MPB 20 (05.10.15)

6.9K 178 8
                                    

Part two..

Cloud's POV
(Flashback pa rin po to. :3)

Nagising na lang ako ng biglang may malakas na bagay ang tumama sa ulo ko. Shit! Ang sakit non ha! Hinampas nila ako ng baril kanina sa ulo para makatulog pati ba naman ngayon para magising ako kailangan hampasin ulit?! Aba! Sumosobra na sila ha?! Masyado nilang inaabuso ang kagwapuhan ko!

"Gising na pala ang ating bisita.." saad ni Mr. Salvez. Nakaupo sya ngayon sa isang bakal na upuan sa harapan ko. May maliit na coffee table sa tapat nya and he's leisurely drinking his cup of coffee. Nakapalibot sa kanya ang mga tauhan nya. Including Xander. This asshole.

Tiningnan ko sya ng masama, "Try ko kaya na ikaw ang hampasin ng baril sa ulo tingnan natin kung hindi ka magising." singhal ko sa kanya. Gago din tong baboy na to e! Ang laking tanga.

"If I were you I'll stay quiet. Malay mo, pauwiin kita sa inyo ng walang galos." nakangiting sabi nya.

"Too bad you're not me." sabi ko. Ginalaw-galaw ko ang kamay kong nakatali ng lubid sa likod ng upuan. Medyo malugaw ito kumpara sa inaasahan. Tsk, looks like they underestimated me.

"I know, Cloud." he chuckled." Bakit hindi na lang tayo mag usap ng maayos? After all my daughter informed me that she really, really like you. Malay mo maging father-in-law mo pa ako." mapang-asar na sabi nya. Father-in-law? Tch, hindi ko pinangarap na magkaroon ng father-in-law na baboy. Di hamak na naman na mas maayos tingnan ang Papa ni Xandra.

"Alam mo bang pwede kong ipa-cancel kay Papa ang kung ano mang business talk ang napagkasunduan nyo?" sabi ko sa kanya. Imbes na matakot sya sa sinabi ko ay tinawanan nya lang ako. Baliw to mga dude!

"Naah, hindi na kailangan. Wala naman kaming napagkasunduan ng magaling mong tatay. Masyado syang magaling at matalino pagdating sa pagpili ng magiging business partner nya." he casually said as he sipped on his cup of coffee.

"Sounds like good news to me." nakangising sabi ko. Ramdam ko na konting galaw pa ng kamay ko ay matatanggal na ang pagkakatali dito. Kaya palihim ko pa itong ginalaw hanggang sa matanggal na nga. Buti na lang ay hindi nila naisipang talian ang mga paa ko.

"Nangiinis ka ba bata?"

I smiled inwardly. Guess I pushed his buttons.

"Naah, I'm just stating the fact." I casually said. Natanggal ko na yung tali sa kamay ko pero nagpapangap pa rin akong nakatali. Buti nalang din ay walang nagbabantay sa likod ko.

"You're really pissing me off?" kita nyo! Pikon si gago.

"Hey, Xander kukuha ka na lang ng boss e yung baboy pa na to? Dude, have some taste!"

And that's how you piss an ugly pig. Bow. Hahaha!

"Turuan nyo ng leksyon ang batang yan!" sabi nya sa mga tauhan nya. Nung nagsilapit na sila sa pwesto ko ay mabikis kagad akong tumayo na ikinagulat nila. Binuhat ko ang upuan na inuupuan ko kanina at hinagis sa lalaking malapit sakin. Tinamaan sya sa mukha at bumagsak kagad. Sa palagay ko ay nabasag din ang ilong nya.

Mabilis kong tiningnan ang mga lalaking nakapaligid sakin. I guess they're 15 in total. May dalawang lumapit sakin at sinubukang atakihin ako pero mas mabilis ako sa kanila. I grabbed the nape of the man on my left side and slammed him on the man on my right side. Both of their face collided causing for them to let a loud groan.

I looked up and smirked when I noticed that all of them are circling me now. Tss, coward. May isang lalaking naglakas loob na maunang sumugod balak nya sana akong suntukin pero nailagan ko ito. I gave him a hard punch on his stomach causing him to fall down. May isa pa ulit na sumugod sakin. May hawak syang steel bat at ihahampas sakin. I dodged his first strike but not the second.

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now