MPB 06 (02.19.15)

9.4K 256 5
                                    



Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinakabahan ako ngayon. Para kasing may hindi tama. Parang may hindi magandang mangyayari. Pakiramdam ko ay iinterviewhin ako sa trabaho ko ngayon.





Relax Xandra. Dapat nga ay matuwa ka dahil after 2 years ay makikita mo na ulit si Cloud. Kaya mo yan Xandra! Gogogo!





Gathering all my courage, I made my way out of my room. I tighten my grip on my black and white shoulder bag as I reached the living room.





"Finally! You're done!" OA na sabi ni Kambal. Nakasuot na rin sila ng uniform nila. At kapag sinabi kong SILA. Kasama na si Higante dun. Dito sya natulog kagabi. Well, si Kambal ang may gusto nun para daw sabay-sabay na kaming tatlong pumasok ngayon.






"Edi sana kasi nauna nalang kayo." Sabi ko naman. Sumakay na kami sa kotse ko pero si Kambal ang magda-drive. Naupo ako sa backseat samantalang si Higante naman ay sa passenger seat.





"Ayoko nga. Sayang sa gas. Tutal naman ay iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin. Tsaka para hindi na rin muna kami sugurin ng mga fan girls namin ni Kris." Mayabang na sabi ni Kambal.






"Wow ha! Fan girls? Galing mo talagang magjoke Kambal! So funny! Ha-ha-ha!" Sarcastic kong sabi.






"Oo kaya. Kung alam mo lang ang hirap namin sa pagpasok tuwing umaga. Kulang nalang mahubaran kami para lang makapasok kami sa loob ng room namin."





"OA mo Kambal. Ewan ko sayo.." Hindi ko na sya kinausap at nilagay nalang ang earphones ko. Mas maganda pang makinig na lang sa kanta kesa sa mga walang kwentang sinasabi ni Kambal.

-



Nasa tapat palang kami ng gate pero tanaw ko na kagad ang sandamakmak na mga babaeng studyante na nakatayo at mukhang mga nagaantay sa gilid ng gate.




"Ano meron?" Tanong ko. Bubuksan ko sana yung bintana kaya lang bigla akong pinigilan ni Giant Kris.




"Don't."



"Why?" Taray English! Haha. Nag-english sya e, mag-e-english din ako. Haha.




"They will see us."



"So? What's the big deal?" Oha! Akala nyo siguro papatalo ako sa english!




"They would scream louder than you expected to the point where you want to pull your eardrum out of your ears."



"Really? Up to that point?" I said and snorted at him. "Then, I will feed my eardrums to them and oh, I will feed them my earwax too in case they want a dessert." Sabi ko sabay smirk kay Kris. Usapang kababuyan ba? Game din ako dyan. Whaha!

[AN: sorry kung ang sagwa! Haha. XD]



"Yuck! Manahimik nga kayong dalawa dyan puro mga kababuyan na yang pinagsasabi nyo. Bumaba na kayo at kanina pa nakahinto ang kotse." nung sinabi no Kambal yun ay tsaka ko palang napansin na nakahinto na nga kami. Padabog kong kinuha yung bag ko at bumaba ng sasakyan. Inayos ko yung bag at uniform ko at maguumpisa na sanang maglakad ng bigla akong makarinig ng sunod-sunod na sigaw ng mga babae.




Hindi yung sigaw na masaya. Yung tipo ng sigaw na akala mo ay nakakita sila ng multo. Nagtatatakbo pa yung ibang mga babae. Yung iba naman ay kulang nalang tanggalin ang mga buhok nila sa kanilang ulo sa sobrang pagsabunot. Yung iba naman ay sobra makaiyak yung tipong akala mo e nag-asawa na si G-Dragon. OA sobrang OA nila.



Lahat sila ay nakatingin sakin na akala mo ay isa akong mumunting kuneho na naligaw sa gitna ng jurassic park.



"Problema nyo?" Tanong ko sa kanila. And as if on cue, sabay sabay ulit silang sumigaw ng pagkalakas-lakas.




"AAAAHHHHHHHHH!! BAKIT NAGING BABAE SI XANDER BABESSSS!!!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat na akala mo ay isang linggo silang nagpractice para lang magkasabaysabay silang lahat at pati ang intonation ay na perfect na nila. Nakakairita ang sigawan nila.




"KYAAAAAHHH!! Yung ovaries ko nadurog na!"


"Waaaah! Yung egg cell ko na nireserve nasayang lang!"




"Hindi pwede tooo! Sayang ang genes nya!"




Blah! Blah! Blah! Kung ano-ano pa ang mga ka-OA-yan na sinabi nila. Sobrang ingay nila at talagang mga umiiyak pa. Positive. They are crazy. They are crazy as hell for drooling over my brother.




"Welcome to our world." Bulong ni Kris malapit sa tenga ko. Mas lalo pang lumakas ang sigawan at iyakan ng mga babae ng ilagay ni Kris sa balikat ko ang kanyang mahabang tentacles.(Lol. Braso. XD)




"I'm not Xander for your ovaries' sake." Sabi ko na ikinatahimik nila. Parang nagpa-process pa sa utak nila ang sinabi ko. Dahil sa sobrang tagal ma-digest ng maliit nilang utak ang sinabi ko ay binuksan ko na lang ang driver's seat at hinila palabas si Xander.





"Hi everyone, I'm Xandra. His twin sister."

Tbc.
_
Xander and Kris on the side (♡˙︶˙♡)

More votes and comments means more updates!!

MPGR II: My Pervert BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu