MPB 40 part 1 (07.10.15)

6.2K 207 27
                                    

Xandra's POV

"Kambal?"

"Hmm?"

"May alam ka ba tungkol kay Cloud? I mean, about his life?"

"The last time I checked I never became his girlfriend?"

Tiningnan ko ng masama si Kambal, "Pasalamat ka at nakaupo ako ngayon dito at inaayusan ako kundi baka lumipad na 'tong upuan sayo."

Inaayusan kasi ako ngayon ng dalawang babae. Isa sa buhok ko at isa sa mukha. Why? Ngayong gabi lang naman ang engagement ko.

"Well, thank you." he sarcastically said.

"Ano ba? Seryoso na kasi!" naiinis na sabi ko.

"Tsk, oo na. Konti lang ang alam ko tungkol kay Cloud. His mother owns a small restaurant while his father owns a company. Hindi ko lang alam kung anong klaseng kompanya.." he pauses.

"Then?"

"Yun lang. Sabi ko naman sayo konti lang alam ko." proud pa niyang sabi, "Namamag-asa ka 'no?"

"Letche." yun na lang ang sinabi ko at nanahimik na ako. Oo, tama si Kambal. Namamag-asa nga ako na baka pwede pa rin kami. Na baka kahit ginago ako ni Cloud ay pupunta pala sya at pipigilan yung engagement namin?

Who am I kidding right?

I should think of the bright side of this engagement. Kapag na-engage ako kay Higante ay masasalba ang kompanya namin. Magiging maayos na ang lahat.

At isa pa, mabait naman pala si Higante. Sinamahan nya ako hanggang sa kumalma ako nung gabing nagpunta ako sa hideout nila Cloud. Sobrang na-appreciate ko 'yon. Akala ko nga ay tatawanan nya ako sa pagiyak ko pero hindi. Pinakinggan nya ang mga walang kwenta na sinasabi ko.

Hindi lang yon, hinatid pa nya ako sa bahay para daw hindi ako mapagalitan kasi alam nyang tumakas ako. Nagdahilan na lang sya na sinama nya ako para kumain sa labas. Good thing my parents believed him kaya hindi na nila ako pinagalitan pero sa susunod daw ay magpapaalam ako para daw hindi sila nagaalala.

A knock on my door made me stopped from my trance. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumapit at buksan yung pinto.

"May I?" Tanong ni Papa pagkabukas ko ng pinto. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok si Papa. Hindi pa kami naguusap simula nung iannounce nung gabing iyon na maeengage ako kaya medyo kinakabahan ako ngayon at nandito sya.

Tahimik kong sinarado ang pinto habang sya naman ay naupo sa kama ko. Lumapit ako sa harap nya habang nakayuko. Feeling ko para akong bata na papagalitan ng magulang nya dahil sa ginawa kong kasalanan.

"Come, sit beside me." he calmly said as he pats the space next to him. Kinakabahan man ay naupo pa rin ako sa tabi nya.

"Are you mad at me?" napaangat kagad ako ng tingin at mabilis na umiling kay Papa. Kahit kelan ay hindi ako magagalit kay Papa.
"Hindi po. Bakit naman po ako magagalit sa inyo." sagot ko. Nginitian ako ni Papa at bahagyang tinapik yung balikat ko.

"Because I put you into tis situation. You, getting engage to the man that you don't love or even like. You know I'm sorry right?" yumuko lang ako at bahagyang tumango.

"I'm willing to do it. For the family and company."

"I know. You're a strong girl and I'm very proud of you." niyakap ako ni Papa at hinalikan sa sentido ko hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naiyak. This is my first time to have a conversation with him like this.

He wasn't the type of father to say something cheesy and mushy things. He's not an expressive or vocal father. Hell, I think he only have 5% sweet bones in him.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon