawin kapag may masamang nangyari kay Xandra. Tangna! Baka makapatay ako ng wala sa oras!

"CLOUD!!" tawag ni Cliff sakin nung mapantayan na nya yung bilis ng takbo ko. "PWEDE BANG HUMINTO KA MUNA! KAILANGAN NATIN MAGISIP NG MAAYOS! HINDI NATIN MAHAHANAP SI XANDRA KUNG HINDI NAMAN NATIN ALAM KUN SAAN TAYO PUPUNTA!"

Tiningnan ko muna ng masama si Cliff. Tama sya. Hindi namin mahahanap si Xandra ng ganito. Binagalan ko muna ang takbo ng motor ko at tsaka pumreno. Ganon din ang ginawa nila. Tinabi namin sa isang tabi ang mga motor namin at saka nag isip.

"The note was freshly written. Hindi pa siguro sila nakakalayo." sabi ni Maki. Oo siguro yon. Kaya lang saan sya dadalhin ni Trixie?

"Kung kayo si Trixie, isang gang leader. Saan nyo dadalhin ang kikidnapin nyo?" tanong ni Cliff. Napaisip ako sa sinabi nya.

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now