MPB 38 (06.29.15)

5.6K 185 12
                                    

Xandra's POV

"You can shout and throw things on me if you're angry. You can hug me and cry on my shoulder if you're breaking. Just let it all out on me. I'm always here at your side."

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko matapos sabihin ni Kambal yon. Narinig kong sumarado na yung pinto ng kwarto. Ibig sabihin lumabas na si Kambal.

Naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko ay wala akong control sa katawan ko ngayon. Ayaw munang gumana ng utak ko, that's why my heart is doing the job. The thing is she's not doing it properly. Mas inuuna ni heart yung nararamdaman nyang sakit at lungkot.

Ayokong ipakita kay Xander na nasasaktan ako ngayon dahil ayokong sisihin nya ang sarili nya o kahit na sila Mama at Papa. Pero sa pinapakita ko sa kanila ngayon alam kong naawa sila sakin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Frustration, stress, sadness, lahat nagsamasama na kaya naiiyak nalang talaga ako.

Idagdag pa yung sobrang inis na nararamdaman ko kay Cloud ngayon. Kagabi ko pa sya tinetext at tinatawagan pero ayaw nyang sumagot. Ano yun? Ganon na lang yon? Bigla na lang syang mawawala? Eh gago pala sya.

Tapos kapag nagkita ulit kami makikita ko na lang na may iba na sya? Ay nako, mapapatay ko sya kapag ganon! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Sa sobrang frustration ko ay pinahid ko ng madiin ang mukha kong basa ng luha ko at pumunta sa kwarto ni Kambal. Dahan-dahan ko pang binuksan yung pinto ng kwarto nya at sinilip kung may ginagawa sya.

Nakaupo sya sa kama nya at may hawak-hawak na picture frame. Picture frame kung saan may litrato kaming dalawa na parehas nakangiti at may chocolate sa mukha. Alam kong yon ang tinitingnan nya dahil yun lang naman ang litratong meron sya sa loob ng kwarto nya.

Naiyak na naman tuloy ako. Feeling ko ang sama-sama ko dahil nasungitan ko sya kanina.

"K-kambal.." umiiyak na parang bata na tawag ko sa kanya. Tumingin sya sakin at bahagyang nanlaki ang mata nya sa gulat. Pero mabilis naman itong napalitan ng isang malungkot na ngiti.

"Pwede ba kitang maging tissue?" tanong ko. He slightly chuckled.

"Sure Kambal." nakangiting sabi nya, as he open his arms for me. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. He told me that I let it all out on him right? So I did. Lahat lahat ng sakit at sama ng loob ay nilabas ko na.

Promise, last na to. Hindi na talaga ako iiyak.

**

"Kambal?"

"Hmm?"

"Ganon lang ba kadaling mag-let go?" tanong ko kay Xander habang kumakain kami ng ice cream. Nandito kami sa kwarto ko ngayon. Nagpabili na lang kami ng ice cream kay Manang. Tig-half galon kami. Salad yung akin at cookies and cream naman yung sa kanya.

"Depends."

Napakunot ang noo ko sa sagot nya, "Depends on what?"

"Depends if he truly love you or not."

Napaisip ako sa sinabi ni Xander. If he truly love you or not? Cloud love me right? He love me so he let go of me. For what? For my happiness? Because he want me to be happy with someone else? Well, screw my happiness. Coz I ain't happy.

Does he know that letting me go is another way of hurting me? That stupid jerk!

"He let go and sacrificed. Just for you. Kaya wag kang magagalit sa kanya."

Napatingin ako ng masama kay Xander, "Panong hindi ako magagalit sa kanya? Bigla bigla nalang syang hindi magpaparamdam? Wala manlang 'Hoy! Thank you sa relationship. Nagenjoy ako. Bye.' kahit ganon manlang wala. Siraulo sya!"

MPGR II: My Pervert BoyfriendWhere stories live. Discover now