MPB 05 (02.09.15)

10.5K 241 10
                                    

"....Cloud Ventura." Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko ng banggitin ni Evo ang pangalan ni Cloud. Nanghina ang mga tuhod ko at sa palagay ko ay matutumba ako kapag hindi ako naupo. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa upuan at naupo. Pinikit ko ng mariin ang mata ko tsaka ako huminga ng malalim. Kapag hindi ko to ginawa ay paniguradong bibigay ako.




"Y-yung m-magulang ni C-cloud. Pakitawagan, please." Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Kaya pala isang buwan ko na syang hindi nakakausap, may nangyari na palang masama sa kanya. Hindi ko man lang alam. Anong klase akong girlfriend.



"Hindi ko matawagan. Mukhang nag-iba na si Tita Veron ng number."-Evo.



"T-teka, pano yan. Pano kung hindi pa pala nahahanap si Cloud?" Kinakabahang tanong ko. Pano kung hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Cloud? Pano pala kung...kung wala na siya? Aaah!! Asar! Napaparanoid na ako. Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko. Hindi. Buhay si Cloud. Panigurado ako dyan. Hindi nya ako kayang iwan.




"Don't worry. He's fine." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Lazily walking towards our directions is none other than Maki.



"Hi Xandra. Long time no see."-Maki. Ginulo nya ang buhok ko at tsaka ako inakbayan, "Wag kang mag-alala. Okay na si Cloud. Nahanap din sya kagad nung gabing yun." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Maki.



"N-nasan sya? Gusto ko syang makita!" Sabi ko kay Maki na ikinatanggal ng ngiti nya sa kanyang labi.





"Sorry Xandra. Pero hindi pa pwede sa ngayon. Maraming mga therapy ang ginagawa sa kanya ngayon. Na-coma sya for two weeks kaya hindi pa sya basta-basta pwedeng dalawin. Pero wag kang mag-alala sa tingin ko ay magiging maayos na sya bago pa magpasukan."

--

After 1 week..


Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong balita kay Cloud. Isang linggo akong hindi nakakain at nakatulog ng maayos. Puro na lang si Cloud ang naiisip ko. Sabi sa akin ni Maki ay sa pasukan ko na pwedeng makita si Cloud. At bukas na iyon.



"Nakapag-enrol ka na ba?" Tanong ni Kambal sakin. Nandito kami ngayon sa sala at nanunuod ng One Piece.



"Oo, nung nakaraang linggo pa." Sagot ko. Naayos ko na lahat ng mga kailangan kong gawin bago pa magpasukan. Since college na kami ngayon CoEd school na ang papasukan namin.



"Yown! Sana classmmate tayo!" tiningnan ko sya ng masama.



"Asa ka! Alam kong pwede tayong maging magkaklase kaya nagpalipat kagad ako ng section."



"Aish! Napakasama mo talaga! Buti nalang kaklase ko si pareng Kris." Sabi nya. Napatingin naman ako kay Kris na busy-ng busy sa panunuod. Itong higanteng to ang kapal talaga ng mukha. Hindi ko na nakitang umuwi sa bahay nila.



"Hoy! Higante! Bakit ka ba laging nandito sa bahay namin?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay in-snob nya lang ako.




"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Feel at home na feel at home ka dito sa bahay namin. For your information lang no, hindi bahay ampunan ang bahay namin." Mahabang lintanya ko sa kanya. Tiningnan nya ako ng masama bago sabihing..




"Xander please lang ilayo mo sakin yang kapatid mo at konting-konti nalang ay masusuntok ko na yan." Puno ng pagbabanta na sabi ni Kris. Siguro kung ibang babae lang ako ay umiyak na ako sa takot sa kanya.



"Hay nako! Tumigil na nga kayong dalawa. Lagi na lang kayong nag-aaway." tumingin naman sakin si Kambal at bahagyang pinitik ang noo ko, "Ikaw namang bata ka, ang tagal-tagal na ni Kris dito ngayon mo lang naisipang magreklamo. Okay na rin yang nandito si Kris para lagi tayong may kasama." Sabi nya tapos ay pina-pat yung ulo ni Kris.



"Kambal naman kung kailangan mo lang ay pet sabihin mo lang sakin. Bibilhan kita kahit ilan pa gusto mo. Hindi yung magpapatira ka pa dito ng.." tiningnan ko muna mula ulo hanggang paa si Kris bago ituloy ang sasabihin ko, "...dalmatian."

Tbc.
--

Giant Kris on the side>>

MPGR II: My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon