MPB 18 (04.28.15)

7.3K 208 11
                                    


Cliff's POV



Saktong alas-syete ng gabi ay nandito na kami sa hideout. Si Cloud at Evo na lang ang wala.



"Ano ba meron at pinapunta tayo dito ni Cloud?" naiinip na tanong ni Jet. Hindi rin namin alam kung bakit kami pinapunta dito ni Cloud.




"Baka naman may surprise party si Cloud satin tapos may dala syang mga sexy na babae." napaisip naman akonsa sinabi ni Leo. Hmm. Oo nga no? Baka gusto lang munang mag-chillax ni Cloud. Masyado na kasi nyang pinoproblema si Xander.




"Pwede rin! Sana naman marami ang dalhin nya. Whaha!" excited ni Dustin. Mga sira talaga. Ang tataas ng mga pangarap. Sigurado naman na sakin lalapit ang lahat ng mga babaeng dadalhin ni Cloud. I'm sure as sexy hell that they can't resist my charm. *wink*



Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng makina ng mga papalapit na mga sasakyan. Lumapit ako sa mga basag ng bintana at sinilip ang labas. Nasa second floor kami ngayon at halos kita namin ang lahat ng mga paparating na sasakyan. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang mga klase ng tatlong sasakyan na parating.




"Oh shit!" hindi ko napigilang sabihin. Shit men! Ang astig ng mga sasakyan nila!


"Woah!"

"What the?"

"Astig!"

"Sino kaya ang mga yan?"



Kanya kanyang reaksyon ang narinig ko sa kanila. Pero itong si Maki ay tahimik lang na nakatingin sa baba habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na ngayon ay tahimik ng naka-park. Tahimik naming hinintay na bumaba ang mga sakay ng tatlong sasakyan. At sa pangalawang pagkakataon ay halos malaglag na sa ground floor ang mga panga namin.

Babae.


Mga astig na babae ang isa isang lumabas sa mga sasakyan. Isang babae ang dahan dahang bumaba sa silver Maserati, dalawang babae at isang lalaki naman sa gold na Hummer at isang babae at lalaki naman ang nakasakay sa pulang Ducatti.


"Teka si Evo at Cloud yun ha!" narinig kong sabi ni Bryan. Hindi nga sya nagkakamali. Si Cloud at Evo nga ang kasama nung mga chix sa baba.



Isa-isa ko silang tiningnan pero hindi ko rin masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil madilim na rin. Pero may isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. Pamilyar sakin ang isa sa babaeng kababa lang sa gold na Hummer.



Nakashades pa sila kaya mas lalo akong nahirapang alamin ang mga mukha nila. Lahat sila ay naka black leather pants at combat boots. Ang dalawa sa babae ay naka white wife beater, yung isa naman na sakay ng Maserati ay naka fitted longsleeves na black at yung isa naman na sakay nung Ducatti ay naka pang army na jacket.




Ow-kay? Saan ba ang photoshoot dito at ng makasali ako. Aba kailangan din ng exposure ng gwapo kong mukha.



"Lauren and her group." mahinang sabi ni Maki. Si Lauren? Yung babaeng masungit na kausap namin kahapon?



"Nasan dude?" buti pa sya namukhaan nya kagad ai Lauren.



"Rider of Ducatti beside Evo." Ah! Yung naka army na jacket. Woah! Ang astig pala talaga nya! Kaso masungit. Nakakaturn off tuloy. -___-



(A/n: Wow ha. Laki mong kawalan Cliff.)



Shut up author! Wag kang mag-alala hindi kita ipagpapalit!


(A/n: Letse!  >////< )



Uyy, kinilig sya. Whaha! Hirap na talaga kapag ganito kagwapo. Minsan nga napapaisip ako. Baka kasi mamaya iniisip ng iba dyan na sobrang selfish ko dahil ayaw kong ipamigay ang sobra kong kagwapuhan.



Sorry ha, hindi ko naman kasi kasalanan na sakin binigay ni Lord lahat ng ito. Di bale hahanap ako ng paraan para makapag donate kahit papano.


(A/n: Cliff yung totoo? Ano ba ang kinakain mo kapag ikaw lang mag isa? Electric fan? Aircon? O Windmill?)


Ikaw.


(A/n: P-peste! Dyan ka na nga!)


Hahaha! Kita mo asar talo! Anyway, back to reality. Hinihintay na lang namin na makaakyat sila Cloud at Evo kasama yung mga chix na dala nila.



"Ano kayang pinaplano ni Cloud?" tanong ko kay Maki. Na mukhang kanina pa may malalim na iniisip.


"Ewan."

-_____-


Kahit kelan talaga napakasarap kausap nitong si Maki. Full of words and wisdom. Marami kang matututunan. Putik.


Mayamaya pa ay bumukas na yun pinto at lahat kami ay tahimik lang na nagaantay. Unang pumasok si Cloud, sunod si Evo at Lauren tapos ay yung tatlo pang babae.


*whistle*



Grabe! Ang sexy nila sa malapitan! Para silang mga secret agent kung titignan. Astig!



"Hi kulot!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses nung tumawag sakin. Dahan-dahan nyang tinanggal yung salamin na suot nya at ngumiti sakin ng nakakaloko..



"Ate Hera?!!"



Wengya! Seryoso bang si Ate Hera itong nasa harap ko? Isa sya sa bumaba sa gold na hummer kanina. Watda?!



"Yup, bro." sagot nya habang nakangiti ng nakakaloko sakin.



"Teka nga, anong ginagawa mo dito? Nagluto ka na ba ng pang hapunan natin? Baka mamaya pag uwi ko walang pagkain dun!" reklamo ko. Totoo naman kasi, putik balak ko pa naman sanang magdalawang plato ng kanin pag uwi ko.



"Gusto mo bang ipakain ko sayo itong baril ko?" nakakatakot na sabi nya.

Gulp.


Naalala ko bigla na may kasalanan pa nga pa pala ako sa kanya. Baka mamaya hindi sya magdalawang isip na iputok sa ulo ko yung hawak nyang baril. Wengya! Hindi ko pa nababahagi ang mga genes ko!



"Chill Hera, pwede bang maupo muna tayo?"



T-te-teka.. Kilala namin ang boses na yun ha? Wag mong sabihing..




"Ate Candice?!!!" sabay-sabay na sigaw namin lahat. Pwera lang pala kay Cloud, Evo at Maki.




"Missed me?" nakangiting tanong nya sabay tanggal na rin nung salamin nya.





"Isusumbong kita Ate Candice kay Mama at Papa tsaka na rin pala kay Kuya Loki!" sabi naman ni Leo na agad tiningnan ng masama ni Ate Candice.






"Subukan mo lang Leonardo kung gustong mong isumbong ko rin lahat ng mga kalokohan mo." pagbabanta naman ni Ate Candice.




"Sabi ko nga hindi na." tarakya! Takot pala tong si gago e!



"Let's plan. We don't have much time. The transaction will start at midnight." sabi naman nung isang babaeng sakay nung Maserati. Nakakatakot yung way nung pagsasalita nya. May authority ang bawat salitang binibitawan nya. A girl you don't really want to mess up with.




"What about a little introduction first?" sabi naman ni Cloud na ngayon lang nagsalita. Seryoso sya? Kasama nyang nagpunta dito pero hindi nya pa pala kilala?




"We came from Black Center Organization. Agent slash assassins. That's all you need to know. So, let's start."

Tbc

I need feedbacks guys. Waaaaah! Nababaliw na ako! Hindi ako confident sa magiging outcome ng book two. Hehehe. Anyways, why don't you guys check out my new story entitled Cyborg 1.0. Iihhhhh! Sana basahin nyo. Salamat! May update ulit ako bukas!

Vote. Comment. Share. Follow.

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon