EPILOGUE (07.19.15)

10.7K 310 41
                                    

(Iniba ko na ang magiging epilogue. Sa halip na direcho 10 years kagad ay gagawin kong iba't-ibang taon. For example, after 2 years chuchu tapos another three years naman hanggang sa umabot ng 10 years. Kaya magiging shifting of scenes ang mangyayari. Gets? Kung hindi basahin nyo na lang ang epilogue. hahaha.)

Third Person's POV

After 2 years..

Makalipas ang dalawang taon ay naka-graduate na nga sila Xandra at Cloud. Syempre pati na rin ang mga ele-diots. Marami ang nangyari sa loob ng dalawang taon. Maraming masasayang ala-ala. May mga pagkakataon din na nagaaway sila Xandra at Cloud pero agad din naman silang magkakabati after one hour. Hindi rin kasi nila matiis ang isa't-isa. Kaya nga heto matapos nung araw ng graduation nila ay ang araw ng kanilang kasal.

"Nasaan na ba kasi ang lalaking yon?! Nako, humanda sya sakin kapag nakarating sya! Sasamain talaga sya sakin!" inis na inis na sabi ni Xandra habang naiinip na nakaupo sa loob ng isang itim na kotse. Ang bride's car.

Kanina pa kasi sila sa labas ng simbahan at hinihintay na dumating si Cloud. Nakakatawa ano? Sya ang lalaki sya pa iyong nahuhuli.

"Anak umayos ka nga, nagugulo na iyang ayos mo dahil sa likot mo. Hindi ka mapakali. At isa pa itigil mo nga yang mga sinasabi mo, hindi pa man kayo kasal ni Cloud mukhang battered husband kagad sya." pagsermon ng Mama nya. Bukod sa driver ay silang dalawa lang ang sakay ng kotse. Ang Papa nya ay nasa loob ng simbahan naman naghihintay kasama ang tatay ni Cloud.

"Roberto, subukan lang ng anak mo na hindi sumipot sa kasal nila ng anak ko ay sisiguraduhin kong makakatikim sya sakin. Alam mo naman ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko." sabi ni Mr. Villegas na ikinatawa naman ng malakas ni Mr. Ventura. I guess like father like daughter.

"Huwag kang mag-alala Vicente. Tutulungan pa kita sa kung ano man ang gagawin mo sa anak ko kung sakali mang hindi sya dumating ngayon." sagot nito.

Sa kabilang banda naman ay nagtataka na ang mga tao sa loob ng simbahan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naguumpisa ang kasal. Iniisip nila na marahil ay hindi na matutuloy ang kasal. Mabuti na nga lang at walang mga reporters ang nakapasok sa simbahan. Marami kasing mga bodyguards ang nakapalibot sa simbahan. Gusto kasi ng pamilyang Villegas at Ventura ng pribadong seremonya sa kasal ng kanilang mga anak.

"Teka bakit may mga pulis na parating?" wika ng isang lalaki nang may makita syang tatlong kotse ng pulis na paparating. Halos lahat ng tao ay nagtinginan sa sasakyang paparating. Mga nagtataka kung bakit may tatlong sasakyan ng pulis ang palapit sa simbahan.

Huminto ang mga sasakyan sa tapat mismo ng simbahan at may lumabas na isang pulis sa isa sa mga sasakyan. Hindi na nagdalawang isip pa si Xandra at lumapit na agad dito. Hindi nya pinansin ang pagtawag na ginawa ng Mama nya sa kanya.  Kinakabahan kasi sya. Sobra. Para kasing ganito ang napapanood at nababasa nya sa movie at wattpad.

"Manong pulis ano pong ginagawa nyo dito? Hindi po dito ang presinto kaya pwede na po kayong umalis." pagtataboy nya dito. Parang ayaw nya kasing malaman o marinig ang kung ano man ang pinunta ng pulis dito.

"Kayo po ba ang bride to be ni Mr. Cloud Ventura?" nagtataka man sa inakto ng babae ay nagawa pa rin nyang tanongin ito.

"Hindi po. Flower girl lang po ako." hindi nya napigilang isagot sa pulis. Kasi naman, hindi ba obvious na sya ang bride? Sa laki at bongga ng wedding dress na suot nya tatanungin pa sya?

"Eh?" pagtataka ng pulis. Bago pa ulit ito makareact sa sinabi ni Xandra ay biglang sumulpot si Xander para humingi ng dispensa sa sinabi ng kanyang kakambal.

"Pasenya na chief sa sinagot ng kakambal ko. Medyo baliw po kasi 'to." sabi ni Xander na ikinaani naman nya ng isang malakas na hampas sa likod mula kay Xandra.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon