MPB 16 (04.18.15)

7.4K 203 9
                                    

Xandra's POV

"What the hell is he doing here?" Xander coldly asked. Kakapasok nya lang ng bahay nung makita nya kaming dalawa ni Cloud na magkatabi at kumakain ng popcorn habang nanunuod ng movie.





Eh? Naiingit ba sya o nagseselos?




Napansin ko naman na agad na umayos ng upo si Cloud sa tabi ko. Wala na sa popcorn at sa movie ang atensyon nya. Na kay Xander na. Parehas lang silang nakatingin sa nga mata ng isa't-isa. It's like they're communicating mentally. Yeah, pft. Fantasy.





"Mag-usap tayo.." sabi ni Kambal tatayo na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Si Cloud.






"Ako ang gusto nyang kausapin. Hindi ikaw." seryosong sabi nya hindi yung pang-baklang boses yung gamit nya ha. Yung totoong lalaking boses talaga nya. Hindi ko nga alam pero kanina ko pa napapansin na seryoso si Cloud simula nung umalis yung ibang ele-diots. Bored na kaya sya? Tapos ngayong dumating lang si Xander iiwan na nya kagad ako!!




Tatanungin ko pa sana si Xander kung si Cloud nga ba yung gusto nyang kausapin kaya lang umalis na kagad sya. -_____-




"Girla wititit lang ha. Iiihhhh! Kinikilig aketch! Ano girla, okay ba ang face ko? Mas gumanda ba ako?" back to pagiging sirena na naman si Cloud. Nakakainis. Kailan ba balak bumalik nung alaala nya? Aba nawili naman ata ha.



"Panget." yun nalang ang sinagot ko at nakabusangot na tinuon ang atensyon sa movie na pinapanuod namin kanina. Nakapout na umalis si Cloud at tinungo ang daan papunta kay Xander.


Third Person's POV


Pagkalapit na pagkalapit ni Cloud ay agad syang binigyan ng isang malakas na suntok sa pisngi ni Xander dahilan para mapaupo sya sa damuhan. Pinunasan ni Cloud ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Nalasahan pa nga nya ang kanyang sariling dugo. Dahan-dahan itong tumayo at tumingin ng nakakaloko kay Xander.



"Lumayo ka sa kapatid ko." puno ng galit na sabi ni Xander. Bahagyang natawa si Cloud dahilan para mas lalong mainis si Xander sa kanya.



"Why? Afraid that I might drop the bomb?" makahulugang wika ni Cloud. Naikuyom ni Xander ang kamay nya at akmang susuntukin ulit nya si Cloud ng bigla ulit itong magsalita, "I can help you." wika ni Cloud na nakapagpahinto kay Xander.



"No. You don't know what you're talking about."




"I know, Xander. I know." naiiling na sagot ni Cloud. Inayos nya ang kanyang damit at tinalukuran si Xander. Bago pa sya tuluyang makalayo ay muling nagsalita si Xander.


"Hands off Cloud, kung ayaw mo na pati ikaw ay madamay. Ikaw at ang mga kaibigan mo."



Kaibigan mo rin Xander. Isip-isip ni Cloud bago tuluyang naglakad palayo.

***


Meanwhile..



"Nakuha nyo ba?" tanong ni Maki kay Dustin. Nasa hideout sila ngayon. Kung saan dinala ni Cloud si Xandra dalawang taon na ang nakalipas. Nitong mga nakaraang buwan ay napapadalas na ang pagkikita nila dito.



"Yeah Maki boy. Kami pa ba? Wala ka bang tiwala samin?" pagbibiro ni Dustin kasabay ng pag-abot nya ng brown envelope kay Maki. Ito ang dahilan kung bakit nila naisipang magpunta ng bahay nila Xandra. Para kuhanin ang envelope na naglalaman ng isang lihim na transaksyon. Habang abala sila sa pag-lilibang kay Xandra kanina ay maingat ng nagpunta sila Dustin, Ricky at Bryan sa loob ng kwarto ni Xander. Mabilis naman din kagad nila itong nahanap sa kwarto ni Xander kaya saglit lang silang nawala at hindi iyon nahalata ni Xandra.



MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now