MPB 15 (04.13.15)

7.4K 229 8
                                    


"Girla pwede bang pumunta muna ako sa inyo?" bulong sakin ni Cloud na ikinataas ng kilay ko.

"At bakit naman?" tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Alas-kwatro na ng hapon at uwian na namin.

"Wala lang gusto ko lang." sabi nya gamit ang normal nyang boses, yung panglalaki talaga. Napansin siguro nya na nakatingin sa kanya sila Maki at Cliff.

"Ayoko nga."

"Sige na."

"Ayoko."

"Please."

"Ayaw."

"With cherry on top."

"With bukol on top gusto mo?" Nagpalipat-lipat lang ang tingin samin ni Clif habang si Maki naman ay nakapalumbaba at nakapikit.

"Ano bang pinag-uusapan nyong dalawa ha?" tanong ni Cliff samin nung hindi na nya natiis pa ang panunuod samin.

"Ito kasing si Cloud gustong pumunta sa bahay na—"

"Sama ako!" tiningnan ko ng masama si Cliff. Pati ba naman sya? Ano bang meron sa bahay namin at gusto nilang pumunta ngayon?

"Walang pupunta sa bahay namin and that's final." matigas na sabi ko sa kanila.

**

Can somebody tell me how did I let myself get dragged by these crazy stupid people? Hell, and since when did I agree on letting them—all of them—to just barged inside my house?

The freaking ele-diots are complete.

"Xandra nasana si Xander?" tanong ni Evo habang pinagmamasdan ang buong living room namin.

"Ewan. Mamaya pa uwi nun." walang ganang sagot ko. Sumasakit ang mata ko sa kanila. Ang dami nilang nagsisiksikan dito sa living room namin.

"Kayo lang ba nakatira dito?" tanong naman ni Jet habang tinitingnan ang mga naka-display na picture frames.

"Hindi. Kasama namin si Manang tsaka si Higan—I mean si Kris. Yung kaibigan ni Kambal." nakabalik na kasi si Manang galing sa bakasyon nya kaya kahit papano ay may kasama kaming isang matanda dito sa bahay.

"Kris? Yung higanteng bulas na yon dito rin nakatira?!" sabay-sabay na sabi nilang lahat. Eh? So kailangan talagang sabay?

"Oo. Ewan ko pero para ngang may napapansin akong kakaiba sa dalawang yun e.." I trailed off. Mabilis naman silang lumapit sakin.

"Tulad ng?" tanong ni Leo.

"Uhm, alam nyo yun parang may 'something' sa kanila." mahina kong sabi. Susko, sasabihin ko ba talaga sa kanila? Pano kapag layuan nila si Xander dahil sa sasabihin ko? Hindi naman siguro no? Friends naman sila diba?

"Anong something?" this time si Jake naman ang nagsalita.

"A-ano uhm, kasi..." pinagdikit ko yung dulo ng hintutro kong daliri habang nakayuko. Oh, Xander. Sana mapatawad mo ako. Huhuhu.

"Ano nga?! Pasuspense naman to!" naiinip sa sabi ni Greg. Sinamaan ko sya ng tingin bago huminga ng malalim at sabihin ang,

"I think Xander and Kris is in a relationship."

There. I said it. I hope Xander will understand me. Huhuhu. Sinilip ko ang mga mukha nila at para silang naging bato. Sila Jet at Leo ay nakanganga pa ang bibig.

"*sigh* I know guys, sobrang nakakagulat. Maski ako ay hindi ko in-expect. Sana ay maintin—"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"She fcking thought that Xander and Kriss-Pffft! Hahahahaha!"

"Hahahahaha! I'm gonna die! I'm gonna die! Hahaha!"

"Shit! Ang sakit ng tyan ko!"

"hahahahaha!"

"Can someone slap her? Hahahaha!"

–_______–"

Mabilis kong kinuha yung baril sa maliit na drawer malapit sakin at kinasa ito at saka pinaputok sa taas. Whoa. May bala pala?

I look at them and to the hole on our ceiling. I was shocked and so they are, causing them to stop laughing and not moving. Oh boy, I guess they even forgot to breath.

"Whoa!"

"Holy donkey!"

"What the pak!"

"Where the heck did you get that?!"

"Mamamiya!!"

Iba't-ibang reaksyon ang nakuha ko mula sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. OA ha, hindi ko naman sila pinatamaan.

"Xandra.." napatingin ako kay Cloud na nakatayo sa left side ko. Hindi ko man lang napansin ang paglapit nya sakin.

"Saan mo nakuha yan?" seryosong tanong nya sakin. All the playfulness vanished.

"D-doon sa maliit na drawer." turo ko dun sa drawer malapit sa tv namin.

"Bakit ka may ganyan dito sa bahay nyo?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Nakita ko lang to nung isang araw dyan sa drawer namin." kinakabahang sagot ko. Totoo naman e. Hinahanap ko kasi nun yung headset ko hindi ko kasi matandaan kung saan ko nailagay. Inisip ko na baka nailigpit ni Manang at naisipan nyang ilagay sa drawer malapit dito sa tv at yun nga, nakita ko rin yung baril.

"Kelan ka pa natututong humawak ng baril?" this time si Maki naman ang nagtanong lahat sila ay nakatingin ng seryoso sakin. Man, I didn't know firing a gun can make them this serious. I should have done this before.

"Er, about a minute ago?"

"Xandra.." Maki warned using his cold voice at me. Yeah, cold voice, pfft.

"Seriously guys, hindi ako marunong gumamit ng baril. It was just my instinct and well, yeah a little knowledge. Ganun kasi yung mga nababasa ko sa libro tsaka yung mga napapanuod ko sa movie. Besides, when I was 9, me and Xander used to play shooting games using a pellet gun." mahabang paliwanag ko. Totoo naman kasi e. Araw-araw pa nga kaming naglalaro nun ni Kambal. Kaya kanina nung nakita ko yung baril inisip ko na baka kung pano gamitin yung pellet gun ay baka ganun din kapag totoong baril na.

"Shit! May date nga pala ako!" nagmamadaling tumayo si Evo sa pagkakaupo nya sa sofa.

"Wow may nagkamali." narinig kong sabi ni Jet.

"Sino na naman yang ka-date mo?" tanong ni Cliff.

"Huhulaan ko, si Lauren yan no?" mapang-asar na sabi ni Leo. Napansin ko naman kung pano pamulahan ng mukha si Evo.

"Aruuuy! Inlove si gago!" sabi naman ni Dustin.

"Mga gago!" sabi nalang ni Evo, "Osige sibat na ako. Bye Xandra, ingat!" mabilis na lumabas si Evo sa bahay namin.

"Sandali dude! Sama kami! Byee Xandra!" nagsisunod naman sila Dustin, Ricky, Bryan, Leo, Greg at Jake. Tss, manggugulo pa sa may date.
"Haaay! Makaalis na nga rin! Babye baby!" nag-iinat na lumabas si Cliff kasunod si Jet at Maki. Maki gave me one last look before he glanced away. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay biglang nagtitili itong katabi ko.

"Iiihhhh! Kyaaaa! Girla, kaloka! Ang sakit sa bangs kapag kasama sila!" maarteng sabi ni Cloud.

"At bakit nandito ka pa?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Mabilis naman syang kumapit sa braso ko at hinila ako paakyat sa hagdan.

"Iiih! Girla naman ang mean-mean mo sakin! Hindi ko pa nga nabibisita ang kwarto ni Papa Xander e!"

"Ewan ko sayo." yun nalang ang sinabi ko. Buti nalang hindi na nila ako masyado pang tinanong about dun sa baril. Aba malay ko ba kasing puputok pala ng ganon yun! Akala ko kasi wala ng bala at display nalang e.

Saglit akong napatingin sa ceiling namin na ngayon ay may butas na. Hmm, hindi naman siguro mapapansin ni Kambal yun no?

Tbc.
--

Dedicated to Ren na gustong gusto si Evo babes!! Annyeong! Hindi ko kasi alam kung pano magdedicate dito. Haha. Sarreh!

Vote. Comment. Recommend.

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now